Tulay- one-shot

19 0 0
                                    

Tulay

“Mamaya ah 5 pm kita tayo sa park. May ipapakita ako sayo eh.”

“Sige pupunta ko dun.”

Dumating ako sa saktong oras na sinabi niya sa tagpuan namin. Hinintay ko siya sa may bench kung saan kami madalas magpunta. Hinintay ko si Exequiel kahit lumipas na ang tatlumpong minuto. Lumipas na ang isang oras ngunit wala pa ring Exequiel na dumadating. Pumatak na ang ulan at sumilong na lamang ako sa ilalim ng puno sa park. Hanggang napagawi ang aking atensyon sa isang tree house malapit sa aking kinaroroonan. Hindi ko na napigilang lumuha. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng aking luha. Mga ilang minuto rin akong tumayo muna bago ako tuluyang umalis sa tagpuan namin.

Pagkauwi ko sa bahay biglang tumawag si Exequiel.

“Hello.”

“Oh bakit?”

“Nakita mo ba yung sa park?”

“Ah yung hinaharana m-mo s-si Faye? Oo yun ba yung i-ip-pakita mo sa’kin?”

“Trisha salamat talaga ahh. Grabe di ko magagawa lahat ng yun kay Faye kundi dahil sayo. Salamat ah kasi tinulungan mo ako. Alam mo kundi dahil sa’yo di ko alam kung pano ko makakapagtapat sa bestfriend ko e.”

“A-ah ok lang y-yun. Tsaka yun n-naman ang role ko dito diba? Ang maging tulay niyo ng bestfriend mo?”

“Hayaan mo babawi ako sa iyo. Gusto ko lang na makita mo yung kanina. Thanks Trisha the best ka talaga I love you haha. “

“Ahh w-wag n-na . Sapat na yung pagpapas-salamat m-mo. Sige matutulog na ko .”

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Habang kausap ko siya naiiyak ako. Oo nga pala ayun lang ang role ko sa love story nila ni Faye ang bestfriend niya, ang maging tulay. Tulay na walang ibang dapat gawin kundi ang pagtagpuin ang kanilang mga damdamin. Kung iisipin wala talaga akong karapatang masaktan.

Lumipas ang pitong taon at heto na ako. Sa tabi ng altar. Hawak ang mikropono, umaawit. Kantang alay ko para sa kaniya. At habang patuloy ang pagbigkas ko ng liriko ng awitin hindi ko mapigilang maalala ang nakaraan. Tila nagbabalik lahat ng nakaraan, kung paano ko pinaglapit si Faye at si Exequiel. Sa bawat pag-awit ko hindi napigilan ng luha ko ang pumatak at kasabay nito ang pagtakbo ko sa simbahan kung saan idinaraos ang kasal. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang lalaking itinulay ko. 

Tulay- one-shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon