"Chase! May nahulog!"
Agad naman akong tumingin sa lapag.
"Wala naman ah?"
Trip nanaman ba ako ng babaeng 'to?
"Meron kaya! Hindi mo lang nakita pano tulala ka nanaman!"
"Oy? Hindi ah. May iniisip lang ako."
"ANO? Ang isang CHASE JOO nagiisip?! Sinasapian kaba?! HAHA."
"ALICE, Hindi kaya ikaw yung tulala kaya hindi mo nakita kung san napunta yun nahulog ko?
Nakita kong namula siya.
...
"Hindi ako tulala! HAHA. Ikaw kaya! Ikaw! Ikaw HAHA!"
"Tsk! Hindi ka na imbitado sa birthday ko"
"Joke lang Chase! Eto naman. Ang gwapo mo nga ngayon eh. Blooming. May nakita ka bang magandang babae kanina? Nalaman mo kung anong pangalan? Niligawan mo ba? Gusto ka din daw ba ni--"
Andami niya tanong. Sasakyan ko na lang.
"Oo may nakita akong magandang babae kanina, Ciara daw pangalan, niligawan ko agad, gusto niya din ako. At girlfriend ko na--"
Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ng bigla niya akong tinalukuran at tumakbo.
Problema niya?
Hindi naman ako seryoso sa sinasabi ko kanina. Yung about kay Ciara, ang totoo bestfriend ko si Ciara childhood pa lang. Pero pagragraduate namin ni Ciara ng Elem pinagpatuloy niya yung pagaaral niya sa korea at sumikat siya doon dahil naging model siya. Sabi niya may photoshoot siya dito at gusto niya ako makita. May tinanong siya sakin eh. Tanong kaya tulala ako kanina.
"Are you madly inlove?"
Nagulat ako sa tanong niya, pano naman niya matatanong yung ganung bagay eh hindi naman kami nagkikita? Walang videochat or anything. Isang phonecall lang.
I answered her,
"I guess I'm not. What makes you think that I'm inlove?"
"The way that you speak it's more meaningful than before Chase, I know you. A lot."
Kanino?
...
"On your birthday,12nn pick me up at the airport with you girl. I'm not coming to your birthday if you don't have anyone with you. Bye Chase, I need to hung up. See you there! I can't wait to see her!"