Magkaibigan, Magtutulungan

240 4 0
                                    

Isang araw nakita ng magkakaibigang Halaman,Bulaklak at Puno na nagdidilim ang kalangitan...

Halaman:Mga kaibigan tingnan niyo nagdidilim ang kalangitan!!!!

Bulaklak:Oo nga noh! Si Ulap kasi tinatakpan si Haring Araw!

Puno:Paano na yan? Di na tayo lalaki at lalago!

Halaman:Kaylangan nating magtulungan! Kaylangan natin humingi ng tulong kay Hangin!

Bulaklak at Puno:Oo humingi tayo ng tulong kay Hangin!

Halaman:Nang mahipan na ni Hangin si Ulap!

Bulaklak at Puno:Tama!!!!

Humingi na nga sila ng tulong kay Hangin...

Halaman at Puno:Hangin,Hangin!!!!!

Hangin:Oh bakit?

Halaman at Puno: Pede ba kaming humingi ng tulong sayo?

Hangin:Oo naman! Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?

Halaman at Puno: Natatakpan kasi ni Ulap si Haring Araw!

Bulaklak:Pede mo bang hipan iyon para sa amin?

Hangin:Oo naman! Sige pakiusapan na natin si Ulap!

Hinipan na ni Hangin si Ulap...

Hangin:WHOOOOOOOOOSH!!!!! WHOOOOOOOOOOSH!!!!

Halaman,Bulaklak at Puno: Sige pa Hangin!

Hangin:WHOOOOOOOOOOOOSH!!!! WHOOOOOOOOOOOSH!!!!! WHOOOOOOOOOOOSH!!!!!

Ulap:Oh bakit Hangin?

Hangin:Tinatakpan mo kasi si Haring Araw kaya hindi na lumalaki ang mga halaman!

Ulap:Wala kang pakialam! Nilikha kaming mga Ulap para gawin ito!

Nagalit si Ulap at naging Ulan na ubod ng lakas...

Ulap(Ulan):Matitikman ninyo ang galit ko!

Hangin:Anong nangyari sayo Ulap?

Ulap(Ulan):Ako na ngayon si Ulan! Masisira lahat ng halaman na pinakamamahal mo!

Hangin:Huwag! Pakiusap!

Ulap(Ulan):Huli na ang lahat! Umalis ka sa dadaanan ko! WWWWWWWHHHHHHHHHOOOOOOOOOSSSSSSSSHHHHH!!!!!!

Hinampas at itinaboy ni Ulan si Hangin....

Hangin:Aray!!!

Ulap(Ulan):Diyan ka nalang muna! Mag-ipon ka muna ng lakas!

Nanalanta na si Ulan...

Ulap(Ulan):WWWWWHHHHHHOOOOOOSSSSSSHHHHHHH!!!!!!! Ako na ang maghahari sa buong mundo!

Halaman,Bulaklak at Puno:Hindi yan maaari! Magtutulungan kaming magkakaibigan para mapaalis ka!

Ulap(Ulan):Wala na kayong magagawa pinatay ko na si Hangin! Wala ng tutulong sa inyo!

Halaman,Bulaklak at Puno: Hindi yan maaari! Hindi yan totoo! HUHUHU! ...

Ulap(Ulan):Mananalasa na ko sa buong mundo!

Nag-isip ang magkakaibigan kung ano ang gagawin habang nananalasa si Ulan...

Halaman:Saan tayo hihingi ng tulong?

Bulaklak:Eh paano na yan wala na si Hangin?

Puno:Sa tingin ko matutulungan tayo ng mga Bundok! Haharangan ng mga matataas na Bundok si Ulan para malusaw at tuluyan ng mawala ito!

Halaman at Bulaklak:Oo nga! Tama!

Puno:Marami akong kamag-anak na puno sa Bundok!

Halaman:Tamang-tama!

Bulaklak:Tayo talaga ang magkakaibigan!

Humingi sila ng tulong sa Bundok...

Puno:Oh kaibigang Bundok, pede ba kaming humingi ng tulong?

Bundok:Ano ang tulong na maipaglilingkod ko sayo?

Puno:Napakalakas kasi ni Ulap at siya ay naging Ulan!

Halaman:Pede mo ba itong harangan para malusaw at mawala na si Ulan?

Bulaklak:Upang muling makita si Haring Araw upang tayo ay lumaki at lumago.

Bundok:Oo naman! Haharangan ko yang mapaminsalang Ulan!

Lumihis ang direksyon ni Ulan at dadaan sa Bundok...

Ulap(Ulan):WWWWWWWWHHHHHHHHHHOOOOOOOOOSSSSSHHHHHHHHH!!!!!!!

Halaman,Bulaklak at Puno:Ayan na si Ulan!

Bundok:Ulan! Haharangan kita, upang ikaw ay di na makapaminsala!

Ulap(Ulan):Di mo na ko mapipigilan!

Hangin:Whooooooooosh!!

Halaman,Bulaklak at Puno: Hangin!

Hangin:Hindi ko kayo iiwan mga kaibigan! Bundok, magtulungan tayo!

Bundok:Oo, Hangin. Magtulungan tayo!

Hinipan papunta ni Hangin si Ulan papunta kay Bundok upang maharangan na ito...

Hangin:Whoooooooosh!!

Ulap(Ulan):Aaaaahhhhh!!!! Di mo ko mapipigilan! WWWWWWWHHHHHHHHOOOOOOOSSSSSSHHHHHHH!!!!!!

Hangin:Whooooooooooosh!! Whoooooooooooooosh!! Whoooooooooooosh!

Ulap(Ulan):Aaaaaaahhhh!!!

BOOM! Tumama si Ulan kay Bundok...

Bundok:Haharangan na kita!

Ulap(Ulan): Huwag! Aaaahhhh!!!!!!

Hangin:Whooooooosh!!

Naharangan na si Ulan,nalusaw at nawala. Muling nagbunyi ang lahat ng nasa mundo dahil sa pagbabalik ni Haring Araw...

Halaman,Bulaklak at Puno:YEHEY!!!!! Salamat kaibigang Hangin at Bundok!

Hangin at Bundok:Walang anuman!

Halaman: Oh tingnan ninyo ayan na si Haring Araw!

Bulaklak:Oo nga!

Puno:Kamusta ka na Haring Araw?

Haring Araw:Mabuti naman kahit na ang tagal kong nawala. Salamat sa inyo! Salamat kaibigang Hangin at Bundok! Salamat na rin sa inyo Halaman,Bulaklak at Puno! Niligtas ninyo ako sa mapaminsalang Ulan.

Hangin,Bundok,Halaman,Bulaklak at Puno:Walang anuman! Basta tayong magkakaibigan ang magtutulungan!

Napakasaya ng magkakaibigan dahil sa pagbabalik ni Haring Araw. Marmaing delubyong dumating sa kanilang buhay pero sila ay nagtulungan pa rin, at sila pa rin ang magkakaibigan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magkaibigan, MagtutulunganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon