LAFS

7 0 0
                                    

L.A.F.S

*Tingiling~*

"Thank you, for coming."

*Tingiling~*

"Good Morning."

Masisigla ang mga empleyado nang Coffee Shop. Masaya silang nag-tatrabaho. Minsan pa ay babatiin nila ang mga customer na pumapasok.

Maaliwalas ang lugar. Mas nakapa-dagdag pa dito ang amoy nang kape sa warmth na madadama sa buong silid. Mga naka-ngiti na empleyado at masasayang customer.

Simple lamang ang Shop na ito. May Counter na pinag-gagawan nang mga barista. Sa harap nito ay anim na stool. May mga makintab na kahoy na lamesa at cussion seats. Maliit lamang ito pero madami parati ang tao.

Ito ang 78. Ang Coffee Shop nang lahat.

Pumasok sa loob nang shop ang mag-kaibigang Kent at Carel.

"Hi girls." bati ni Carel sa mga babaeng papalabas nang 78.

The girls giggle and gumanti naman ito sa pagbati nang binata.

Napailing na lamang si Kent sa inasal nang kaibigan. Ganyan na talaga yan'. Mahilig sa babae.

"Ahm.. Ano bang pangalan nang kasama mo?" tanong nang isa sa mga babae. Hindi niya alam kung sino.

"Ke----" bago pa siya nito tuluyang mapakilala sa mga babae ay hinila na niya ito papunta sa isang bakanteng upuan.

"Pag-pasensyahan niyo na ang kaibigan ko. Hahaha!" tawa pa nito. At saka umupo.

Napailing na lamang si Kent sa inasta nang kaibigan. Basta talaga babae..

"Kent..nakuha ko number nang mga babae." naka-ngiti nang malaki sa kanya. "Gusto mo?"

Umiling na siya. "Sa'yo na yan Carel."

May lumapit sa kanila na waitress. Kulay itim ang maikling buhok at may maputing balat. Natatakpan ng buhok nito ang kalahati nang mukha niya. Binigyan sila nito nang menu.

"Capuccino."

"Machiato."

Inilista iyon nng babae at madaling pumunta sa counter. Lumapit ito sa iba pang customer. Sinundan iyon nang tingin ni Kent.

Sa di kalayuan ay may nakita siyang babae. Nag-babasa ito nang libro. Libro na nabasa na niya dati. Naka-suot ito nang salamin. Kulay brown ang magulo nitong buhok na nakatali.

Malayo ang babae pero parang ang lapit lamang nito sa kanya. Bumilis ang tibok nang puso niya. Humigop sa tasang nasa harap nito habang nagbabasa. Nanlaki ang mga mata niya nang mahuli siya nitong naka-titig sa kanya, parang bumagal ang lahat. Bumilis lalo ang tibok nang puso niya. Nag-wawala na ang puso niya.

"Kent!"

Napatigil siya pag-tingin sa babae nang sigawan siya ni Carel.

"Kanina pa kita tinatawag ah." sabi pa nito habang naka-awang ang ibabang labi. "Sino tinitignan mo diyan'?" usisa pa nito.

Napaiwas na siya nang tingin.

"Maganda siya." komento nang kaibigan. Naguluhan siya sa pahayag nito. "Yung' babaeng nag-babasa nang Me Before You na libro na may salamin. Nasa bandang dulo." dagdag pa nito na may halong ngisi. Eksakto...

"Hoy ! Ano--Anong sinasabi mo diyan?!"

"Na na-LAFS ka dun' sa babaeng yun'."

"Na-LAFS?"

"Love at first sight. Psh." sagot nito.

Napatigil si Kent. Love at first sight? Nag-bibiro ba ito? Mahal na agad sa unang tingin? Hindi maari.

"Imagination mo Dude. Tss." napailing na lamang ito. Nilabas niya ang libro at nagsimulang mag-basa.

"Kent. Hahaha! Na-LAFS ka !" pang-aasar pa nito.


Love at first sight?




This is a first.





I guess I have...

Muli niyang sinulyapan ang babae. Ngunit. Wala na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlexandreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon