Ang Payong ko na Kaibigan

102 0 0
                                    

Hi guys!

Plano kong gumawa muna ng isang short story para mahasa ang pagsulat ko ^^ So ito, isang short children story. Maikli lang ito, mga 1000 words under. But anyway, sana magustuhan mo :D

Dedicated para sa umbrella ko, si Madam Violet.

Note: Cover photo ay galing dito: http://etsystalker.com/2009/02/12/stand-under-my-umbrella-exhibit-21/. Danna Ray ang name ng artist :D

ENJOY~!

___________________________________________________________________

ANG KAIBIGAN KO NA PAYONG

               May isa akong payong. Maliit lamang ito at kulay niya ay lila. Binili ito ng mama ko noong simula ng pasukan. Dalawang tao ang kasya dito, depende na kung malaki kang tao, siguro mag-isa mo lang dito. Sabi ng mama ko na lagi koi tong dalhin kung saan ako pumunta. Noong una, hindi ko ito pinapansin, ngunit isang araw, muntik ko na itong mawala! Dahil dito, parang itong payong na ito ang nagging kaibigan ko at lagi ko na itong inaalagaan. Prinoprotekta niya ako sa init ng araw at pagbuhos ng ulan. Paminsan ay binubuksan ko siya, kahit nasa loob ako ng bahay, hindi dahil pinagyayabang ko ito, kung hindi dahil gusto koi tong ayusin sa loob upang magmukhang maayos at hindi madaling masira. Binigyan ko na rin ito ng pangalan noong isang araw. Madam Violet, ngunit Madam V. para maikli nalang. Siya ang isa na importanteng bagay na dapat lagi kong dala.

               Pero isang araw, malakas ang ulan at wagas ang lakas ng hangin. Pauwi ako mula sa paaralan (malapit lang ang bahay namin, kaya madali ko lang lakarin). Sa sobrang lakas ng hangin, kaya nitong ihangin ang aking buhok at palda. Pati na rin si Madam V. ay bumabaliktad ang takip niya! Tinutok ko ang payong sa direksyon ng hangin. Masamang ideya. Kahit hindi na bumabaliktad ang takip ng payong, bigla naman itong nadulas mula sa kamay ko!

               Kaagad kong hinabol ang payong ko. Dahil maliit lamang ito, nahangin ito ng madali. Hinabol ko ang payong sa daan. Buti nalang walang sasakyan o ibang tao. Hindi ko na pinansin na nababasa ako ng ulan, basta makuha ko lang si Madam V.!

Ngunit diretso ang payong sa isang puno. Nadulas ako at nasugatan, habang pinapanood ko ang payong na naipit sa puno. “VIOLET!” Dumudugo ang tuhod ko, dahil natamaan ito sa isang matalim na bato. Hindi na muling gumalaw ang payong. Kinuha ko ang aking sapatos at hinagis ko sa may sanga (rubber shoes naman ang gamit ko) Paulit-ulit koi tong ginawa, ngunit hindi gumalaw ang payong. Dahil hindi ko mapigilan ang pagdugo ng tuhod ko, umuwi na ako kaagad, at naiwanan ko si Madam Violet.

               Hindi ako nakatulog noong gabing iyon. Sinabi ko kay mama at papa tungkol sa payong ko. Hindi ko natigilang umiyak habang kwinento ko ang nangyari. Sabi nila na maghahanap ng bagong payong, ngunit pinilit ko na walang papalit kay Madam Violet. Matigas talaga ang ulo ko. Kaya ang plano nalang ay titignan bukas kung an doon parin ang payong.

               Natatakot ako na mawala si Madam Violet. Wala pang isang taon ay mawawala ko na ang payong ko. Yinakap kong mabuti ang aking unan at tahimik akong umiyak hangang nakatulog na rin ako.

               Noong sumunod na araw, Sabado, habang kumakain kami ng almusal, may narinig kaming katok sa pintuan. Pinuntahan ko ang harap na pintuan at nakita ko ang kapitbahay naming na si Ate Janice. Nakangiti siya, ngunit para ba itong malungkot. Ang dalawang kamay niya ay nasa likuran niya, at para bang may hawak siya. “Hi Emily,” bati ni Ate Janice. “May gusto sana akong ibigay sa iyo.” Pinakita niya sa akin ang tinatago niya sa likuran niya. Si Madam Violet! “Nahanap ko siya kahapon habang tinatapon ko yong basura. Nakita kong nahulog yong payong sa may harapan ng bahay kaya kinuha ko. Nakita ko yong pangalan mo sa may strap ito. Nalinisan na ito at wala namang sira.”

               Binuksan ko ang payong. Tama nga si Ate. Walang butas o sira ang payong, malinis at para bang hindi ito naulanan at naapektado ng ulan. Para bang gusto ko ng umiyak dahil nahanap na ang aking kaibigan. “Maraming salamat Ate!” Nginitian ako ni Ate Janice. “Walang problema. Sige, aalis na ako, may gagawin pa ako sa bahay.” At siya’y nagpaalam at umalis.

               Bumalik ako sa may kusina. Lumingon si mama nang nakita niya ako. “Sino iyon Emma?” Nginitian ko si mama at ipinakita si Madam Violet. “Si Ate Janice po iyon. Binalik niya payong ko!” Yinakap ko si mama.

               “Nahanap ko na ang kaibigan ko ulit.”

THE END!

Ang Payong ko na KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon