I. L. W. T. F.

214 1 1
                                    

extreme cheesiness may cause health hazards to the readers please see manual for instructions

I. L. W. T. F.

“Dear diary, hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito lately, para akong tanga! Para akong siraulo, sabog, freak, psycho!!!(ay kelan ba naging hindi sorry naman). Pero seryoso pakiramdam ko nasisiraan na ko ng ulo. Tingnan mo pati sa diary nakikipagusap ako. O diba kamusta naman yan? Ito talaga kapag sumagot to alam na magpapa-admit na ko sa mental hospital.”

            “HOY!!! Baliw sinong kinakausap mo jan? Loko patingin ka na malala na yan” sagot ng isang boses sa kanyang likuran. Halos malaglag sa kanyang kinauupuan si Gato sa sobrang gulat  “<gasp> Anak naman ng kagaw oh! Papatayin mo ko sa takot gago ka! Akala ko sumasagot na yun diary ko tarantadong to sapakin kita jan e”. pabulyaw nyang sinabi sa lalaking may malaking ngiti at masasayang mga mata. “oioioi chill lang pre kaw naman... init ng ulo nito” sambit ng masayahing lalaki “Ano ba yang ginagawa mo jan ha?” sabay lapit upang tingnan kung ano ang pinagkakaablahan ng kaibigan “Wow ah dis-oras ng gabi kung magsulat, partida halos walang kailaw ilaw dito sa kwarto mo. Hmmm… Sa bagay kanya kanyang trip yan may nagwawalis sa kalye ng 3am, nagpupunta ng mercury drug para bumili ng multi-vitamins sa madaling araw, naglilista ng noisy sa wet-market… Ikaw ayan.. sulat sulat sa madaling araw… AT.. eto ang malupit pre… sinasabi yung bawat salita habang sinusulat.. Oh diba Astig! High five naman jan pre… tangina kaya di kita maiwan iwan  iba mga trip mo e .” Sabay tawa ng malakas ang masayahing lalake. “ulol. Parang ang tino tino mo ah sino kaya sa ‘tin ang may weirdong suot with matching clown’s hat pa. Cosplay? Cosplay? Lumayas ka nga dito wala ka na namang magawa noh”. “Huushh shatap Gato I’m not asking for your lame opinion. Tabi nga jan..” Lumapit pa lalo ang lalake na nakadamit payaso upang tingnan kung ano ang nakasulat sa diary ni Gato at ito ang nadapuan ng kanyang tingin.</gasp>

            “… masaya ako tuwing kasama ko siya pero syempre wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya yun, isa pa di pa ako sigurado sa nararamdaman ko noon at sa sobrang batang isip nya pakiramdam ko magiging mahirap na bagay ang pagtatapat ng nararamdaman ko sa kanya. Dagdag pa rito mayroon syang habit na sampalin ako tuwing sa nagagalak o nagugulat sya sakin. So parang ganito yun scenario kung nagkataon. Aeriem! May sasabihin ako sayo… Alam mo mahal na mahal kita… I LOVEEE YOUUU AERIEEM!!! <plak>… naiimagine ko na kung ano ang tunog at pakiramdam ng magiging sampal nya pag nagkataon so ayun naisip ko malamang gutom lang to at lilipas din pilit kong nilimot ang ideyang yun... Kilalang kilala ko ang bawat guhit at hulma ng kanyang mukha, ang payat nyang katawan, ang mabutong kanto ng kanyang balikat. Ang amoy ng kanyang maganda at mahabang buhok… Yun.. yun ang bagay na talagang di ko malilimutan sa kanya kabisado ko ang amoy nya. At madalas maging nagiisa man ako o naglalakad lakad sa labas naamoy ko ang amoy nya at tuwing mangyayari yun napapalundag ang puso ko sa tuwa kasabay ng pangungulila ko sa kanya at ang pagiisip na sana… sana andito sya sa tabi ko at kasama ko sya. Oo maaring di sya super-model sa ganda, lalong di rin sexy na pang-FHM cover. Walang boobs walang butt, mukhang sakitin, may mood swings, nakakainis ang boses (kung minsan lang nman), pagsumimangot kala mo pasan ang daigdig, dakilang pasaway sa lahat ng bagay, madalas ako inisin sa pamamagitan ng “frequent” na pananakit at paninira ng gamit ko o ano man trip ko sa buhay. Ang mga di nakakatuwang nakakatawang ehemplo nito ay yun muntik nya maiwala ang power button ng cellphone ko nun na padala sa akin ng nanay ko noong nasa ibang bansa pa sya mantakin mo ba naman kalas-kalasin nya yun tapos “he he papalitan ko na lang” ang nasabi nya nung maiwala nya. At nung panahon na may nililigawan ako na isa pa naming kaklase trip na trip nya mangbasag ng diskarte ko noon may isang pagkakataon pa na naguusap kami ni Delika (yung classmate naming na tinutukoy ko) bigla sya umupo sa tabi o sa gitna namin di ko na maalala kung saan mismo basta. sabay ngiti sa amin at nakikigulo sa paguusap namin. O diba talk about mental.. ay naikwento ko rin ba na kapag nagkwkwentuhan kami walang ano ano ay bigla bigla sya mananabunot, mangungurot o mananampal at matapos nito ay parang walang nanyari. Kung hindi ako nagkakamali sya ang unang babae na gumawa sa akin nun sympre wala akong magawa alangan naman sapakin ko diba.. Nung napagisip-isipan ko nasambit ko na.. Yep this freakin girl is mental.. perhaps I should start avoiding her before she goes berserk and start hurting people. Oh gawd this is scary pano ba naging close sa kin tong abnormal na to mamaya kapag nabuwang to ako unahin nya tapusin. Hahahahaha… Pero alam mo kahit na para siyang psycho sa mood swings at temper nya pagdating sa kin (since mukhang hindi o madalang  siya tinatamaan ng saltik nya when it comes to other people) hindi ko sya makuhang layuan noon kahit na minsan ay talagang napipikon na ko sa pagtritrip nya sa akin hindi ko pa rin sya kayang tiisin tuwing lalapit sya or in most cases ako un lumalapit dahil di ko kaya na di sya makausap. Madalas nagiging matiwasay (meaning walang dahas na tumatama sa akin) lang ang paguusap naming kapag nagkwekwento siya ng tungkol sa mga drama ng buhay nya madalas di ko maintindihan yung mga isinusumbong nya dahil di rin naman niya nasasabi ng direkta. Dagdag pa rito madalas ay umiiyak lang naman siya sa balikat ko minsan basang basa na nga ng luha/sipon/laway nya un balikat ko pero ayos lang sa akin yun. Masaya ako na ganun siya kalapit sa akin pero sympre di ok na umiiyak siya masarap lang na pakiramdam yung parang ako yun nagiging takbuhan at iyakan nya. Dumating din sa point na nagsusulatan kami, nakakatawa diba parang hindi pa kami nagkikita sa classroom nun at dun na lang magkwentuhan. Pero yun nga madalas yung mga sulat nya sa akin ay mga kadramahan nya sa buhay (ng mga panahong to hindi pa nabibigyan ng tawag ang mga taong ganito pero sa ngayon tinatawag natin silang EMO.) at kung ineexpect mo na diretso nya ng nababanggit kung ano talaga problema nya.. HINDI.. asa naman.. hahahaha..madalas kapag yun ang laman ng sulat nya halatang iniyakan nya rin yung papel. Para talagang bata may mga ink blotches na halatang napatakan ng luha nya. Yung isa pa nga sa sulat nya ay itinago ko sa wallet ko hanggang ngayon (ay hindi sinauli ko nga pala sa kanya last year ng mabadtrip ako pero saka ko na ikikwento yun part na yun). Hindi nya alam na nasa akin pa rin yun tinatago ko bilang ala-ala ng mga masasayang sandali namin bilang magkaibigan, magkaklase, bestfriends. Noong mga panahong ito hindi ko pa alam na pwede pa lang tawagin ng mga tao na “kalandian” yung ginagawa ko pero syempre di ko pa batid yun at isa pa wala naman ako pakelam sa sasabihin nila kung sakali dahil may gawin man ako o hindi laging may sasabihin ang mga tao. Alam mo (malamang hindi pa kasi sasabihin ko pa lang diba diba??) siya ang pinakamalapit na babae sa buhay ko (maliban sa nanay ko sympre) at kung hindi ako nagkakamali naging “bestfriends” kami at one point. She was the first and last girl whom I considered my bestfriend, yung iba either talo-talo na kami or just friends hahahaha…</plak>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I. L. W. T. F.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon