Chapter 1- I love you Bes

30 1 1
                                    

"Best, okay na ba to?" sabi ko habang pinapakita ko sakanya yung banner. Banner na pinapagawa ni Ken saakin.

"Oo, ang ganda. It's perfect! Thank you best!" Sabi niya habang inakbayan ako.

Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko. "You're welcome!" Binigay ko na sakanya yung banner. Oo nga pala, nag pagawa siya ng banner sakin, na may nakalagay na 'Will you be my girlfriend, Cassandra Monfero?' Matagal niya na kasing nililigawan si Cass. Ngayon lang niya naisipan na mag effort ng ganyan. Sa totoo nga lang, ako pa yung nag effort e, hindi siya. Syempre, ako lang naman yung bestfriend niya, na handang tumulong para sakanya.

"Best, bukas na nga pala ako mag pro-propose kay Cass, kaylangan naandun ka ha!" Sabi sakin ni Ken. Bakit naman kailangang nandun pa ko?

"Ha? Kaylangan ba talaga nandun ako?"

"Syempre naman bes!! Ikaw ang best friend ko diba? BESTFRIEND!" talagang diniin niya yung word na bestfriend ha? Wala naman akong nagagawa kundi sumunod na lang.. Kukulitin din naman kasi ako nito eh.

"Oo na! San tayo?" tanong ko sakanya. Kakatapos lang kasi namin mag lunch.

"Bahala ka, kain tayo ng ice cream." Kinapa ko yung bulsa ko. Shit! Asan na yung pera ko?! Tangina naman oh!

"Ano naman yang kinakapa mo? Nawawala pera mo no?" sabi sakin ni bes. Kinapa ko lang ng kinapa yung pantalon ko.

"Hindi bes, baka andito lang yun. Tara na nga.. Maya ko nalang hahanapin." naglakad ako papalayo sakanya at pupunta ako ng canteen.

"Bes! kilala kita! Nawawala pera mo no?" Sabi niya sakin habang nakatingin sa mata ko.

"Oo na! eh hindi ko naman alam na mawawala e!"

"Okay sige! ililibre nalang kita! Mag papa libre sana ako sayo ee." sabi niya at pumunta na kami ng canteen.

Bumili siya ng ice cream, isang vanilla at isang chocolate. Saakin yung Vanilla. Dahil ayaw ko ng chocolate flavor. Masyadong matamiss! Siya naman ayaw niya ng vanilla. Wala daw kasing lasa!

Pagkatapos kumain, umuwi na din kami. Halfday lang kasi ngayon ehh. Naglakad lang kami papauwi.

"Bes, wag mong kakalimutan yung banner ha! please lang!!" sabi sakin ni Bes. Syempre naman hindi ko kakalimutan yun!

"Oo na!" Hindi ko namalayan na naandito na pala kami sa tapat ng bahay.

"Bye bes! I love you!" tapos niyakap niya ko. Medyo nag blush ako. Pero alam ko naman na walang malisya yun. Dahil best friend lang ang tingin niya sakin at best friend lang ang tingin ko sakanya. Hanggang dun lang yun. Niyakap ko siya pabalik.

"Bye! love you more!" Kumalas na ako at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Nag vibrate ang cellphone ko at tinignan ko yun.

From: Bes Macho :)

Bes, wag mong kakalimutan ha? salamat!

Mahal na mahal niya talaga si Cass. Ang hanep talaga ng Best friend ko, umiibig na!

Nag derecho ako sa kwarto ko and then nahiga.. di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako. zzzzzz.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon