Gangster Queens 3

998 46 0
                                    

Hayy ! One word to describe this day , BORING ! Alam na namin ng kambal ko ang mga tinuturo ehh . Syempre , hindi naman sapat na magaganda lang kami . Kailangang may utak din .

And nagtatanong ba kayo kung bakit pa kami pumapasok ? Well isa lang naman talaga ang rason namin ehh . Paano namin mapapangalagaan ng maayos ang aming mga negosyo kung pati diploma namin ay dinuktor . Diba ?! Diba ?! I'm so matalino talaga ;)

"Ate . Tutal boring naman parehas buhay natin . Bakit hindi natin i try maging gangster ?" mahina na pagkasabi ni Snow .
Oo nga no ?! Bakit ko ba hindi naisip yun ? Ang ganda naman ng ideya ni Snow .

"Ang brilliant mo talaga kambal ! Iba na talaga kapag ako ang katabi mo ! Hihihi !" I replied pero mahina lang . Ayaw namin maka istorbo .

"Pero dalawa lang tayo Ate . Kailangang marami tayo . Pero syempre yung mga magagaling ang piliin natin Ate." sabi niya sakin . Ohhmmgee ! I'm so excited na !!

"Edi maghanap na tayo" sabi ko sabay tayo . Opppss , nakalimutan kong may klase pala . Pero gusto ko na talagang lumabas para makahanap ng members ehh !!

*Ting*

Alam ko na !! May naisip na akong dahilan para makalabas dito sa room . Kaya naman nagtaas na ako ng kamay .

"Ma'am , may kailangan pa po kasi kaming tapusin ng kambal ko eh . Lalabas lang po kami" paalam ko sa teacher namin . Alam naman namin na hindi niya ako matatanggihan ehh . Hello ?! Ako kaya ang may-ari ng school na ito !

"Go ahead Miss Flame , Miss Snow" sabi ng teacher namin ! Oohhaa ! Sabi sa inyo ! Papayagin kami nito !!

"Bye Ma'am !" sabay kaway ko sa kanya . Ngumiti lang siya sa akin . Kinaladkad ko naman si Snow palabas ng room namin . Hihihi . Di naman halata na masyado akong excited ehh ! (Insert sarcasm here!)

"Grabe ka Ate ! Halos madapa na ako kakaladkad mo !" sigaw niya sakin

"Sorry naman ! E sa excited  na ako eh !" sigaw ko pabalik sa kanya . Sa kanya lang ako nagso sorry , nagte thank you . Pero pag nag a iloveyou kasama na parents namin .

"Halika kana Ate ! Naka recover na ako !"sabi niya sakin . Ngumiti lang ako sa kanya .

Pero maya maya . May narinig kaming kakaiba . Kaya naman nagkatinginan kami ni Snow . Dali-dali kaming pumunta ni Snow kung saan pinanggalingan ang kakaibang tunog . And finally , nakita na namin kung anong nangyayari . Napangiti ako sa nakita ko at sinilip ko si Snow . Pareho kami ng reaksyon , nakangiti din siya .

I think our long wait is now over . Exciting *giggle* .

Gangster Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon