Chapter One

88 6 0
  • Dedicated kay Charise Geann
                                    

Meron kang gusto pero hindi kanaman niya gusto. Ang hirap no? 'Yan ang number one na problema ng mga nagmamahal tulad nalang ni Aseika. First year college palang siya, may pag tingin na siya kay Bobby. Si Bobby naman, ayun may kasamang iba. Pero ang tanong niya sa sarili niya. "Bakit ba mahal na mahal parin kita kahit may mahal kanang iba?".

Iisa lang ang skwelahan nina Bobby at Aseika. Pero tourism major si Aseika habang architecture naman si Bobby. Malayo department building nila pero hindi iniinda ni Aseika ang layo nila. Isang araw, nakita ni Aseika si Bobby na naka upong mag isa sa isang bench sa plaza. "This is my chance" sabi niya sa sarili niya. Dahan-dahan siyang lumapit kay Bobby. "Ano kaya sasabihin ko? Ang tanga ko talaga, bakit ba naman ako lalapit sa kanya kung hindi ko alam sasabihin ko sa kanya. Hayyy". Aatras nalang sana siya ng bigla siyang na slide at nakuha niya ang atensyon ni Bobby. Pero sad to say, hindi siya tinulungan nito at umalis nalang ito. "Grabe naman siya", sabi ni Maxine. Best friend ni Aseika. Tinulungan niyang makatayo ang best friend niya. "Salamat ah, akala ko umuwi kana" sabi ni Aseika. "Naku best, 'wag mo na ngang pag aksayahan ng time yang Bobby na yan. Hindi man lang gentleman, hindi ko maintindihan kung bakit ka nagka gusto sa taong yun" prankang sinabi ni Maxine. "Hayaan mo na best. Malay mo, nitong mga darating na araw matutunan ko siyang kalimutan. Tiwala lang best" sabi ni Aseika. "Tiwala? Naku, ikaw. Sige na nga, naniniwala na ako." sabi ni Maxine habang may ka text. "Sino ka text mo? Si Joshua ba?" tanong ni Aseika,"Oo, best. Ito talagang kapatid mo ang OA." sabi ni Maxine ng patawa. "OA talaga ang tao pag in love, tara kain muna tayo best. Parang bigla akong nagutom sa pagka slide ko".

Sa canteen...

"Oh, ayan. Paborito mo. Spaghetti" excited na inilapag ni Maxine ang pagkain sa harap ni Aseika. Pero malalim ang iniisip nito. "Hoy! Gising! Nag dedey dreaming kana naman kay Bobby ano?", ngumiti si Aseika,"HA?! Hindi best ah, nagugutom lang talaga ako". Kakain na sana sila ng biglang may nagsalita sa likod ni Aseika,"Pwede tumabi?". Halos hindi maka hinga si Aseika sa taong nakita niya."Bobby?!" sabi ni Maxine.

Like it?Hate it? Suggestions? Dedications?Tell me about it! I accept comments :)

followme:)

Sabi Nga May ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon