Fear

25 1 0
                                    

Dear ex,

It's been 5 months since we broke up. But until now, parang kahapon lang nung magkakilala tayo.

Alam mo ba kung ano ngayon? 23. Nakakatawa na sine-celebrate ko parin ang araw na'to kahit matagal nang wala. Ni isang beses di mo man lang ako nabati. Di kasi tayo umabot sa first month eh. Pero pinagpapatuloy ko parin ito, at binabati ko parin sarili ko. Wala kana kasi para gawin yun.

Naalala mo pa ba kung paano naging tayo? Nagtatampo ako sayo non eh. Naghihinala na baka may girlfriend ka. And you said "Excuse me pero ikaw lang ang girlfriend ko".

Sorry ah? Baka kasi nagkulang ako kaya nagsawa ka. Sorry kung di pa sapat sayo yung minu-minutong pagtext ko kahit once a week ka lang magtext. Sorry kung ang kulit ko. Sorry kung binabaha kita ng message sa facebook. Sorry kung tawag ako ng tawag sayo. Sorry kung kahit di ko na ramdam na mahal mo'ko, nagstay parin ako sa tabi mo.
Sorry kung di ako nagsalita nung nabasa ko conversations nyo ng babae mo. Sorry kung ngumiti lang ako nung may nagsabing nakita ka kasama sya. Sorry kung umiyak ako mag-isa. Sorry kung di ko sinabi sayo na nabasa kong SEX LANG HABOL MO SAKEN. Sorry kung diko nabigay sayo first kiss ko. Sorry kung ilang beses akong di pumasok para sayo. Sorry kung muntik na kayong maghiwalay dahil saken. Sorry ah? Sorry nagpaka martyr ako sayo.

Sorry rin mahal kita.
mahal na mahal kita sobra.
At ang sakit sakit na.

Thank you sa takot na iniwan mo. Takot na masaktan at magmahal ulit. Takot na maiwan nanaman kaya lahat sila nireject ko.
Takot na main-love.

Di ko na kasi sila kayang tingnan gaya ng pagtingin ko sayo.

Di ko na kayang magmahal.

Kasi ikaw lang naman hinihintay ko. Ikaw lang ang gusto ko.

Kahit na

Di mo na ako mahal.

Happy 6th monthsary be.

Your ex bebe,
Be-nitawan. </3

Broken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon