Kailan man ay hindi mo madidiktahan ang panahon, kung ano talaga yung nakatakdang mangyari ay mangyayari talaga. Hi, I'm Kreyn Torres. Just a normal junior student na may normal na buhay. Isa rin akong simpleng babae na may simpleng pangarap. Pangarap na pinag susumikapan ko ngayon upang aking makamtan balang araw.
I laugh, I cry, I shout, and I talk a lot. May buhok, may ilong, may dalawang tenga, may dalawang kamay, may dalawang paa, buo ang katawan at may iisang puso. May iisang pusong handang magmahal kung sino man yung nakalaan para sa akin, isang pusong handang tanggapin ang taong aking minamahal maging ano't sino man siya at isang pusong hinding hindi susuko at patuloy na aasa na balang araw ay dadating rin yung tamang tao na tatanggapin ako at mahalin ako nang buong buo at totoo na walang bahid na pagdadalawang isip.
Pero sa totoo lang, I just had my heart broken by someone who made me believe that he really loves me, that he really care for me, that he will stay with me no matter what happen, that he is really meant for me, that I am the only one for him, that we will be last forever. But what was just happened? Lahat pala nang mga iyon ay pawang kasinungalingan lamang. Iniwan lang niya ako nang basta basta, iniwan nalang niya ako bigla sa ere, yung parang napaka dali lamang sa kanya na kalimutan lahat nang kung anong mayroon kami, yung parang napaka dali lang sa kanya na palitan ako, yung parang sa isang iglap nag laho nalang siya bigla habang wala akong ka ide- ideya kung bakit naging ganoon. Sinubukan kong mag move-on, sinubukan kong kalimutan siya at tanggapin ang katotohanan na hindi talaga kami para sa isa't isa, sinubukan kong magpaka tatag para sa sarili ko. I did everything just to move on and good thing I've moved on.
Sinubukan kong mag mahal muli dahil akala ko sa pagkakataong ito ay swertehin na ako, akala ko sa pagkakataong ito ay siya na talaga at akala ko sa pagkakataong ito ay magiging masaya na talaga ako pero sa kasamaang palad nasaktan na naman ako, pina asa na naman ako, pinag palit na naman ako at iniwan na naman ako. Ganoon nalang talaga palagi yung nangyayari. I just can't afford to have my heart broken several times. And I don't have any replacements anyway.
Keith Harvey Quilla. My bestfriend and my long time crush, simula pa noon crush ko na sya kaya lang mukhang unti unti na yatang lumalalim nararamdaman ko para sa kanya hanggang sa ito ay naging love na. Alam kong bawal, at alam ko hindi pwede't hindi dapat dahil mag bestfriend nga kami at higit sa lahat may girlfriend sya pero ewan ko ba kung bakit hindi ko man lang magawang pigilan yung sarili ko at yung nararamdaman ko para sa kanya.
"Kreyn, malapit na pala anniversary namin. Tulungan mo naman ako oh. Ano kayang magandang surprise para sakanya?" tanong ni Keith sakin.
"Ewan. Problema mo na yan. Hahaha " sagot ko sa kanya. Inaamin ko na nag seselos talaga ako sa tuwing pinag uusapan namin yung girlfriend nya pero wala naman akong magawa eh dahil ako lang yung dakilang bestfriend nya na handang sumuporta sa kanya kahit anong mangyari, kahit masakit na para sa akin. Oo, masakit talaga na makita ko siya na masaya ngunit hindi ako yung dahilan.
Matapos ang ilang linggo parang may napapansin ako kay Keith. Napapansin kong lagi nalang siyang tulala, lagi nalang siyang malungkot at parang lagi nalang siyang may dalang mabigat na problema, nag aalala tuloy ako sa lalakeng ito kung ano ba talaga yung nangyayari sa kanya, kaya napag pasyahan ko na kausapin siya at tanungin siya tungkol dito.
"Oy Keith, may problema ka ba? Parang napapansin ko kasi madalas na malungkot ka at parang may hindi talaga tama sayo. " Tanong ko sa kanya.
"Wala lang ito, Kreyn. " Sagot niya sabay yuko.
"Ano ba naman Keith. Mag sabi ka nga sa akin nang totoo."
"Okay lang ako."
"Alam ko namang may problema ka eh. Ano nga? " Tinanong ko sya nang paulit ulit para lang umamin sya.