Chapter 2

10 1 0
                                    

Chapter 2

Joyce P.O.V

It's been a week narin. Namimiss ko ng gumimik lagi nalang kasi kaming bahay at school eh. Si Shar lagi nalang study minsan nakakalimutan ng mag-enjoy, masyado kasing nasaktan kaya ayun nabaon sa kalungkutan. Kahit sabihin nya kasing ok na sya minsan napapansin namin ni Joana na lumalala ang pagka-bitter nya, naawa na ko ayoko kasi syang nasasaktan kapatid na kasi ang turin ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni Joana. Kaya para matulungan ko sya kakausapin ko si Joana at gagawa kami ng plano para ibalik yung dating energy ng bestfriend namin. Ayoko kasing magkaron ng bestfriend na bitter, pano nalang kung pagka-lovelife kami ni Joana edi pauulanan nya kami ng sermon.

“Joana, napapansin mo ba lumalala na yung sakit ni Shar?”tanong ko kay guwana habang nasa canteen kami at inaantay si Shar. “oh my god! my sakit si Shar? Anong klase kang kaibigan at ngayon mo lang sinabi sakin yan?”nagulat ako sa reaksyon ni Joana, may paiyak-iyak pa. “hoy! Ano ka ba, tumigil ka nga! Baka may makakita sayo isiping pinaiiyak kita” sabi ko sa kanya. “how there you talk to me like that! Akala ko ba bestfriends tayong tatlo bakit hindi nyo sinabi sakin na may sakin si Shar! Mabait naman ako, maganda pa. Masasaktan din ako kapag nawala sya.huhuhuhu” patuloy na pagmamaktol ni Joana “tumigil ka nga walang sakit si Shar! Ang sinasabi ko ay yung sakit nyang pagiging bitter. Masyado kang OA” sabi ko kay Joana “ ah ok. Akala ko naman kung ano, ihahanda ko na sana yung best black dress ko para sa libing” sagot ni Joana sabay tawa “praning ka talaga,” minsan talaga malakas ang tama sa utak nitong si Joana.

“Btw, kailangan nating gumawa ng plano.”sabi ko “hah? Plano saan?” tanong nni Joana “plano kung paano ibabalik yung masayahing Shar, yung Shar na hindi bitter, Yung Shar na buo.”sabi ko “sabagay hindi ko pa sya nakikitang masaya si Shar, I never taste her kaya di ko alam kung bitter sya and sa tingin buo naman yung body ni Shar ,because last time I check nakakabit pa lahat sa kanya.” pilosopong sagot ni Joana “alam mo papatayin na kita!” sabi ko sabay batok sa kanya “Aray! Naiintindihan ko naman eh, OA ka lang kasi” sabi ni Joana. “So anong gagawin natin?” tanong nya. “Hindi ko pa nga alam eh,ano bang pwedeng gawin?” sagot ko “Kung pugutan kaya natin yung ex nya, tapos bigay natin sakanya yung ulo, para my remembrance.” sabi ni Joana “Gaga! Asido dugo nun, matuluan pa tayo.” sabi ko “tama ka, kung hanapan kaya natin ng lovelife” sabi ni Joana. “lovelife? Bitter nga diba. Baka mapatay lang nun yung manliligaw sa kanya” sabi ko. “Baka kasi kailangan nya lang ulit mainlove” sabi ni Joana “Pwede nya noh?pero san naman tayo hahanap ng taong magmamahal sa friend natin o paano natin magagawang mainlove ulit ang friend natin?” tanong ko. Mahirap nga naman kasing basta nalang humanap ng kung sinong tao baka saktan nya ulit yung friend namin edi wala ring kwenta yung plano namin.
Habang nagiisip kaming dalawa ni Joana, nag-ring ang phone namin ng sabay, ng tingnan namin to si Shar pala at sinabi nya na hindi na sya makakasama samin kailangan na daw nyang umuwi. So wala kaming choice kundi umalis na sa Canteen, nasayang lang yung pag-aantay namin kay Shar. Pero ok lang napagusapan namin ni Joana na igugugol muna namin ang free time namin sa paghahanap at pag-iisip ng plano para kay Shar.
Naglalakad kami at biglang may nakita akong nakadikit sa board ng Student Counsil. “Jo halika, tingnan mo to”tinuro ko sa kanya yung poster “A Week of Love, your chance to date one of the student council officers.”binasa ni Joana “Sa tingin mo ito na ang sagot?” tanong ko “Baka, at saka ok na toh!napapagod na ko mag-isip. Baka magka-brain tumor na ko.” sabi joana “sige ibili na natin sya ng ticket” sabi ko “Wait hindi ba sya magagalit?”tanong nya “Bakit malalaman nya ba?”sabi ko “Sabagay?” sagot ni Joana.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak naming dalawa ni Joana. Gusto lang naman naming tulungan ang bestfriend namin and also it's only for a week, wala namang malalalim na mangyayari sa isang linggo.

A Week Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon