Chapter 11

497 17 0
                                    

Kinabukasan, pumunta si Aicelle mag-isa sa Ace Hardware sa SM Baguio para bumili ng super glue para kay Maz Kanata. Gusto niya kasing bilhin, e 'yong mahal para madikit. Kung bibili kasi siya ng mura, baka lalo niya pang masira 'yon. Habang naglilibot siya, bigla siyang napatalon sa gulat nang may kumalabit sa kanya. She turned to look to that person and she was surprised when she saw Rahmiel, beaming at the sight of her.

"Hi, Ate Aice!" Rahmiel greeted.

She smiled at her and nodded.

"What are you doing here?" she asked.

"Dahil guardian angel mo ako, na-detect ng radar ko na nandito ka kaya pumunta ako rito. Anyway, how are you? How's Kuya Trixton? May improvement ba?" sunod-sunod na tanong nito.

Umiling muna siya bago niya binaling 'yong mga mata niya sa shelves sa harapan niya. Kumuha siya ng isang super glue at pinagmasdan yon.

"Ang hirap, Rahmiel. 'Di ko na nga alam kung anong gagawin ko sa lalaking 'yon. Hindi naman kasi marunong makinig. He always contradicting my opinion," she told her.

Nakita niya na kumuha rin ito ng isang glue. "That's life. Kailangan mong magpakahirap bago mo makamit ang gusto mong mangyari sa'yo. Hindi naman kasi pwedeng makukuha mo na lang 'yong gusto mo sa isang iglap lang. Nasaan ang challenge doon?"

She looked at her. "Alam ko. Kaya nga hindi ako sumusuko."

"That's the spirit!" she commented. "Don't worry because I know that sooner or later, all your hard works will be paid off."

Napangiti naman siya sa sinabi nito.

"I love your plan," Rahmiel said.

"Well, thank you. But I don't really know if it will be going to work out or not. Wala pa naman akong tiwala sa sarili ko."

Naramdaman niya 'yong kamay nito sa balikat niya kaya napatingin siya rito.

"Just believe in yourself, Ate Aice. Naniniwala ako na gagana lahat ng plan mo dahil --- " she pointed her index finger at her chest. " --- ginagamit mo 'yan."

***

No'ng makauwi siya, agad siyang dumiretso sa kwarto niya para ayusin 'yon. Dahan-dahan niyang nilagyan ng konting glue 'yong gitna no'ng maliit na figure ni Maz Kanata na nagba-bind sa dalawang bahagi na nagkahiwalay. Ingat na ingat din siya na hindi malagyan 'yong gilid no'n para hindi panget tignan. Mas lalo kasing mahahalata na sira 'yon kung lalagyan man niya.

Pagkatapos niyang ayusin 'yong action figure ni Maz Kanata, inilapag niya muna 'yon sa side table ng kama niya para matuyo. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti nang makita niyang hindi na halatang may sira 'yon.

"Aice!"

Binaling niya ang atensyon niya sa pintuan ng kwarto niya nang marinig niya na may tumawag sa kanya. Nakita niya si Sypress na nakangiti sa kanya.

"May kailangan ka ba?" tanong niya rito.

Pumasok ito sa kwarto niya atsaka ito umupo sa tabi niya. Nakatingin lang ito sa kanya pero hindi ito nagsasalita.

"Ano na? Hindi ka ba magsasalita diyan?" tanong niya ulit dito.

"Okay fine," Sypress said quietly. "I just want to ask you something."

Her eyebrows furrowed. "Like what?"

"I know that you're still in love with him but," Sypress furrowed her eyebrows as she continued to speak. "do you really need to follow him around or to talk with him? Hindi ka ba nasasaktan?"

"What are you talking about?" she asked, confused.

"Nakita lang naman kita kahapon na kasama siya. So could you please explain to me what was that all about?"

"Nagkakamali ka. Kaya ko lang naman siya kinausap dahil gusto kong pag-usapan 'yong tungkol sa pagkakaibigan nila ni Marius. Sayang kasi kung hindi nila aayusin."

"Ano namang sabi niya?" Sypress asked grumpily.

"Gusto raw niyang ayusin kaya lang nahihiya siya," Aicelle lied. Ayaw niya kasing magmukha na namang masama si Trixton sa kanila.

"Sabi ko na nga ba, e! Kahit naman kasi nawala siya ng isang taon, kilala ko pa rin 'yong ugali niya at alam kong, wala lang talaga siya sa huwisyo niya no'ng araw na 'yon kaya niya 'yon nasabi," Sypress commented with a nod.

Hindi niya na napigilan na yakapin si Sypress dahil sa sinabi nito. Napakaswerte niya talaga na nagkaroon siya ng kaibigan na hindi judgemental. Oo pansin niya na sinusungitan nito si Trixton kapag nagkakasalubong ang mga 'to pero hindi niya alam na ganoon pala ito mag-isip. Siguro kaya si Sypress ang naging best friend niya, e dahil ito lang ang napansin niya na marunong kumilala ng tao.

"You're really a good friend," she told her.

"Ikaw rin naman," sabi naman sa kanya ni Sypress. "Pero maiba nga tayo, gusto ko lang sanang i-confirm kung totoo 'yong nakita ko or imagination ko lang."

"Ano naman 'yon?" she asked.

"Naalala ko lang no'ng first dinner natin dito, habang nagsasalita kasi si Trixton, e may napansin ako."

"Like what?"

"'Yong mata niya, naging kulay pula pero segundo lang tumagal 'yon. Nakita mo rin ba 'yon?"

Napalunok siya sa sinabi nito. Tama nga siya na hindi lang siya ang nakakita no'n. Ang tanong, sasabihin ba niya kay Sypress 'yong totoo?

She shook her head uncertainly. "Imposibleng mangyari 'yon dahil hindi siya si Edward Cullen mo."

Bigla naman itong natawa. "Ay kaloka! Imagination ko nga lang talaga. Kakabasa ko lang kasi ng Twilight no'ng time na 'yon kaya siguro napaghahalo ko ang fiction sa reality."

"At least, alam mo na ngayon," she retorted.

Ngumiti naman ito sa kanya pero agad din 'yon nawala nang tumunog 'yong tiyan nito.

"Oopps, gutom na ang mga bulate ko sa tiyan. Baba lang ako para kumain. Kung nagugutom ka na rin, sumunod ka na lang sa'kin sa baba."

Nang makaalis si Sypress, may tumawag na naman sa kanya galing sa pintuan ng kwarto niya. Nang tinignan niya 'yon, agad niyang nakita si Marius na nakangiti sa kanya.

"Hello, Aice. Pwedeng pumasok?" paalam nito.

Tumango siya rito kaya pumasok na ito sa loob at naupo sa katabing silya ng kama niya.

"Anong masamang hangin ang nagpapunta sa'yo rito?" biro niya.

He laughed. "Gusto lang kitang kausapin.

“Tungkol saan?

Biglang nagseryoso ang mukha nito. "Gusto ko sanang itanong sa'yo 'yong tungkol sa sinabi ni Trixton sa'yo. 'Yong tungkol sa pagkakaibigan namin. Hindi ko kasi sinasadya na marinig 'yong pag-uusap niyo ni Sypress kanina."

Katulad no'ng sinabi niya kanina kay Sypress, 'yon din ang sinabi niya kay Marius. Nagmukhang asong ulol tuloy si Marius nang marinig nito 'yong sinabi niya.

"Sa katunayan nga niyan, may pinapabigay siya sa'yo." Kinuha niya 'yong bagay na nilapag niya kanina sa side table ng kama niya. "Ito."

Inilahad niya 'yon sa harapan nito na agad naman nitong tinanggap. Nakita niya na nanlaki ang mga mata nito habang tinititigan nito 'yong binigay niya.

"Si Maz Kanata 'to! Ito na lang 'yong kulang sa collection ko." Napailing-iling ito habang nakangiti. "Kaya bestfriend ko 'yon, e."

"Marius, uhm... pwede bang humingi ako ng favor sa'yo? Pambayad mo na rin sa utang na loob mo sa'kin dahil sa mga sinabi ko sa'yo."

"Fire away," he said readily.

She held her breath first before she spoke again. "Dahil nahihiya siyang makipagbati sa'yo, pwede bang ikaw na lang ang makipagbati sa kanya?"

Tumayo na ito sa pagkakaupo nito atsaka nag-bow sa kanya na dahilan para matawa na naman siya. Pagkatapos no'n, mas mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo ito palabas ng kwarto niya.

Suddenly, she heard loud noises that were coming from the outside of her room.

The Redeemer of Faith #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon