Chapter Four

27 1 0
                                    

Pinapasok ni Aling Belen si Mark.

"Pasensya na po kung masyado po akong maaga para manligaw." sabi ni Mark, "Ah-eh, okay lang. Sandali lang at tatawagin ko si Aseika." pinuntahan ni Aling Belen si Aseika sa kanyang kwarto.

"Ika? Gising anak, may bisita ka" pero hindi sumagot si Aseika dahil masarap ang tulog nito. Lalabas na sana si Aling Belen ng biglang pumasok si Mark. "Ay Butiki!" gulat na sabi ni Aling Belen. "Pwede po bang pumasok?" sabi ni Mark at tumingin kay Aseika. "Ako na po ang gigising sa kanya", "HA? Ah-eh, Iho." dinala ni Aling Belen si Mark sa sala. "Pwede bang dito kalang sa labas, ako na gigising sa anak ko." papasok na sana ulit si Aling Belen ng biglang lumabas ng kwarto si Aseika. Nakapikit pa ang kanyang mga mata," Nay, umuwi na po ba si tatay? Ang ingay niyo kasi akala ko nag aaway na naman kayo" nang binuksan ni Aseika ang kanyang mga mata, si Mark agad ang kanyang nakita. Naka tayo ito habang naka ngiti sa kanya. May dala itong bulaklak at chocolates. Hindi makapag salita si Aseika. "Good morning Aseika" sabi ni Mark, lumapit ito sa kanya at bigla siyang niyakap. Nagulat si Aling Belen. Bigla lumakas ang tibok ng puso ni Aseika. Bigla siyang uminit at namula. Ilang segundo pa ay itinulak niya si Mark papalayo sa kanya. "Mark! Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang dito ako nakatira? Nay, bakit niyo po siya pinapasok?" sabi ni Aseika habang nakatingin kay Mark. Naka ngiti lang ito sa kanya. Pero hindi sumagot si Aling Belen. "Nay?" Pag lingon ni Aseika, nakita nalang niya naka handusay na sa sahig si Aling Belen. Nawalan ito ng malay dahil sa pagka gulat. "Nay!" sigaw ni Aseika. "Aling Belen!" biglang lumabas si Maxine sa kanyang pinagtataguan. "Maxine?!" gulat na pasabi ni Aseika. "Bakit ba nagugulat nalang kayo palagi?" sabi ni Mark at tinulungan nitong i-upo si Aling Belen sa upuan. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito Mark? Ang aga aga eh" pagalit na sabi ni Aseika. "Wala man lang salamat? Nandito ako para sa second chance ko. Remember last night? I said I will get my second chance." sabi ni Mark habang papalapit ito sa kanya. Hinarang ni Maxine ang daan ni Mark. "Naku ha, tresspassing ka Mark." sabi ni Maxine. Pilit inilalayo si Aseika. "Tresspassing? Pinapasok naman ako ni Aling Belen. Hindi tresspassing 'yon." sabi ni Mark. 

"Anong kaguluhan 'to? Sino ka?" may biglang nagsalita sa may pintuan. "TATAY?!" gulat na sabi Aseika.

Hate it? Like it? Comment, suggest and vote! :) I would really appreciate your feedbacks. :) 

follow me :)

Sabi Nga May ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon