Prolouge

20 0 0
                                    

"Madam Louise! Sigurado na po ba kayo sa desisyon niyo? Pag isipan niyo po muna ng maiigi!"

"Oo sigurado na ako... At ilang beses ko na itong pinag isipan ng maigi at eto ang naisip ko na makakabuti sa kambal" sagot ng babaeng may buhat ng dalawang baby

"Ngunit diba mas maganda kung sabay at mag kasama silang lalaki?" Tanong ng Babaeng kasama niya

"Maganda nga iyon... pero alam mo naman ang mangyayari kapag nakita sila ni Papa pag hihiwalayin din sila"

Tinignan ng babae ang kayang mga anak na nahimbing na natutulog sa kanyang bisig at maya maya pa'y unti unting tumulo ang kayang mga luha

"Mahal na mahal ko kayo mga anak ko" mahinang sabi niya habang umiiyak

"Madam Louise, Dito na lang natin ilagay si Shannon" sabi ng matandang babae na nakaturo sa malaki at magandang bahay na halata namang mayayaman ang nakatira

Dahan dahan nilagay ng dalawa si Shannon sa basket na may kasamang papel na 'Shannon'

Umalis sila sa lugar na yun ng pindutin ni Louise ang doorbell ng bahay at nakita naman nilang may kumuha sa sanggol na Mag asawa na halatang nagulat ngunit makikita sa mukha ng mag asawa na natutuwa sila

Nilisan nila ang lugar na yun at may nakita naman silang Maayos na bahay. Hindi ito kalakihan pero masasahing may Kaya sa buhay ang nakatira dito

Dun naman nila inilagay si Xayne na nakalagay sa basket na may papel na 'Xayne'

Masakit man para kay Louise ngunit kaylangan niya itong gawin para sa kaligtasan ng Magkapatid

"Mahal ko kayong dalawa sana mapatawad niyo ako sa ginawa ko" tuluyan na silang naka alis pero hindi parin maiiwasang umiyak ni Loiuse lalo na kapag naalala niya ang ginawa niya sa anak niya

Maiintindihan niyo din ako kung bakit ko ito nagawa

-Miss M-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Superstar Is My TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon