Day 2

6 0 0
                                    

Nakatingala ako sa langit.

Ang ganda pala ng mga bituin no? Sobrang sarap titigan.


Parang ikaw.


Pero gaya ng mga bituin na 'to, hanggang titig nalang ako. Hindi kasi kita kayang hawakan at yakapin.

Sino ba naman ako?


Isang hamak na babaeng nangarap ng mataas.


Minsan nga sa sobrang taas ng pangarap ko, nahulog na ako.

Akala ko nga mamamatay ako eh.


Hindi pala.



Hindi ako namatay.


Namamatay ako.



Araw-araw.



Namamatay sa katotohanang,


Kailanman ay hindi mo ako mapapansin.


Kailanman ay hindi magiging pareho ang ating nararamdaman.



Mali ba?


Mali bang sundan ka kahit san ka magpunta?


Oy hindi naman kahit san ah. Pag dito lang sa school.



Mali bang titigan ka hanggang sa masabi ko nanaman sa sarili kong...





"Lord, kung hindi po sya para sa'kin... Sakin nalang po sya."




Ayan ka nanaman...

Subsob ka nanaman sa Laptop mo.

Nagpapahinga ka naman ba?

Inaalagaan mo  naman ba sarili mo?


Oh anong nangyari? Bakit biglang sumama ang mukha mo at napakamot ka ng ulo?


Badtrip ka nanaman.



Ang aga mo naman ata uuwi ngayon?

Mag ingat ka ha.


:')





Hahayaan ko nalang ba yung sarili kong ganito?



Araw-araw?




Syempre naman, tanga ako eh.

Hayaan nalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon