"Devs dalian mo labas na!" Sabi sakin ng kaibigan kong si erikaBalak kasi namang mag cutting class sobrang boring ba naman kasi magturo ni Mrs. Consla Salem wala na ngang natitira sa room namin e puro grade conscious lang mga nerds
"Sandali lang kasi tignan mong nakatingin sakin" ani ko.
"Hindi yan bulag naman yan e tara na hinihintay na tayo nila mariz" giit ni jella sabay hila sakin palabas.
Tumakbo kami hanggang makapunta sa canteen at ang iba ko pang mga kaibigan ay nandun na at lumalamon.
Hindi nagtagal nag time na at second subject na namin pero papunta pa lang kami sa room galing sa canteen.
Napadaan kami sa botanical garden at nakita namin si Mr. Bangley walang iba kundi ang POD namin. Grabe kabibilis magsitakbuhan ng mga kaibigan ko.
"Katanga naman o" sigaw ko sa nakabangga sakin.
"Hala devs sorry di ko sinasadya" sabi naman ni justine ang nakabangga sakin.
Matagal na yang nanliligaw kahit ilang beses ko na ngang rineject e di talaga makaintindi.
" Deva Lane Sandangsal ikaw nanaman" pagalit na sabi ni Sir. Bangley
"Sir good afternoon" kunwaring nahihiyang sabi ko sabay ngiti ng malawak
"Alam mi Ms. Sadangsal hindi mo ko makukuha sa mga ganyan mo. Pang ilang beses nakitang nahuhuli na nagcucutting class"
" Sir hindi pwedeng nag CR lang?" Pairap na sabi ko kaya mas lalong nagalit sakin sa Mr. Bangley
Naglalakad na ako pabalik sa room namin grabe talaga manermon yun crush siguro ako.
Nakasimangot akong kumatok sa pinto at napaka malas nga naman o adviser pa namin.
"Deva nakakailan ka na ha! Sumasakit na ang ulo ko sayo wag mo namang ipahiya ang section natin. Grade 10 ka na at dapat matured ka na magisip" sabi ni ma'am chen
Naupo na lamang ako at kunwaring nakinig. Bwisit naman o as if namang pinapahiya ko tong section namin e kahiyahiya na nga at nasa lowest.
Pag uwi ko sa bahay bihis na bihis naman ang napakaganda kong ina.
"Deva bakit ngayon ka lang magbihis ka na at may dinner tayong pupuntahan" giit ni mama sa malumanay na tono
Si mama ay isang business women at may ari rin ng pinakasikat na restaurant samin dito sa isabela.
Single mom siya dahil iniwan daw kami ng papa ko bago niya ipanganak ang mga kapatid ko na sila aireen at ged kambal sila at napakacute. Grade 8 palang sila ngayon.
Akala ko simpleng dinner lang ang pupuntahan namin ni mama ngunit napaka garbo nito at hiyang hiya naman ako sa suot kong loose shirt and fitted black pants.
"Ged kalandi mo talaga kung anu-anong tinitignan mo" sita ni aireen
"Anong masama dun e bakit kasi kulang yung telang mga suot nila lalaki lang ako" malamig na sabi ni ged
Eto talaga napakasungit na playboy pa.
Bago kumain ay naghanap muna ako ng pwedeng tambayan boring sa loob e.
May nakita akong garden na wala masyadong tao at doon nagpatugtog ako ng malakas alam ko naman kasing di ako maririnig sa loob
Naglalaro ako ng 1010 ng may biglang humawak sa balikat ko. Nanigas ako at pinatay ko muna ang music bago liningon.
" tss mga karaniwang party girl pakihinaan naman pwede" giit niya sa malamig na tono
Grabe natulala ako ng tumitig sa mata niya ang ganda. Napaka matipuno at kaakit akit.
"Ano tutulala ka na lang diyan? Wala na ba talagang matinong babae ngayon?" Tinignan ko siya ng nagtataka
"Lakas din ng loob mong magsuot ng ng loose shirt no wala ka naman boobs" sabi niya sabay alis
Ay pota ang kapal ng muka nun ah
Nanggagalaiti akong pumasok at loob ng hall at hinanap si mama bwisit na lalaking yun hindi porket hot siya ah.
Nakita ko siya kasama sila ged sa bilog na table at may iba pang nga kasama
Nang makalapit ako ay namataan ko yung damuhong lalaki na kausap ni mama. Aba ang tigas ng muka neto ah
"Hoy anong ginagawa mo dito pagkatapos mo kong lait laitin akala mo namab kinacool mo yan" galit na sabi
"Ano ba deva si keann yan at sila ang tutulong sa restaurants natin para mas mapalago ito" giit ni mama
Inirapan ko si keann at at mas lalong nag init ang ulo ko ng makita ko itong nakangisi
Wala pa lang boobs ha kapal ng muka mo sabi ko sa isip ko sabay tadyak sa ano niya.
BINABASA MO ANG
Flat Chested
HumorDiba common sense lang yan kapag wala kang daliri bakit ka magsising-sing? Kung ganon bakit nakabra ka pa kung wala ka namang boobs? Nagsayang ka lang ng tela.