Nagtatakbo ako kasama ang pagdaloy ng mabigat na trapiko. Makapal na usok na aking nalalanghap. Pwe. Paakyat na ako sa hagdan ng Silang Building dahil huli na naman ako!
Nagtime-in na ako at naamoy ko ang pamilyar na pabango galing sa kanya. Tinignan ko ang bundy card, 7:00 langya naman oh!! Ang aga pa pala!
Naglakad na ako patungong Vath Building para hintaying bumukas ang Technical Office para simulang magtrabaho.
Naupo sa hagdan at pinanood ang mga tao sa baba habang nakikinig ng Peterpan. Nang nasa chorus na sinabayan ko sa pagkanta ng malakas. Hindi ko napansin na nandoon pala siya na nakaupo sa itaas, darn it! Nakakahiya.
Tinignan ko siya at nagtanong ako.
"Kanina ka pa ba diyan?"
Ngumiti siya ng nakakalusaw na ngiti. Ang gwapo niya talaga.
"Hindi naman," sagot niya.
Iyon ang unang beses na kinausap ko siya pero saglit lang dahil nahihiya ako. Pinagpatuloy ko lang ang pagkanta at pagmasid.
********
Pagdating sa silid-aralan agad kong kinuha ang aking kwaderno at nagbasa. Ang ingay ng paligid, pagdadaldalan ng mga kaklase ko, pagpapatugtog ng malakas, higit sa lahat ang debatehan ng mga tanga.
Narinig ko na lang ang pagring ng bell hudyat ng pagsisimula ng klase.
Tiniis ko ang isang oras sa pakikinig sa agham. Bakit kung pumunta ka ba sa palengke sasabihin mo bang, " Ale pabili nga ng H2O". May ganoon? Try mo nga?
Nakalabas na ako at patungo na ako sa susunod na klase. May yumakap sa akin sa likod. Kilala ko na kung sino.
"Shots! Bitiwan mo nga ako!"
Bumitaw naman siya.
"Init na naman ng ulo mo," puna niya.
"Pake mo ba?"
Iniwan niya ako sa gilid at pumunta sa ibang kaklase ko.
May tumabi sa akin. Ano pa ba ang ginagawa ng studyante habang hinihintay ang susunod na klase? Edi nagse-cellphone ako. Nakatungo ako habang nanonood ng MV ng EXO.
"Ganyan na ba sila kagwapo at di mo man lang ako paglingunan?" wika ng katabi ko. Tinignan ko siya.
Problema nito?
"Ashley, may sasabihin ako sa iyo," sabi niya.
"Ano?" tanong ko naman.
"Pwede bang manligaw?"
Gago ba siya? Malamang, ba't siya nagpapaalam?
"Oo pero huwag sa akin," gara ng sagot ko noh?
"Ashley naman eh. Seryoso ako sa'yo."
"Owa? Close tayo?"
"I love you, matagal na, just let me prove it," seryoso niyang saad.
Papayag ba ako?
BINABASA MO ANG
Masaya Ka Ba? [Short Story]
Short StoryHappiness is what I felt when I'm with you. The question is, do you feel the same?