Chapter 1

2 0 0
                                    

Desperada ako. Oo inaamin ko.Sobrang nahulog na ako kay Felipe.Minsan dumarating yung time na kahit gabing-gabi na ay sinusundan ko parin siya kahit naka unifrom pa ako. At wala akong pakeelam kung pagalitan man ako ni Mommy. Wala rin naman syang magagawa dahil di naman nya ako pinagtutuunan ng pansin.Pero hindi yun and dahilan kung bakit every week may bago akong boyfriend at kung bakit ibinabagsak ko ang mga grades ko kahit na kaya ko naman maging on top. Mas gusto ko lang ang ganito. Pakiramdam ko ay ok ako at tanggap ko ang sarili ko.

"Fate will you be my girlfriend?" Sabay bigay ng bouquet at life sized teddy bear saakin ni Jabie.He's my soon-to-be-boyfriend for this week.

May mga kaklase pa syang may hawak hawak na colored paper at isa-isang may letter na allcaps at nabuo ang salitang "I L O V E Y O U". Ayaw ko ng ganito. mamaya ma pa guidance pa kami dahil dito at ayoko rin dahil naaawa ako sa kanya. Alam naman nyang no strings attached. Di kosiya mahal. At 'di ko rin siya gusto.

Halos lahat ng students ay nasa amin ang atensyon at hinihintay na lang na ang sagot ko.Marami ang hawak-hawak ang kanilang mga cellphone at kinukuhaan kami ng picture at video.

"Oo,Jabie" Sabay pakita ko ng malaking ngiti.Naghiyawan ang mga nasa paligid namin at nahuli ng paningin ko si Felipe.Salubong nanamn ang mga kilay nya at inirapa nya ako habang umiiling palayo.

Niyakap ako ni Jabie at hinawakan ang kamay ko.Unti-unti rin na umaalis ang mga tao at naiiwan na kaming dalawa.Nag selfie kami at pinost nya ito sa kaniyang facebook account at pati na rin sa instagram.'Di pa nga tumatagal ng oras o kahit araw man lang ay nagsasawa na kaagad ako sa kaniya. Ayaw ko ng clingy at possesive. Ayaw ko rin ng laging nakahawak saakin,naiinitan at naalibadbaran ako.Ihahatid daw nya ako pauwi at iniwan nya ako dito sa gate dahil kukunin lang daw niya ang bag nya naandon daw kasi ang wallet niya at ayaw daw nyang mapagod ako sa paglakad kaya dito na daw muna ako.

Habang iniintay ko sya ay nakita ko si Felipe na naglalakad magisa papunta sa direksyon pauwi sa kanila.Tinignan ko muna ang paligid ko kung nandiyan ba si Jabie at tumakbo ako papunta kay felipe.

"Hi!" Sabi ko habang hinawi sa muka ko ang nakatakip na stuffed toy na karga-karga ko at hawak ang bouquet.

"Tss.Don't follow me" iritado niyang sagot.

"OA ka. Dito kaya ang daan papunta sa bahay ko,masyado ka namang feeling-"

"Ang ingay mo kasi! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo!"

Itinayo nya ako at hinawakan nya ang sugat sa siko at tuhod ko habang nakaluhod sa harap ko. Nadapa ako dahil humara nanaman ang malaking stuffed toy na dala ko.Medyo madilim na at may ilaw narin sa mga poste na nadaanan namin.Kinuha nya ang dala-dala ko pati na rin ang bag ko at siya na ang nagdala nito.Maraming nakakakita saamin na schoolmate namin at ang iba pa roon ay mga kaklase niya.Ayun nanaman sya with his usual expression.Salubong nanaman ang kilay at bahagyang nakasilip ang dimple dahil sa kanyang pagkangiwi.

"Sa susunod wag kang papayag na bibigyan ka ng ganito kalaking regalo at ikaw magisa ang magdadala.Hindi ka man lang tinulungan. Tsk"

"Wow, Uy yieee concerned sya saakin" pangungutya ko.

Tumigil sya sa paglalakad at inirapan ako. Humarap sya saakin at pinitik ang ilong ko. "'Diba pwedeng naga-advice lang ako para hindi ka magmukang tanga diyan?"

