Hi Ako nga pala si Kathryn Gonzales. Kath for short. Pero mga kaibigan ko lang an tumatawag sakin non.
Meron akong Bestfriend, kaso lalaki siya eh.
Nagkakila ko siya sa National Bookstore. Matagal tagal na din yun. ~_~
Nag hahanap kasi ako ng libro na pwedeng basahen. Mahilig kasi ako mag basa ng story lalo kapag romance. Kaya nga ako nag wawattpad e. ^____^
Tapos, nung nandun ako sa may bookshelves, naniningin ako ng pocket book. Nakita ko yung lalaki (na bestfriend ko ngayon) na nag babasa ng magazine. Tapos tawa siya ng tawa. Yun pala, FHM yung tinitingnan. Nakatingin lang ako sakanya. Tapos napalingon siya sakin. Agad naman akong umiwas ng tingin. Kaya nasabi ko sa sarili ko na, ang gwapo gwapo na nga, malib*g naman! Kaya umalis nalang ako don.
"Ang haba naman ng pila." bulong ko sa sarili ko. Naandito kasi ako ngayon sa may cashier, mag babayad ako ng binili kong pocketbook. Nilingon ko muna sa likod, andami na palang nasa likod ko. Pagtingin ko sa likod ko, yung lalaking nag babasa ng FHM magazine kanina. Kapag minamalas ka nga naman..
Nagkatinginan kami..
"Teka, ikaw yung kanina diba?" sabi niya. Bigla akong humarap sa harap. Nako naman, naalala niya pa yun!! Tss. Eh kasi naman ang bastos! Live na live yung pag babasa niya.
Kinuhit niya ako. "Miss, ikaw yung nakakita sakin diba?" tapos narinig ko siyang tumawa.
Hindi ko nalang siya pinansin, kasi nga ako na pala yung mag babayad.
Aalis na ako. Pero bigla naman akong hinabol nung lalaki nga kanina. Ano bang problema nito. Humarang kasi siya sa harap ko. Tapos bigla na kaagad akong umalis. BIgla naman niyang hinawakan yung braso ko.
"Miss.. ako nga pala si Ken." inabot niya yung kamay niya sakin.
"Anong gagawin ko diyan sa kamay mo?"
Binababa niya na yun.
"Alam mo Miss, kung ang tingin mo sakin ay alam mo na .. hindi ako ganon, may tiningnan lang ako dun sa magazine.. wala namang masama dun diba?"
"Oh e ano naman kung nakita kita? It's not a big deal !"
"Baka kasi iba yung iniisip mo.. Ako si Ken, and you are?" inabot niya ulit yung kamay niya habang nakangiti. Shet! Ang gwapo! Nakakatunaw yung ngiti.
Nakipag shake hands ako sakanya. "Ako si Kathryn."
Itutuloy.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Guys! Wag nyong kalimutan mag comment and vote ha! Read and be a fan.
:)))
BINABASA MO ANG
Bestfriend Love Story
RomanceNagkaroon si Kathryn ng bestfriend. Bukod sa naging popular yung bestfriend niya, tska siya nainlove sakanya. Pero bakit ganun? Nahihirapan siya?