I'm not the typical dream girl boys want.
I'm simple and normal. AB normal! Char! But, boys can't notice me even in school. I don't know why?
That's why I hate commitments. Iiwan ka kapag ayaw niya na. Masakit lang di ba?
Gusto ko man lang ang makakatagpo kong lalaki ay yung hinding-hindi ako iiwan. May dumating naman kaso ewan. Ewan. Ewan.
So, now I'm at my bed. Katamad bumangon at pumasok. Paano ba naman kasi wagas ako makapagmovie marathon kagabi. Eh wala naaasar ako. Si Gemma tawag nang tawag. Yung best friend kong baliw. Iniwan ng boyfriend. Kaya, last night, I comfort her. Kase naman! Hays! Sinabe ko na may ibang kalandian yun. Nakita ko kaya sa Bar na malapit sa may condo niya. Haliparot sila nung babae niya! Eh yung martir kong best friend di na naniwala! Ngayon, luhaan! Nako! Nako!
"Eh hindi ko naman kase alam eh!" Pahikbi-hikbing iyak niya pa.
Bruha talaga to!
"Sinabihan na kita. You didn't even listen to me! Martir ka kase!" Pagkatapos ay inabutan ko ng tissue ang baliw kong best friend.
"Sorry naman! Wala eh. Mahal ko siya." Talaga to si Gemma!
"Kaya nga, nandun na tayo kaso sana nakinig ka din. Eh di sana hindi umabot sa point na harapan mong nakita sila ng babae niya. Sana hiniwalayan mo na sa una pa lang. Gets mo?"
Heart to heart talk kami ngayon nito ha! Sabagay, loko din kase yung ex niya. Dapat sa una pa lang sinapak ko na nung nakita ko!
"What will I do without you Kylie! Kaya mahal na mahal kita. Sabi na tayo ang may forever!"
At sumandal sakin yung baliw. Pagnasasaktan to sa lalaki ako na lang lagi ang nagcocomfort. Sarap ng buhay single. Haha!
But, minsan masaya maging single minsan HINDI. Nagdrama ang lola niyo! Eh kase yung mga lalaki na yan. Nilahat ang mga lalaki pero totoo naman. Boys will always be boys. Lolokohin at iiwan ka kapag nakuha na nila ang gusto nila sayo. Am I right? Napansin ko lang kase sa mga nagging ex nang mga kaibigan ko.
Kyline Madrid here! Pinaglalaban ang mga sawi! Haha! (Uy hindi ako sawi ah) Yung mga kaibigan ko kase sila na lang lagi ang nasasaktan.
I will just give information about me.
So, you already know me. Kyline Santos Madrid. Queen of the new broken scene! Charing! I came from a descent family, well, a powerful clan. Ewan ko ba bakit galing ako sa pamilya na to. Gusto maramdaman na common lang ako. Na tao lang din ako. Some people would think, Oh! You're a Madrid you must be smart, very rich or powerful. Hays! Enough of that!
Natulog na sa tabi ko si Gemma. Kakaiyak niya. Nakatulog siya. Kawawa naman tong baliw na to.
Kahit ganito siya, mahal ko to. Malas nang lalaki na nang-iwan sa kanya. Di nila alam kung gaano magmahal tong si Gemma. Ako? Lovelife ko? Tinatanong niyo. WALA. WALA. WALA. Saka ayoko din.
Inaantok na din ako.
Pero. Wait...
(Tok! Tok! Tok!)
Sinu yun? Time check: 11:30 pm. Ganitong oras may kakatok pa sa unit ni Gemma. Nako takot ako sa multo ah!
"Gem. Gem. May nakatok. Di ba dapat wala ng nakatok ng ganitong oras sa condo. Uy!"
Gisingin ko na to at baka mamaya kung sino pa yun.
"Wala lang yan." Tamad naman nito.
"Sige na ako na magbubukas." Ako na nga.
I'm nearly at the door when, I doubted na buksan. Pero, sige na nga.
"Who's that? Gabi na mang iiistorbo pa." Taray ko di ba!
"Gem. Gem. Let's talk. Si Ralph to. I know we had a hard time but, I promise."
Fuck! Si Ralph yung ex niya! Infairness makulit siya.
"Ralph. Hindi to si Gem. Si Kylie to." Sabay binuksan ko na yung door.
"Hey Ralph. What brings you here? Tulog na si Gemma. And please stop bothering her! Dun ka sa haliparot mong babae! Tas ngayon babalik ka. Bakit nagsawa ka na? Well, you're such an asswhole!"
Then, Sinarahan ko na siya ng pinto. Loko siya! Lakas ng loob.
"Please. Kylie oh. I need to talk to her." Hindi pa pala siya umaalis.
"Over my dead sexy body! Tama na!"
At mamaya narinig ko na siyang papalakad na umalis. Buti nga sayo.
Boys will always be boys.
BINABASA MO ANG
A Letter from, who?
RomanceThey say, "Love builds bridge for the none." Is it true? Or am I the only one who believes this? It's really hard to love someone that you really don't know where he came from? Or worst, who is he? And why his doing this? Just, one morning I woke up...