CHAPTER 2: TRYING TO REMEMBER

12 2 0
                                    

Terrence's POV:

"Bitawan mo siya kung ayaw mong masaktan!"

    Nagpantig yung tenga ko nang marinig ko yun at the same, naningkit yung mata ko!

    Nilingon ko yung EPAL na tagapagligtas ng babaeng to!..

T-teka...

    Kilala ko ba to? Yung mukha niya, p-parang nakita ko na somewhere. Parang, napakapamilyar! Tinitigan ko siya nang mabuti and trying to remember his/her face...

Innnnnkkk!
 
  A-AAARAAYy!!!! A-ang......sakit ng ulo ko!!!
'

**
'Ang gwapo talaga ng baby ko!!' nakangiting sabi niya sabay himas ng mukha ko.
'Syempre naman, kaya ka nga nainlove diba? Uuuyyy Aminin!!' sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya.
'Oo naman!!! sabi niya sabay halik sa pisngi ko..
**

"H-hoy, ayos ka lang?! Anong nangyayari sayo?!?"

"Argh!!!!! L-lumayo ka sakin!!! Ahhhh.... A-aarrayyy!!!"

    Ano bang nangyayari sakin? Ba't ang sakit-sakit ng ulo ko?? Parang nabibiyak yung skull ko!!!!

   May kung anong nagpa-flash sa ulo ko. Pero hindi ko masyadong maintindihan dahil sobrang labo.

"A-raaay!!!"

   Bigla nalang akong nakaramdam ng sobrang pagkakirot sa ulo ko at pagkatapos nun, everything went black.

Blairre's POV:

  

   "A-raaay!!!"

-BLAAAAGGGG-

    Pagkatapos niyang sabihin yun, bigla nalang siyang hinimatay. Weird!

    Dinala ko siya sa clinic... Yes, ako lang yung nagdala sa kanya dun. As in, AKO lang mag-isa yung nagbuhat sa kanya papunta dun!

  

    Mga walang awa ang mga estudyante sa school na 'to! Yung tinulungan ko kaninang babae, ayun tinakbuhan ako nang inutusan ko siya. Yung nakinood naman, nagsialisan rin! Mga walang kwenta!

    Haayy.. Ang tagal naman nung Nurse. Paniguradong nag-iistart na yung klase! Kanina pa kaya ako dito. Pumasok nga ako ng maaga kanina para hindi ako malate pero tingnan mo nga naman ang nangyari. Sana di nalang ako nakiepal kanina eh!

    Oo nga pala, my name is Blairre Jhianna Perez.. Isang binansagang t---

"A-hhhhh"

    Napalingon naman ako sa hinihigaan ng mayabang na mukhang mangangain ng tao kanina

   
    nang bigla siyang umungol. Biglang dumilat yung mga mata niya...

      Ang bait pala ng mukha niya kapag bagong gising siya...
Pero bigla namang bumalik sa dati nang bumangon na sya .....

"A-arghh!!" bigla naman niyang hinawakan yung ulo niya nung pagkaupo nya  na sa kama.

   Mukhang di na naman ako kailangan dit- teka nga, ba't nga ba nandito pa ako? Tsss.. Sana iniwan ko na 'to kanina pa eh... Antanga mo talaga Jinna!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon