NICK'S POV
Nang makaalis na sila Pie, Sean at Clark naiwan naman akong mag isa dito sa condo ko. Nagpunta ko sa veranda at nagsindi ng sigarilyo at napaisip na naman ako. Ano na naman ang kailangan sa akin ni Chase? Bakit kailangan niya pa ako puntahan dito sa condo. Hindi pa ako handa makita sila at lalong hindi ko pa kayang balikan ang nakaraan. Masyadong masakit para sa akin ang maalala pa ang mga nakaraan. Bakit ba hindi nila ko bigyan ng katahimikan. At habang iniisip ko ang sagot sa mga katanungan ko bigla na lang bumalik ang mga bagay na tinatakbuhan ko.
~Flashback~
Nasa school ako kasama ang mga friends ko ng makareceive ako ng text from Chase asking me to visit our hideout. Hindi po kami gangster, okay? So nagpunta nga ako dun at nakita ko na ang tropa.
"Six, kanina ka pa namin hinihintay. Finals na mamaya at ikaw ang lalaban." said Chase with his authoritative tone.
"Chase, I'm not in the mood to race baka matalo lang tayo." sabi ko at dumerecho upo sa couch.At nagulat na lang ako ng biglang may magtakip ng mga mata ko.
"Hi Six, Goodluck later. I love you" bulong sa akin ni Sky at napangiti naman ako.
"But I don'like to race today. Wala na bang ibang pwedeng lumaban?" tanong ko kay Sky.
"Well, I'm going to ask Chase later, alam mo naman kasi na finals na at ikaw lang ang pwedeng lumaban sa kabilang team hindi ba?" tanong niya pa at nagpout lang ako.
"Wala lang talaga ako sa mood ngayon, paano kung matalo tayo? Pwede naman kasi si Chase ang lumaban eh" sagot ko at nangiti lang siya.
"Okay, I'll try talk to him. I love you." bulong niya na hinahaplos haplos pa ang buhok.
"Thanks, I love you, too." and with that umalis na si Sky.
Naiwan akong mag-isa sa hideout na nag-isip hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit wala ako sa mood lumaban. samantalang ilang buwan din naman namin ito pinaghandaan. Haist, hindi ko maintindihan kanina pang umaga parang balisa ako. May kutob akong may mangyayaring hindi maganda. Huwag naman sana. Tama si Sky matagal na namin itong pinaghandaan. Ito ang pangarap namin lahat ang maging champion sa larangan na ito. Mga ilang minuto pa ang lumipas ng pumasok na ang tropa with Chase and Sky.
"I dont understand, why now Six? Bakit ngayon ka pa nawalan ng gana lumaban?" sigaw agad ni Chase pagkapasok sa room.
"I'm sorry Chase but I have this eerie feeling that there's something bad is going to happen." sagot ko sa kanya ng nakatungo.
"Dont you get it Six? We've been waiting for this for so long. The whole team depends on you. We all believe in you that you will be our ticket to be the champion." galit na sigaw pa ni Chase at natahimik naman kaming lahat lalo na ako.
"No one can beat the other team but you Six. You know that, right?" dagdag niya pa
"Yeah" sagot ko na nananatiling nakatungo.
"Then why the hell you're giving me this bullshits!" sigaw niya pa ulit
"Hey, Chase stop it. Dont force her please. Ako na lang ang lalaban." singit ni Sky
"But Sky ---" hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil biglang naglabasan ang team habang umiiling. Naiwan lang kaming tatlo nila Sky at Chase sa room. Ramdam ko na masama ang loob ng buong team sa akin.