Haynako nakagraduate din ng high school :) Nakakaloka lang naman kasi yung mga classmate ko ready na sa mga school na papasukan nila, ako naman kung saan saan na ako nagentrance exam -_- wala parin akong maisip na magandang school.
First course choice Engineering pero teka lang! Drafting palang ata bagsak na agad ako! Magdrawing nga lang ng Stick na tao hindi ko pa magawa ng maayos :(
2nd choice IT eh kaso naman ayaw ng mama ko kaya ayun napunta ako sa 3rd choice ko at yun ay ang EDUCATION course BEED at dahil Educ. Ang gusto kong course pumayag na din yung mama ko :)
Ako nga pala si Psyche Jannelle Barretto 18 years old, maliit, chubby as in 5'2 lang height ko saklap naman kasi maliit yung mama at papa ko at dahil don maliit din ako. Broken family pala kami simula palang 6 years old ako naghiwalay na mama at papa kaya tanggap ko na yun. Maganda na cute pa :) kaso hindi naniniwala yung iba na maganda ako eh :( may dalawang kapatid na lalaki yung isa si Kim Barretto (15) at si Ace Barretto (13). Single at patuloy na umaasa na darating din yung taong magmamahal sa akin.
Napagpasyahan ko na sa Brent Xavier University nalang ako magaral medyo may kamahalan parang tuition fee ng FEU lang naman Scholar ako at kayang bayaran ng papa ko yung ibang gastusin kasi nasa abroad naman siya. Oo kahit hiwalay mama at papa ko may sustento naman kami sa kanya :)
Kaso iba yung feeling lalo na iba na ngayon kasi Kolehiyo na hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin don kung may mga magiging kaibigan ba ako at tsaka sobrang iba sa high school kasi syempre magbibiyahe na ako palagi tapos paiba iba pa yung klase pati oras araw araw basta iba nakakaloka nga naman talaga.
First day of school na nga eh at ako? Eto mukhang manang hahahaha hindi naman po kasi ako nainform ng fashion noh buti nalang civilian kami dito nako kung hindi ayyy. Nandito na ako sa school medyo hindi pa din ako sanay magbiyahe grabe hindi ko akalain na malaki pala talaga to.
Merong malaking quadrangle tapos iba pa yung gym may garden din pero walang tumatambay dito I wonder why? Ang hirap naman hanapin ng classroom ko! Nasan na ba yun?
Asdfghjkl eto lang pala yung classroom pahirap hahahaha. Hala may babae na sa loob. Nakakahiyang kausapin siya kaya naman umupo nalang ako sa unahan since nasa gitna siya.
Nilabas ko nalang phone ko para pakain si POU. Yes si Pou naglalaro pa ako non ah hahahaha at tsaka ng COC pero wala ako sa mood umattack ngayon at nag earphones nadin ako OT: Roses. Super enjoy ko yung music pero biglang nay kumalabit sa akin.
"Hi" siya
"Hello ano pala yun?" Ako, ang ganda naman nito kainggit.
"May I sit beside you? Or may nakaupo na dito?" Siya
"Ah wala wala sige dyan ka na umupo ako pala si Psyche" ako, with matching smile pa ako niyan.
"Woahh really? Nice from gods and goddess im Jaira Mariz but please call me Jaira" Jaira
"Hi Jai Nice to meet you" ako
At after non umupo na din siya nagcellphone din. Maya maya dumami na kami grabe ang dami kong magandang classmate iilan lang yung lalaki I think gay pa yung iba pero may mga may itsura din. Yung una namin subject ay Music nakakatuwa nga si sir eh. Hindi naman kami block kaya palipat lipat kami ng room.
"Jai ano next class mo?" Ako
"Hmm PE ata. Ikaw ba?" Jaira
"Ay hindi tayo classmate? College algebra ako eh kita nalang tayo mamaya ah alam mo naman na number ko diba? See you" ako
Umalis na din ako maya maya pa naman klase ko kaya kumain muna ako sa Canteen grabe ang dami ng tao tapos halos lahat ng seats occupied na pero may isang seat na wala pa katabi nung guy nakakahiya man makikiupo na din ako nagugutom na ko eh.
"Hmm hello may nakaupo na ba dito? Pwedeng makishare? Gutom na kasi ako eh" ako
"Ah wala sige upo ka" siya
Grabe ang gwapo naman nito at tsaka baket lahat sila nakatingin sa akin? May ginawa ba akong masama? Jusko sorry na agad
"Hmm pwede magtanong?" Ako
"Nagtatanong ka na nga eh" siya ay may pagkaArogante si kuya -_-
"May dumi ba sa mukha ko? Kasi nakatingin sila eh" ako ang gulo naman kasi para nila akong kakainin.
"Wala ka bang salamin? Haynako una na ako" siya sabay walk out and peg ni kuya akala ko pa naman mabait sunget kainis.
Sobrang daming nangyari ngayon atleast nakasurvive sa first day of school.
-----------
Sorry eto muna haha :) Hi please VOTE
BINABASA MO ANG
Illegal LOVE
Teen FictionMinsan sa buhay madami tayong makikilala kadalasan nanatili sila pero meron talagang iiwan ka. May mga love story na akala mo fairy tale na kasi palaging happy ending, eh yung sa akin kaya? Madalas napapaisip ako, nakita ko na kaya siya? Nakasalubo...