#Kondoktor

2 0 0
                                    

"Sure ka dito ka na lang?" Tanong sakin ni Jay katrabaho ko nakikisabay kasi kami sa kanya pauwi since 3am out namin ngayon sa office.

"Oo! Salamat aa mag iingat kayo sa daan!"

Nag lakad na ko papunta dun sa medyo maraming nag aabang ng bus dito sa Coastal tapat ng Lalaland mas madali kasi ang bus dito compared sa loob ng coastal mall matagal mag hantay.

Sakto may dumaang bus ng San Agustin and mukhang wala naman akong kaagaw paakyat kaso sa katangatangahan ko talaga natapilok pa ko sa 2nd step ng bus "bobo talaga Rein" na sabi ko sa isip ko

"Ok ka lang miss? Wala ng upuan dito ka na lang sa tabi ni Kuya maupo"

Kaya pala di ko naramdamang humampas mukha ko sa sahig kasi nasalo ko ni kuyang mabango.

"Ah sige po salamat" dito ko pinaupo sa extra chair sa tabi ng driver.

Pero nakakahiya kay kuyang naka white kasi naman nakita niya katangahan ko ang gwapo pa naman

"Ah miss san ka bababa?" Tanong ni kuya mabango. Pero what?! Tinatanong niya san ako bababa?? Wait type niya ko? Shit ihahatid niya ba ko pauwi? No way nakakahiya

"Huh? Bakit mo natanong?"

"Ah kasi para alam ko mag kano sisingilin sayo?"

Halatang natatawa siya sa nangyayari walangya!! Kondoktor pala si kuya!! Unfair!! Di bagay!! Ang gwapo niya, malinis, mabango and hmmm yummy

"Ah e sa **** po"

"Ah sige 25 miss barya aa wala kasing panukli"

Tumango lang ako at bumunot ng 25 sa bag ko. Tang inis grabe talaga ang tadhana... Sa kondoktor pa ata naka ukit ang future ko.

Habang pauwi sa aking kinalakihan nag lagay ako ng earphones para medyo di ako mabored and di ko maisip si kuya pogi na nakaupo sa hagdan ng bus.

Naramdaman kong siniko ko ng drive nung bandang Bacoor na pero mahina lang.

"Yes po?"

"Ah miss tanong ko lang saan baba mo?"

"Sa **** po"

"Nako sakto pareho kayo...." Di ko na naintindihan si manong sinoot ko na ulit kasi earphones ko and medyo antok na ko.

"Para po manong" pag tigil ng bus pinatay ko yung tugtog ng phone ko tapos narinig ko si manong

"Paalam ka na sa crush mo Xyrus"

Di ko na pinansin baka di naman ako yun kaso pag baba ko wala naman ibang kasunod sooooooo crush niya ko?? Hahahaha pwede na gwapo naman siya aah!

Pag uwi ko sa bahay tulog pa lahat ng tao kaya naisipan ko na mag shower at humilata na sa kama, di ako maka tulog iniisip ko pa din si kuya mabango. Grabe di talaga siya bagay na kondoktor ng bus e maling mali.

Biglang tumunog yung phone ko may nag message pala sa messenger ko si Jas

"Girl! Don't forget our medical mission ah! The day after tomorrow na yun!"

Di ko na sinagot baka mapahaba pa ang usapan. And yeah maybe your confused? Well as of now nasa BPO ako pero at the same time NURSE din ako pero on call lang ayoko pa mag hospital...why? Helloooo ang liit ng sweldo kaya.

And ganito nga yun kasi ako lang naman si Rein Roxy Castillo RN. , 23 years of age and yup happy and contented sa pagiging single.

As of now naka tira ko malayo sa family ko, well my family is well known when it comes to business industry isa kami sa mga owner ng Hotel and Restaurant and may dalawa kaming mall and Hospital and that hospital is under me pero sa bahay ko lang siya minamanage .

I decided na humiwalay sa family ko as part of my last wish before I marry to that person my lolo wants to and this one will be good for about 2 years meron na lang akong 1 yr and 1 month na natitira para mamuhat ng simple malayo sa mga sosyalan at plastikan at sa taong papakasalan ko. Haist ang hirap mabilang sa pamilya ng mayayaman kung alam niyo lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT STARTED WITH A KATANGAHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon