Huling Sayaw(oneshot)

41 10 18
                                    

Mary's POV

Tiningnan ko ang sarili ko sa whole body mirror matapos nila akong ayusan para sa Graduation ball namin. I'm wearing a pink and black dress matched with black heels. Nagpalagay lang ako ng light make-up at nagpacurl ng buhok. Done!

"Thanks tita. Alis na po ako." Humalik ako sa pisngi ni Tita Joy at sumakay na sa kotse ng kaibigan ko.

"You look gorgeous Mary. Pinaghandaan mo talaga eh?" Sarkastikong saad ni Jane, ang bestfriend ko.

Binigyan ko lang siya ng makahulugang ngiti at tumingin sa labas ng bintana. Inistart na niya ang kotse at nagmaneho.

Naging tahimik ang byahe namin.

Sampung minuto lang ang lumipas ay nasa gate na kami ng Villa Academy. Nagtaka ako ng inihinto ni Jane ang kotse sa gilid ng gate.

"Bespren,umaasa ka pa rin bang mapapansin ka niya?" Tanong niya. Humarap siya sa akin at naghintay ng isasagot ko.

Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko sa kanyang oo. Sesermunan lang naman kasi niya ako at ipapamukha sa akin ang katangahan ko dahil umaasa pa rin ako hanggang ngayon. Pero bestfriend ko siya at hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.

Napabuntong hininga ako at marahang tumango.

"Gosh Mary!" Sabi niya na may halong pagkadismaya. "Hanggang ngayon? Look, I know mahirap ang sitwasiyon mo pero hindi mo naman kasi sinubukang kalimutan ang taong yun! Can't you see? Wala siyang pakialam sayo. After nang araw na dapat ay mag-uusap kayo, hindi ka na niya pinansin. Siya nagpapakasaya, tapos ikaw lugmok pa rin sa feelings mo sa kaniya! I can't bear to see you crying because of that man kaya please, don't assume again."

Napayuko na lang ako na parang batang pinagalitan ng nanay niya. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha sa mata ko dahil ayaw kong umiyak at baka kumalat ang eyeliner ko.

But I felt her hands tapping my back and I heard her say, "I'm sorry. Concerned lang naman kasi ako sa'yo."

Gumaan naman ang pakiramdam ko after that. I looked at her and I smiled to assure her that I'm okay.

"Let's go?" Sabi ko kaya inistart niya ulit ang engine at nagmaneho papuntang gymnasium. May open area kasi doon na nagsisilbing parking lot at doon kami paparada.

Nang maipark na ang kotse ay sabay na kaming pumasok sa gym at namangha ako dahil napakaganda ng paligid.

Hinanap namin ang table na kinaroroonan ng iba pa naming kaibigan. Nakita naman namin sila sa bandang harap kaya nagpunta kami doon pero hindi ko inaasahang nandoon pala siya.

Saglit akong napahinto. Nagtataka naman si jane kaya hinanap niya kung nasaan ang tingin ko at nakita niya si Michael sa table namin.

"Bes hanap na lang tayo ng iba. Maiintindihan naman tayo ng barkada," Sabi niya sa akin at hinila niya ako sa ibang direksiyon pero pinigilan ko siya.

"Okay lang ako bespren. Tara na doon." Saka ko siya nginitian at inakay papunta sa barkada namin.

"Oh! Yan na pala sila," Sabi ni Rey kaya lahat sila ay napatingin sa amin, pati siya ay napalingon pero nag-iwas din agad siya. Masakit man pero hindi ko ito ipinahalata.

"Maria dito kayo umupo," Sabi naman ni Nigel at hinila ang dalawang upuan sa tabi niya. Naupo kami ni Jane at hindi umiimik. Sobrang awkward ng atmosphere pero napansin iyon ni Nigel kaya nag-umpisa na naman ang pang-aasar niya.

"Vince open ang buffet table, magpataba ka na dun!" Pang-aasar ni Nigel kay Vince na katabi niya lang.

"Baka naman ikaw ang gutom pre?" Pambara naman ni Rey sa kanya.

Huling Sayaw(oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon