CAT Story

802 24 35
                                    

CAT Story

by: TotallyInspired

Tuwing magdi-drilling sa CAT, naiinis ako! Eh pano ba naman lagi akong nasa unahan. Pano kung magkamali ako? Edi expose na expose sa lahat. At ang nakakatakot pa nito bukas! As in BUKAS na ang parada para sa Intramurals.

August 16.....

"Square the unit move!" Utos samen ni Sir Suarez.

Kabado na talaga ako kase konting minuto na lang at magsisimula na ang parada!

"Oh sino yung mga late dyan kanina?..."

"Pumping position down!!!" Utos niya ulet.

Kaya naman yung mga classmates ko na nalate ay sinimulan na ang pagpupumping.. Natatawa na nga lang ako sa iba't-ibang reaksyon ng mga muka nila eh. Buti ako di nalate XD Ang ganda ko talaga ^^V

"Oh ikaw!" Sigaw niya sabay turo saken.

"A-ako?!" Nag-aalinlangan kong sagot.

"OO! IKAW?! LATE KA DIBA?"

Ano raw yun? Ako late?? Hala! 6:00 kaya andito na ko >___<

"LATE KA DIBA? 'Kaw talikod harap!"

"HA? HINDI PO AKO LATE!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Kaw talikod harap!!! PUMPING POSITION DOWN."

"Hindi po talaga ako late! Pinagbantay niyo po ako ng mga bags ng mga classmates ko." Kabado kong sagot.

"PUMPING POSITION DOWN!!!!!"

Wala na akong nagawa kaya naman tumalikod na ako. Pagharap ko sa likod, nandun ang Section na IV-Aluminum! Grabe naman, andun pa naman yung mga classmates ko noon. Nakakahiya naman! At eto na nga nakaupo na ako at ready ko ng damhin ang letcheng pumping na yan! I dont deserve this!

Maya-maya pa! Naramdaman ko na nag-iinit na ang mga mata ko.. Nanlabo ang paningin ko kahit na nakasalamin ako.. Yun pala, nangingilid na ang mga luha ko. Siguro dahil na rin sa kahihiyan, tumayo na ako at hindi ko na sinunod ang utos ni Sir Suarez na pumping. Hanggang sa maramdaman ko na tumulo na ang mga luha ko.

"Hala ka! Lagot ka!"

Naririnig ko ang mga sigaw ng mga classmates ko saka nag-aaksyon kay Sir ng parang 'lagot sign'.

"Oyy! JOKE LANG YUN! G-G LANG!" Natatawa niyang sabi.

Nakakainis naman to si Sir! Pinahiya pa ako! Pinagtawanan kaya ako ng mga classmates ko pati na rin ang section Aluminum.

Haaaaays.. Sabe na nga ba eh! Dapat di na lang ako sumali sa parade dapat nagbantay na lang ako ng mga bags. Nakakainis talaga! Naexpose na ko sa kahihiyan! ANG MALAS KO NAMAN. Pffft.

Grabe! Di pa rin ako makaget over sa kahihiyang nangyari. Buti wala dun si Crushy Crush ko ^___^ Speaking, busog na ang mga mata ko kase ilang beses ko nakita si Karass. Siguro nga sa sobrang busog eh, hindi na ako ng kakain ng lunch. Pero joke lang yun, kakain pa rin ako nuh!

TANGHALI NA.

Nakita ko siya, padaan daan! UWAAAAAAA O____O Pinapayungan niya yung girl niyang classmate na nagpupulot ng kalat. It hurts. It hit me like a speeding bullet straight to my heart </3

Charot lang! Di naman nakakahurt kase kelangan naman ata niya na payungan yung classmate niya eh.

Basta ang saya talaga ng araw na to. Kase nakita ko na siya. Kuntento na ako na makita siya kahit sa malayo lang. Parang may pagka snobber naman kase siya eh. Like duh. SSC (Special Science Curriculum) kaya siya. Nakakahiya naman kung lelevel ako sa kanya diba... kaya heto ako ngayon, pasulyap sulyap sa kanya. Kaso nga lang nakatalikod siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CAT StoryWhere stories live. Discover now