"Ms. Xayne the show will start after 20sec. Be ready"
*nod*Dito pa Lang rinig na rinig na yung mga nagwawalang fans sa labas... gravy sila hahaha
10
Ako nga pala ay nasa backstage at nag reready para sa pag appear sa stage
9
Tumungtong ako sa platform dito , mamaya kusa itong tataas para bongga ang entrance xD
8
Nakalimutan kong mag pakilala
7
"Goodluck po ms.xayne" sabi nung isang staff
Im Courtnie Xayne Lorez nga pala
6
Isang dyosa na kinain ng lupa, joke lang!
5
"GO XAYNE!!"
"XAYNATICS!!!!"4
isa ako sa mga sikat na singer sa mundo
3
At ngayon....
2
"Waaaaahhh!!! XAYNE XAYNE!!"
"GISING NAAAAA!"
"WE LOVE YOU XAYNE!!"
Teka sa galing yung gising na?? Teka parang boses ni...
1
Boses ni insan yun O_O
"Utang na loob xayne gumising kana!!!"
*binuhusan ng tubig*
"Insan? Teka bat moko binasa?? Atska nasan tayooooo??? Di pa tapos concert ko-- aray"
"Adik! Na nanaginip ka nanamang bruha ka!" Binatukan ako n insan cloe huhu
"Ay sayang... makikita ko na sana mga fans ko"
"Gaga ka talaga, maligo ka na, malalate pa ako dahil sayo -_-" siya nga pala si Cloe Lorez ... mahal ko yan kahit bina batok batukan lang ako
"Ako ba may sabi na mag paka late ka?" Tanong ko sakanya pero binalewala niya lang yung tanog ko T____T
"Pumasok ka sa c.r kung ayaw mong maputulan ng leeg" diba. Ang sweet niya sakin, sa sobrang pag ka sweet ,kinikilig na paa ko dahil sakanya
Nag lakad na lang ako papuntang c.r at tinignan si insan
"Cloe beb yab you!!"
"Maliligo ka o ilulublob ko yang muka mo sa inidoro?"
"Sabi ko nga!" Nung sasarado ko na yung pinto , biglang naipit paa ko ... unexpected to at masakit talaga... pero wala tong sakit na to kapag binasted ka ng crush mo... kaya wag ka sanag masaktan pero busted kana ... alam ko namang may gusto ka sakin hahaha de joke lang! Peace tayo!
Nag lalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada... iniwan na kasi ako ni insan , tapos puro kamalasan pa ng yare sakin sa c.r , natapon yung laman ng shampoo, nawawala toothbrush ko, nalaglag sa bowl yung sabon ko , tapos yung toothpaste naman pag ka pisil ko tumlsik sa mukha ko, galing no? Kaya ang ending , yung shampoo at sabon ko ay naging imaginary na lang , kunwari nag shashampoo ako pero wala naman talaga
Gawd, ayun taxi! *_*
Tinaas ko agad kamay ko...Nung huminto yung taxi biglang may tumakbong lalaki na naka shade at mask sa pinto ng taxi
"Hoy kuya!! Ako pumara dyan!!"
Pero ang walangya tinignan lang ako tapos umandar na yung taxi. No choice na lang ako kundi mag hintay na lang ulit"Girl, tignan mo yun oh kamukha ni shannon"
"Oo nga no! Make upan lang tapos kulayan yung buhok niya ok na"
Tinignan ko yng dalawang babaeng nag uusap at eksaktong nag katitigan kaming tatlo....."Ano?"
"Gosh! Ka boses niya pa , teka baka siya nga yan!!"
Na pag kamalan nanaman ako huhu
"Ms. Ikaw ba si Shannon Maxwell???"
"No"
Si Shannon ay yung singer na kalaban ng idol ko na si Samantha"Pero kamuka mo talaga eh, pa picture na lng po 'te"
Hay nako... buti na lang may tumigil na taxi sa harap ko
Dali dali naman akong pumasok sa loob at iniwan yung dalawang babae
"Nako kuyang manong thanks a lot, hulog ka ng bundok!"
"Akina na walit at selpun mo"
Ha????"Ano po yung selpun?"
"Yung selpun na natatats, akina!"
Abat.. makikitext ata si kuya... at sosyal ha , gusto pa yung touchscreen"Kuya bawal heramin phone ko"
"Huld ap to!! Akina!!"
Ano daw??"Eh kuya may password phone ko"
"Gaga ka! Akina nga!!" Teka.... hold up ba to??
"Ay gaga nga, ngayon lang na gulat! Akina kung ayaw mo mamatay"
Ang sama ni kuya huhu
"Kuya malelate ako. Mamaya niyo na lang ako holdapan kapag uwian na, abangan niyo na lang po ako sa gate"
"Sabing akin na yung selpun mo!!"
Ay grabe huhu malalate na ako eh"Malalate na po talaga ako sa school, mamaya niyo na lang ako hold up an kapag may free time ako"
"Ay gaga--"
"Gaga ka din po"hinahamon ata ako nito -.-
"Abat-! Lalake ako tapos gaga?!"
"Gag* ka po"
"Walangya kang bata ka" nagulat ako ng ihinto ni kuya yung taxi
Pero hindi dito yung school ko huhu"Kuya sa school niyo po ako ibaba"
"Wag ka nang magpakita sakin!!!" No choice na lang ulit ako kundi bumaba tapos umalis na yung taxi habang sumisigaw pa si kuya na gaga daw ako
Grabe naman tong araw na to... anyare? Eto ba dulot ng pag buhos ni insan sakin ng tubig? Hind naman siguro... hay nako buhay nga naman
-miss M-
BINABASA MO ANG
The Superstar Is My Twin
Teen FictionOne star Two person One music Two singer One song Two person One secret Big revelation Unlike the others.. i have this unordinary secret that i need to keep Im not like the others that live who they really are ... Im not who i am I dont know who i...