Regret [one shot]

106 0 1
                                    


'GUSTO KO NA SIYA, OO NA. CRUSH NA NGA EH' Sabi ko sa sarili ko

Kasi naman si Zean, bakit kasi ang sweet niya? Tapos siya pa yung unang naging best friend kong lalaki. Ang bait pero lagi akong inaasar. Pero nagustuhan ko na siya, kahit ano pa siya.

"Alam mo na ba?" tanong ng isa kong kaibigan

Tumango ako "Tama ka naman palagi eh."

"Sabi sayo. Ano ba? Mahal o crush?" di ko siya classmate o school mate, kaibigan ko lang kasi kapit bahay ko.

Isa lang naman akong invisible girl eh, may kaibigan pero mga kapwa invisible lang din. Ano pang aasahan, ang bituin sa kapwa bituin at ang lupa ay sa kapwa lupa.

Ayoko sabihin sa kanila, sabihin nila naghahangad ako masyado. At tsaka, magaslaw siyang gumalaw, inaakala na BAKLA nga.

"Crush lang, ngayon ko lang naman siya nameet. At hindi yun pede"


Ako si Angela, grade 6 student sa isang public school. Mahirap lang naman kami eh, pero napunta naman ako sa private nung pre-school hanggang grade 3.

Nung grade 4 ako nilipat dito kasi medyo nakakapos na nga kami. Nung una nasa lower section ako at medyo nagugulat dahil nga sa ibang klaseng pagtrato dito kaysa sa private. Mas maganda dito, dito ko naranasan magkaroon ng kaibigan at maging masipag lalo dahil nakasali sa ako Top.

Pero nung grade 5, natutuhan ko na kailangan pa lang kalimutan ang mga kaibigan mo noon dahil nagbagong buhay ako, nalipat sa ibang section at medyo nabababaan sa sarili.

Siguro nahihiya sila pati ako, kaya yung mga kaibigan ko dati, di na ko pinapansin. Iniisip na mataas na ako kaya laging may awkward moment tuwing nagkakasalubong.

At nitong grade six nga ay nalipat nanaman ako at nasa star section na. Noong una ang hirap kasi parang ang tatalino ng mga tao dito. Pero habang tumatagal, okay lang kaso di na ako sinuwerte na makasali sa top siguro kasi ang tatalino talaga nila.

Pero bukod nga diyan, nung nag- groupings sa MAPEH, lider namin siya. Palibhasa ay vice-president sa student council. Matalino naman siya, nasa top rin eh.

"Ito yung gagawin mo..." naalala ko siya nung time na nasa grade 5 pa lang, natatawa ako sa mukha niya kasi meron siyang eyebags, parang di natutulog.

"Ah sige." Tapos umalis na siya. Di ko pa naman nararamdaman ito nung mga time na iyon


Pero sa mga susunod na araw...

"Dela Pena?!" sigaw ni ma'am. Ako iyon, tinaas ko yung kamay ko.

"Ikaw ba itong Ma. Angela Tomasa Dela Pena?" tanong niya

"Yes ma'am." Mahina yung pagkakasabi ko kasi natatakot ako, pero sinabi naman nila. Nagulat ako kasi kilala nila ako

"Bakit di mo nilagay yung Tomasa sa picture mo?! Alam mo bang nahirapan akong maghanap kung sino ito kasi walang Tomasa?! Nako, kapag inulit mo iyan ay ililipat kita ng section" di na ako sumagot, nasigaw kasi siya nakakatakot.

Haba ng pangalan ko no? Isa iyan sa dahilan kung bakit hindi ko madalas sinusulat iyan. Tsaka, mukang engot man pero nahihiya ako. Pangalan kasi yan ng lola ng mama ko kaya iyon pero swerte daw yan sabi ni mama. Dun kasi sa private inaasar nila akong Tomato, kaya yun. Natrauma lang ako

Regret [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon