Umalis ka na dito,marami na ang namatay dito sa lugar na ito !

118 4 0
                                    

Isang gabi,sumakay na ako ng jeep sa sobrang haba ng biyahe ko nakatulog ako sa jeep at laking gulat ko lumagpas na ako sa destinasyon ko agad akong bumaba eh kamalas-malasan nakakatakot ung lugar na binabaan ko.

May nakita akong isang matandang nakatayo sa bandang gitna ng lugar na iyon.Lumapit ako sa kanya at nagtanong "nay,san po pa dito ung sakayan ng mga jeep?"

.Hindi niya ako sinagot at may binubulong siya sa akin.Hindi ko ito marinig at inuulit-ulit niya ito sa akin.

Nang marininig ko ito kinilabutan ako tumayo yung balahibo ko dahil sa narinig ko dahila ng sabi ng matanda "Umalis ka na dito,marami na ang namatay dito sa lugar na ito".

Agad akong tumakbo papalayo ngunit parang hindi parin ako nakakalayo sa lugar na iyon.Naaninag ko pa rin ung matanda mula parin sa malayo.

Tumakbo ako nang tumakbo pero tila'y sinusundan ako ng matandang iyon.

Takot na takot na ako hanggang sa nadapa ako at nahabol ako ng matanda.

Nilapitan niya ako.Sigaw ako ng sigaw ngunit walang nakakarinig sa akin kundi ang matanda.Sinasabi niya ung mga sinasabi niya sa akin kanina kaya labis na ang pagkatakot ko sa kanya.

Dahil sa pag-aakalang mamamatay tao siya nilakasan ko na ang loob ko at tinanong siya nang pasigaw "Ano bang kailangan mo sa akin ?!! Ako na ba ang isusunod mo sa mga pinatay mo?!!! "

Biglang nagsalita yung matanda..................

.

.

.

.

.

"Binabalaan na kita marami nang namatay rito dahil sementeryo to Gaga !!!! "

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Sana nagustuhan ninyo ang inimbanto kong istorya ! Please follow me for more stories :)))

wala po akong pinagkopyahan ng  istoryang ito :)\

For FUN only ! :))

THANK YOU ! :)

(c)trixiobar07

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Umalis ka na dito,marami na ang namatay dito sa lugar na ito !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon