SANA PALA[one shot]

1.6K 72 28
                                    

SANA PALA...

Copyright © 2013 by: wallfluwer. ALL RIGHTS RESERVED

JUST A WORK OF FICTION

inspired by: When I was your man

and @TalkingPanda's one shot stories :)

WARNING: this is lame.

---

SANA PALA nung tayo pa, mas naging caring at gentleman ako. Sana pala nung nagpaturo ka ng gitara ay tinuruan kita ng mabuti kasi sabi mo nung bata ka pa gustong-gusto mong maging singer.

SANA PALA nung intrams, na ikaw ang representative at si Jonas ang partner mo, ay pumayag ako kasi sabi mo gusto mong ma-experience ang maging isang beauty queen. Sana pala nung inaya mo 'kong pumunta sa party ni Loraine, ay sumama ako kasi sabi mo mo mahilig kang sumayaw sa mga parties, sana pala hindi ko inuna ang thesis ko nung mga oras na yun.

SANA PALA hindi ko nalimutan yung anniverasay natin para hindi kita nasigawan nung nag-aya ka ng date kasi ang kulit mo nun at busy rin ako.

SANA PALA hindi ko kinareer ang pagiging organizer nung Valentines fair, para hindi ko nakalimutang may girlfriend ako na nag-aantay ng roses galing sa boyfriend niya. Ayan tuloy si Jonas ang nagsalo sa'yo.

SANA PALA  binigay ko lahat ng oras ko nung natapos ko na yung thesis ko. Sana pala hindi kita napagalitan nun dahil sa stress at pagod. Sana pala napansin kong mas gumaganda ka araw-araw at nanghihingi ng atensyon ko. Sana pala tinreasure ko yung mga happy moments natin. Sana pala alam ko na gabi-gabi kang umiiyak at si Cheryl lang yung karamay mo.

SANA PALA pinrioritise kita gaya ng ipinangako ko.

SANA..pwedeng maibalik ang oras na tayo pa.

KAYA SANA siya ang maghilom ng mga sugat na ako ang dahilan. Sana siya ang magpuno ng pagkukulang ko.

SANA turuan ka niyang mag-gitara. Sana bigyan ka niya ng roses tuwing Valentines. Sana hindi niya malimutan ang monthsary at anniversary niyo. Sana sasama siya sa'yong pumunta sa parties ng kaibigan mo. Sana payagan ka niyang sumali sa mga beauty contest. Sana mapansin niyang marami kang talents, kasi ako ngayon ko lang napansin.

SANA siya ang magpaniwala sayo na nag e-exist ang word na "forever".

SANA tuparin niya  ang mga pangako niya sa'yo,na mismo ako 'di ko nagawa.

SANA hindi ka niya sasaktan.

SANA hindi siya maging tulad kong tang't gago.

AT SANA mahalin ka niya na higit pa sa pagmamahal ko.

...PERO SANA tayo pa rin at mahal mo pa rin ako.

-FIN-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SANA PALA[one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon