4th year Highschool
September 2013
Kasagsagan ng practice natin noon ng Sabayang Pagbigkas, pagod na pagod na ako kasi paulit-ulit tayo tapos idagdag mo pa yung sobrang init. Nakita kita andun nakaupo lang kausap mo si Maam, ewan ko ba pero iritang irita talaga ako sayo noong na araw yun. Naiinis ako sa mga ginagawa mo, sa kilos mo, basta sa lahat. Hindi kita pinansin hanggang sa matapos tayo. Hindi ako sumasabay sayo sa paglalakad. Hindi rin kita gaano kinakausap. Hindi ko alam kung ramdam mo yung pangdededma ko sayo.
Kinagabihan nag text ka sakin.
"Psst! Anong problema mo? Mag kaaway ba tayo?"
"Huh? Anong pinagsasabi mo? -.-"
"Sus! Kunwari pa si Bakla ano ngang problema, Galit ka sa akin?
"Ewan ko sayo, naiirita ako sayo! Nakakaasar ka."
"Hala siya! Wala akong ginagawa sayo. Ikaw ang biglang hindi namamansin."
"K."
"Ayan na naman yung reply mo na yan ah! Sige na sige na. SORRY kahit di ko alam kung anong ginawa ko sayo. Meron ka siguro no? Joke lang uy! Magagalit ka na naman eh. Alam mo namang hindi ako sanay na galit ka. Sorry. K3U"
"K3U ?"
"Wala lang yan :), Ibig sabihin bati na tayo? :)"
"May magagawa ba ako? Tss. Kaasar to."
"Hindi mo naman ako talaga matitiis eh. Tulog ka na :) Sunduin kita bukas ng 9am, hindi 11:30 ah. 9am! 9AM"
"Oo na Baklang to! Matulog ka na! Goodnight :)"
"Goodnight E :*"
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti. Hindi ko alam kung dahil ba sa last text mo o dun sa thought na nag sorry ka kahit hindi mo alam kung anong kasalanan mo sa akin.
Nakakapanibago ka lately J.
