Space version 1.0

21 0 0
                                    

Ano na naman ba yun? lagi nalang ba kami mag aaway..

Bakit ngayon ka lang? Late ka na naman.. masama na bang malate sa mga usapan..

Traffic.. Traffic na.. Sa sobrang traffic nakakapang init na ng ulo..

Wag mong idahilan yan sakin! Lagi nalang.. Sa tuwing magkikita tayo lagi kang late.. Laging traffic ang may kasalanan.. Napapagod na ko.. sa tuwing late ako lagi niya kong sinesermunan..

Uuwi nalang ako marami pa kong project na kailangan tapusin.. Sa sobrang pagfofocus ko sakanya.. na siya na ang naging mundo ko nakalimutan ko yung mga priority ko sa buhay.. lagi akong bagsak sa mga quiz at exam ko.. Dito nalang ako babawi sa project baka sakaling makapasa pa ko..

Subukan mong umalis wala ka ng babalikan.. yan! yan lagi ang panakot niya sakin tuwing aalis ako.. tuwing ayaw niya kong paalis..

Pagod na ko.. Bigyan mo muna ako ng space.. Space para mag isip.. Space para malinawan.. Space para magkaintindihan kami.. Space na makakapag isip sakin para malinawan saming dalawa kung kaya ko pa ba at para maintindihan ko ang lahat ng away namin ay parte lang talaga ng relasyon..

Space!? Humihingi ka ng space sakin? tapos? san mapupunta sa paghihiwalay di ba? bakit pakiramdam ko para niya kong tagasunod.. bawal na ba akong humingi ng pahinga.. sakal na sakal na ko sakanya..

Pagod na ko.. Kung ayaw mo ng space na hinihingi ko itigil na natin to.. Sa loob ng dalawang taon na relasyon namin ngayon lang ako humingi ng space.. Pagod na kong suyuin siya tmsa tuwing late ako.. Sa tuwing may mali akong nagawa.. Sa tuwing di ko siya agad narereplyan.. Sa tuwing di kami nakakapagdate.. Sa tuwing di ako nasama sa gala ng mga kaibigan niya.. Pagod na pagod na kong intindihin siya..

Sabi mo di mo ko iiwan.. Pero tulad ka rin pala ng mga nagiging past ko.. Andali mong sumuko! isang malakas na sampal ang natanggap ko sakanya..

Pagkatapos nun ay iyak na niya ang naririnig ko sa loob ng paborito naming lugar..

Iyak ng taong mahal ko.. tunog na ayokong marinig na nanggagaling mismo sakanya..

Biglang bumalik sakin ang lahat.. Na sa dalawang taon na pagsasama namin ay naging masaya pala ako.. Napinaramdam niya sakin na ako lang..

Na hindi lang pala ako ang napapagod saming dalawa.. Na hindi lang pala ako ang nasasakal saming dalawa..

Niyakap ko siya.. nababasa na ang soot kong damit.. ng dahil sa luha na nang gagaling sakanya na ako ang may gawa..

Pagod na din ako.. Kung hindi mo naman pala kayang intindihin ako.. kung nasasakal ka na pala sa sobrang pagmamahal ko.. pinapalaya na kita.. Mga salitang nanggaling sakanya.. Mga salitang nakapagpatigil sakin.. Mga salitang nakapagparamdam sakin ng sobrang sakit.. Salita na parang karayom na ilang beses akong tinutusok..

Hindi ko napansin na wala na pala siya sa tabi ko..

Nagsisigawan ang mga taong di kalayuan sakin at humihingi ng tulong.. Pagpunta ko sa lugar na pinagkakaguluhan.. Isang tao ang nasagasaan.. Nasagasaan dahil daw sa pagliligtas sa batang muntik ng masagasaan..

Kanina nasa tabi ko lang siya.. Kanina yakap yakap ko lang siya..

Ngayon wala na siya.. at hindi na muling babalik pa..

- - - - -

SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon