Wala ka nanaman | One Shot |

559 31 12
                                    

Baket ba palagi ka na lang wala?


Nung nanliligaw pa ako sayo ang sabi mo sa akin wag na kasi niloloko lang kita kahit hindi naman talaga. Kahit anong pilit ko sayo nun ayaw mo talaga.


"Kris, Mageffort ka muna" Ang Sabi mo.

Kaya naman ginawa ko nageffort talaga ako! Araw Araw hahatid kita sa bahay niyo. Sabay tayong maglunch at sabay tayong pumasok ng School. Dami ngang nagtitinginan kasi ang cute ng kasama ko. Inggit talaga sila sayo.


Isang Buwan din akong ganyan. Inaantay sa sagot mo. Akala ko nga wala ka ng balak sagutin ako ang kaso bigla mo akong inaya.


"Kris, Pwede ka sa Sunday? May bibilhin kasi ako sa National Bookstore."


Sobrang OO ako nun. Sobrang saya ng pakiramdam kasi feeling ko date na yun kahit hindi pa tayo bf/gf. Inaantay kita sa SM ang sabi mo 2:30pm ang antayan dumating ako doon 2:00pm. Para maaga nakakahiya naman ako na lalaki ako pa late.


Pero lumipas ang isang oras wala ka pa rin. Kaya naman naisipan kong itext ka at tanungin.


|Cheska? Asan ka na po?|


|Umuwi na ako madaming tao|

Wala ka na pala sa SM.

Kanina pa ako nagaantay nauna ka na pala at nakabili na. Di mo man lang ako nagawang itext at sabihin. Kaya naman akala ko pinaglalaruan mo ako. Ginagamit at pinaglalaruan na ikaw yung tipong magpapaligaw pero magpapaasa.


Ayaw ko man isipin dahil masakit ayun ang naiisip ko sayo dahil sa ginawa mo. Pero nung kinabukasan nagulat ako sa sinabi mo.


"Kris, Sinasagot na kita"


Nabigla ako. Tinanong kita kung baket ang bilis wala pa ngang tatlong buwan. Mamaya ay biro lang ito tapos pagtatawanan niya ako.


"Relasyon ang pinapatagal hindi panliligaw" Ang sabi mo na naging dahilan ng pagkasaya ko.


Siguro ay 'test' mo lang yung kahapon naisip ko. Kung pupunta ba ako o hindi ang kaso pumunta ako. Naisip ko na baka nakita niya na ako pero tinitignan niya lang ang pasensya ko.
Pero Seryoso naman talaga ako sayo.

****

First Monthsary natin naisip kong magDate tayo. Inaya kita um-oo ka naman naisip ko manuod ng sine syempre yung gusto mo.


Usapan natin 2pm kaso wala ka pa rin kaya naman nagalala na ako sayo. Tinextat tinawagan kita pero di ka sumasagot. Isang oras ako nagantay wala ka pa rin. Hanggang sa umulan na at gumabi na wala ka pa rin.

Sa First Monthsary natin.

Wala ka.

Kinabukasan ang dami mong pinagsasabi. Ang dami mong excuses at paliwanag na kasi namatayan kayo at ganto ganyan si ganun at ganere. Pati ata mga ninuno niya nasama mo na e. Pinalagpas ko kasi mahal kita at seryoso ako sayo.


"Cheska, Napipilitan ka lang ba" Tinanong ko sayo kahit na ba ayaw kong marinig yung sagot.


"Hindi. Gusto kita at hindi ako napipilitan. Wag ka kasing magisip isip ng kung ano ano!" Sinabi mo. Nabuhayan ako pero meron part na nagsasabi na ang sakit.

***

Inaakala kong manloloko ka mali ako. Kasi tumagal tayo ng 8months at 12Days. O diba? Ang tagal na natin kahit minsan di ka nakakaattend ng mga dates natin okay lang kasi mahal kita at ang sabi mo mahal mo din ako.


Dumating na yung 10 Monthsary natin. Excited na ako kasi ipapakilala na kita sa parents ko. Ngayon lang kasi sila umuwi ng pinas at syempre ngayon ay isang special na okasyon kasi birthday ko din naman.

Wala ka nanaman | One Shot |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon