One..two..three..phew.
Diyos ko po di ko na to kaya! Alam mo mo yung para akong tangang nakatayo dito sa labas
ng faculty room. Sobra- sobra ang kaba ko, yung kabog na kabog. Eh bakit pa kasi ako
tinawag ni Ms. Chobra eh!
Habang nagmomoment ako,biglang bumukas ang pintuan.
"Kreakk..kreakkk.. Oh Shit!" pasigaw kong sabi
Eh kasi naman itong si ms., nangbibigla. Napamura nalang ako nang wala sa oras.
"Excuse me Ms. Yu. Hindi ako shit, gusto mo bang shit-shitin ko yang sarili mo dahil kanina
pa kita pinatawag at halos isang oras na akong nakahintay sa loob?! Kung hindi ako lumabas
ay baka tumanda na ako sa paghihintay sa'yo at masasayang lang ang kagandahan ko?"
pagsasabi ni Ms. Chobra
"Omy God ms., ngayon ko lang nalaman. Ang kapal pala nang fes niyo!hahaha"
Napatawa ako nang sobra dahil sa sinabi niya. Eh ang panget kaya niya, bakat na bakat na
ang kanyang mga wrinkles at pimples noh. Masayang daw ba ang kanyang kagandahan, sus
maryosep!, eh kitang- kita na nga ang mga ugat sa binti niya nag skirt pa at flat shoes. Pa
teenager lang ang peg! Hahaha
"Are you insulting me Ms. Yu? I just want to tell you na pinatawag kita because you got the
lowest score in all 4th year students. You also rank the least in academics and I'm sad to say
that bakha hindi ka maka graduate !"tumalikod siya at tuluyan ng umalis
Hindi ako naka imik sa sinabi niya.Para akong estatuwa na napako sa kinatatayuan ko.Alam
ko namang bobo ako pero hindi ko talaga inasahan na darating sa puntong ito.
Nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata at sa isang iglap, I felt tears flowing.
Pangarap ko kasing makagraduate and I promised my parents na I'll do my best para
makapagtapos ng pag-aaral. Ano nalang ang sasabihin ng parents ko?Alam mo yung feeling
na you've done your best but your best isn't just enough? Nakakadegrade nang tao eh.
Kaya napatakbo nalang ako habang umiiyak. Wala na akong pakialam kahit na may nakakita
sa kalagayan ko ngayon.
Habang patakbo akong tumawid sa kalsada, malapit na akong mabangga nang isang auto.
"Beeppppp! Ano ba miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Nagpapakamatay kaba?"
sigaw nang driver
Hindi ko na siya pinansin at patuloy akong tumakbo. Napadpad ako sa park, dun sa centro
yung may malaking puno. Sumandal ako dito, at napaluhod habang humahagolgol sa pag-
iyak. Iniisip ko na pano na ako pag hindi ako nakapag graduate. That will surely disappoint
my parents. So I cup my face with my knees and continued crying.
Habang ako ay umiiyak biglang...
"Ms. , are you ok?" Sabay nang pagabot niya nang panyo sa akin.
I faced my head forward and then...
Weeeee! Diyan muna ha.congrats to me. :))) enjoy reading. :3
BINABASA MO ANG
I Found You
Teen FictionTwo diferent lives of people. Crossed by destiny, put into one together by Love.