Hindi na ako nagsalita at imbis na ma-offend ako ay napangiti pa ako sa sinabi niya.Unti-unti nang humahaba ang usapan namin kahit na wala namang patutunguhan at puro asaran at pagtatalo lang kami.Mas malayo ang bahay namin sa kanila at dapat talaga ay sasakay ng tricyle kaya lang ayaw daw niya dahil mas nakaka-relax at nakakapag excercise pa siya kung maglalakad siya.Nadaanan na namin ang bahay nila at kinuha ko na ang stuffed toy pati na rin ang bouquet pero hindi nya binigay saakin ang bag ko.

"Uy type nya bag ko. Sige na nga saiyo na lang yan, Bye"

Umalis ako at iniwan sa kanya ang bag ko. Wala namang laman yun kundi wallet ko at cellphone ko. Iniwan ko na rin para magkaron ako ng dahilan sa kaniya na pumunta sa room nila. Kunwari kukunin ko ang cellphone at wallet ko.Di ko mapigilang mapangiti sa naiisip ko at di na rin ako tumngin pa sa likod ko.Alam ko naman na nakapasok na yun sa bahay nila.Mga tatlong kanto pa bago ang saamin.Kaduluhan ito at nagiisa lang ang bahay namin 'dun. Wala man lang malapit lapit na bahay.

Wala nanamang tao saamin at naalala ko na nasa wallet ko nga pala nakalagay ang susi ko sa bahay namin. Pero ok lang.Kaya ko parin naman na mabuksan ang bahay namin at makapasok dito.Tinanggal ko sa case ang ID ko at ginamit 'yun para mabuksan ang pinto at makakapasok na ako pero nagulat at napatili ako nang may nagmura ng malakas at galit na galit sa likod ko. Nakita ko si Felipe na dala ang bag ko at galit na galit na pumunta sa direksyon ko.

"What the F*! 'Di mo ba naiisip na pwede kang mapahamak sa ginawa mo? Paano kung di pala ako yung sumunod sa'yo? Wala kang idea na sinundan kita,diba?"

Ni hindi na ako nakasagot sa kaniya at nakatayo na lang ako.Ano ba ire react ko? Matutuwa o matatakot o ano?. Itunuro ko ang loob ng bahay namin para sana sabihin na pumasok siya. Pumalatak sya at naunang pumasok sa bahay namin. Ito na siguro ang pinakamasayang araw ko. Dahil pakiramdam ko ay magiging close na rin kami ni Felipe sa wakas!

Kinuha nya ang cellphone ko at kung may anong tinignan dun bago niya ito binigay saakin.

"Wag ka mag airplane mode.Paano ka makaka receive ng texts or calls na importante?"

Napatawa ako sa sinabi nya."Importante ba yung mga nanliligaw sa text? Hindi ako pala text kaya ok lang"

Nagbuntong hininga siya at para bang naiinis at nakukulitan siya saakin.Parang may gustong sabihin pero hindi naman masabi.

Nagluto ako ng ginisang corned beef. Lutong de-lata lang kasi ang kaya ko at sabay kaming kumain dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang mag daydream na mag boyfriend-girlfriend kaming dalawa. Tahimik siyang kumakain habang ako naman ay abala sa panonood sa kaniya na ngayon ay nakatitig saakin. Hinawi ko ang muka ko para tanggalin kung ano man o kung meron mang dumi doon.

"What?"

"Tss. Nothing. Just eat!" Masungit nyang sinabi at inayos ang kaniyang koyertos. Tapos na siya at ang dami nya palang kumain? Tapos ang bilis pa. Ako nga itong diet at kakaunti ang kinaing kainin ay hindi pa tapos samantalang apaw ang kanin sa plato niya ay mas nauna pa siya saakin.

I wish that this day won't end. Nagpasalamat siya sa hapunan at inihatid ako sa kuwarto ko bago siya nagpaalam na uuwi na. Kinwayan ko sya sa bintana ng aking kuwarto at nakatingala lanh siya doon at sumaludo saakin bago tumalikod. Di ko matago ang pag ngiti ko.

Someday, Ako naman ang paguusapan ng mga tao bilang girlfriend niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate's DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon