"ANG KATOTOHANAN SA MATIMATIKA"

1.7K 19 5
                                    

**para po sa lahat lalo na sa may hate ang math^^

gusto ko lang pong ishare ang aking isinulat^^

sana mabasa nyo, ito'y para sainyong lahat^^

“ANG KATOTOHANAN SA MATIMATIKA”

ang math ay di ginawa para pahirapan ka

inimbento ito upang pasensya’y humaba

sabihin na may solusyon lahat ng problema

at pagkahanap ng solusyo’y maging masaya

marahil mahirap nga ang matimatika

dahil sa sakit ng ulo na daladala

pero ikaw ay magisip ng malaya

at tyak sa huli’y may ngiti sa yung muka

sa lahat ng problema’y maging matyaga

parang sa buhay bawal ang tulog mantika

mag-isip at utak ay hayaang gumana

ilabas at palayain ang iba’t ibang ideya

trial and error ang madalas nating kataga

ito’y madalas gawin upang solusyo’y makita

pagkasolve subrang tuwa ang madarama

kala mo’y isa na sa pinakamagaling sa balat ng lupa

magisip lagi upang desisyon ay maging tama

kahit ito ma’y mali sa paningin ng iba

sa sarili’y bumilib at laging magtiwala

yan ang pangunahing kailangan sa matimatika

**ako'y nababagot at di makatulog kaya ako'y nagsulat, sinulat ang mga katagang nasautak^^ eto yun  32 minutes ko din yan ginawa  kahaba ng oras na aking winaldas, para sa sulating ito na aking itatagong wagas.

**july4,2013 11:12pm-11:44pm

>>yzme-mathh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"ANG KATOTOHANAN SA MATIMATIKA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon