Chapter 5 ~ Expelled?

14 4 1
                                    

Jayden's POV

     "I e-expell na kita Jayden Tolentino" nairita ako sa sinabi nya kaya napatayo nalang ako sa kinauupuan ko then lumayas na nang school. Di ko alam gagawin ko pano nalang pag nalaman ni dad panu na ko magaaral.

"Jayden!!Wait!! Di pa ako tapos!!" Nagalit lalo ako at namuo ang dugo ko nilingon ko sya

"Anu pang sasabihin mo?? Di ka pa tapos na saktan ang nararamdaman ko ha anu na diba inexpell mo na ko then anu pang hihintayin ko edi syempre aalis na ko!" Tumalikod na ko at aakmang aalis

"Drama mo pre may sasabihin pa ako ehh" walang emosyon ang mukha nya na nakaupo nung sinabi nya saken to

" anu ngang sasabihin mo di ka ba talaga tapos grabe naman argh AALIS NA KO" Di na sya nakapagsalita ( o di na sya nagsalita) kasi tumakbo na ko papalayo para akong babae noh wala eh san na ako mag aaral kung nalaman na nilang expelled ako.

Umuwi ako nang bahay nang maaga buti wala pa si dad nasa trabaho pa kung hindi naku tatadtadin ako nun.

Tatadtadin nang tanung kung bakit maaga umuwi.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at humiga, binuksan ang TV at nanuod hindi ko na alam ang gagawin ko once na nalaman ni dad to.

Sabihin ko nalang na madaming bully sa University kaya lumayas na ko??

Tanga bubugbugin ka nun

Oo na iba nalang. Ahh sabihin ko pinatay ko yung principal at lumayas ako nang University kasi baka makita nila ako at makulong ako

Hindi ka banamang isa't kalahating tanga pag sinabi mo yun gago ka

Eh panu na ... naku kakain nalang ako gutom lang yan nakikipag usap na ko sa sarili ko ehh at for sure after kong kumain may maiisip na ko.

Bumaba ulit ako sa Kitchen at tiningnan kung may ready to eat na pagkain dun pero wala so papaganahin ko creativity ko ngayon.

Step one
Painitin ang kalan

Step two
Mag halo nang cheese sa mantika

Step three
Ilagay ang mantika na may cheese sa kalan at hintayin tong uminit

Step four
Maglagay nang corned beef

Step five
Hintaying umusok

Step six
Budbudan nang paminta , asukal , at asin

Then tapos na ihahain ko na to

Kumuha ako nang tinidor at nagdasal

"Lord salamat po sa pagkain na nasa harapan ko ngayon at salamat din po kasi may makakain ako ngayon"

Itinusok ko na yung tinidor at isinubo ko na yung corned beef.....

PUTANGINA ANU TONG NILUTO
KO!!

"Lord binabawi ko ho yung una kong sinabi na thank you dahil sa pagkain na to." Tinapon ko na yung niluto ko. Oo alam kong sayang . Nawalan tuloy ako nang gana kumain

Sabi ko na nga ba hindi ako marunong magluto. Atsaka nung una palang hindi ko na mahalo yung cheese sa mantika ehh.

Umakyat ako at humiga. Napagod akong magluto matutulog muna ako.

                            ~♡~

Nagising ako gabi na siguro mga 7:30 na ewan bumaba ako galing kwarto ko .Nakita ko si daddy na nasa dining table kumakain. Natandaan ko tuloy yung pangeexpell saken haay anu nang gagawin ko.

Nag bless ako sa kanya at dumiretso sa kitchen binuksan ko yung ref. Puta nandun lang pala lahat nang ready to eat na pagkain! Kumuha ako nang pagkain at tumabi kay daddy.

Nanuod nadin ako nang pinanunuod nya napansin ko yung pinapanuod nya Bandila?? Diba panggabi yun??

"Nilipat na pala ang oras nang bandila tay?"

"Tanga!, alam mo ba kung anung oras na?"

"Mga 7:30 something?"

"Tanga 11:00 na anu bang nangyare sayo pagod ka ba?? Bat ngayon kalang nagising?"
Sasagutin ko na sana sya pero napansin ko wala na akong makain. Nilingon ko yung pagkain ko putek ubos na gutom ba ko. Pumunta ulet ako sa ref at kumuha nang madaming pagkain. STRESS EATING parang ganun hahaha

"Haggard sa school dad" sige na ako na pinaka sinungaleng hmph

"Ahh kaya" wala nang nagpansinan samin ni dad tapos nun. Naubos ko na din yung pagkain ko banda 12:00 am na.

Umakyat na ko at humiga ulet matutulog na sana ako eh pero..

*ting ting ting*

Tumunog yung phone ko sinu kaya ang posibleng magtext saken nang gantong oras??

Nilingon ko pero number lang ang nakita ko kaya natulog nalang ako. Pake nyo ba inaantok ako ehh naku .

                            ~♡~

*kriiing kriiing kriiing*

Bwisit na alarm yan nakalimutan ko naman patayin. kinuha ko yung phone ko at pinatay yung alarm. Nung namatay na naclear na yung screen at nakita ko na yung wallpaper ko na may lock.....

Namay 17 messages

4 missed calls

And one new number

Putek sinu to admirer ko??

Nacurious na ko at binuksan ko na yung messages. Binasa ko ito

"Oy DRAMA BOY di pa kasi ako tapos sa sinasabi ko sayo kahapon. But what im trying to say is ... Jayden tolentino i e-expell na kitaa.........kung wala lang akong atraso sa isang tao na kilala mo"

Anu daw atraso sa isang taong kilala ko. Eh andami kong kakilalang tao ehh di ko kayang isa isahin. Pero nevermind ang mahalaga di pa ako expelled sa school at mabubuhay pa ko nang matagal.

Bumangon na ako at dumiretso sa Bathroom. Naligo na ako sa bathroom ( syempre anu bang ginagawa sa bathroom syempre naliligo naku anu pa bang ginagawa mo dyan ) at nagbihis pang school

Bumaba na ako at nag-almusal. Nagmamadali na ako kasi baka malate ako sa second day of school. Pagdating na pag dating ko. Yung mismong paghakbang ko palang sa University nakita ko si Zach na nakatayo, nakapamewang at sigurado naiinis.

"Drama.. tsk"

"Oo na nga eh tanggap ko na"

Tumalikod na sya at sinundan ko na sya para makita ko na room ko pag upo namin sa upuan namin dumating na ang first teacher namen

Anu bayan nung una akala ko am bait bait ni sir Zach at tuwang tuwa pa ako pag nandyan sya kasu siswertehin ako bat ngayon parang na tu turn off na ako sa kanya at ayoko ko na syang kasama kasi palaging highblood naku tao ngayon talaga .....






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon