Chapter Three- Overnight

353 12 10
                                    

^CHAPTER THREE^

~KATHRYN~

"WHAT?!' sabay-sabay naming sabi err sigaw pala.

''No!"

"Aisshh!"

"Patay''

Sunod naman nilang react sa sinabi ni Kabe. Pero kami ni Daniel tahimik lang. Kinakabahan kasi ako, ayokong masira image namin, yung image ko na pinaghirapan ko talaga. Sabi niya kasi kumalat na daw sa Instagram, Twitter at Facebook yung mga picures namin. And iba't iba na raw ang mga nagcocomment dito. Esp. sa picture namin ni Daniel. ayokong magkaroon  ng bashers pero alam kong hindi maiiwasan yun pero kahit na ayokong rumami yun noh. Kinakabahan pa naman ako. 

"DJ, paano na yan?" mahina kong sabi sa kanya. Natatakot na ewan ako eh. Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kanya at itinaas ang ulo ko dahil naka yuko ako sa hiya.

"Kath, don't worry. Walang mangyayaring masama. Think positive, ok?" sabi niya sa akin. Tinignan niya ako ng matagal at gayun din ako nang biglang tumahimik.

"OK CUT!" biglang sigaw ni Aira.

 

"Tapos na po ang telenobela" sabi naman ni Khalil.

Nagising kami sa katotohanan...(wow katotohanan talaga? hahaxD) At lumingon kami sa kanila na ngayon ay naka cross arms pa. Ngumti lang ako ng pilit at nagsalita bigla si DJ.

"Guys! kino-comfort ko lang naman eh. Syempre babae yun, pinakamaaapektuhan sa nangyari. Huwag nga kayo mag-isip ng kung ano-ano diyan. Tss'' sabi ni DJ. Tama naman siya eh mas maraming maninira sa akin.

"Teka pare, eh wala pa naman kami sinasabi ah. OY! Defensive."  - Katsumi

"He's right.  Masyado lang kami naantig sa palabas niyo kaya ki-nut na namin hahaha" - Julia

Hay nako. Mga abno na talaga 'tong mga ito. Tama si DJ dapat think positive lagi. Kaso hindi ko parin maiwasan eh >.< ayokong madamay ang mga ka-band mates ko dito.

*tok,tok,tok*

Biglang may kumatok sa pinto, malamang. Eh teka, ang pagkakaalam ko ay umuwi na yung ibang staff dito at kami na lang ang nandito. TEKA... sino naman yun?

*Tok,Tok,Tok*

Palakas ng palakas yung katok kaya napaatras kami ng konti. Creepy...

"Buksan niyo kaya!" sabi naman ni Kiray.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rooftop (Parking 5 ▲& Perfect Five▼)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon