"Walter ui! Pwede favor?"
"Oh ano naman yun?"
"Patulong naman kay Keyla oh,alam kong close kayo nun"Napataas nalang ako ng kilay sa magaling kong KAIBIGAN.
"Ano? Liligawan mo yun? Nahihibang kanaba?""At bakit kahibangan yun?"
"Loko kaba?siga ung kuya nun! Ako nga na kaibigan lang muntik na akong patayin dahil akala nun nanliligaw ako sa kapatid niya,tapos ngayon, liligawan mo?""Eh di naman malalaman nun eh unless sabihin mo diba?"
Napailing nalang ako sa kalokohan niya.
"Jaze,kung alam ko lang eh lolokohin mo lang yun,alam ko na ung ugali mo eh,nangangamoy cassava este casanova"
"Ha ha ha ha,oh ayan apat na tawa sayo tol! Korni mo! Sige na,please? Be a bridge sa pagiibigan namin"
"Hay naku Mr.Jaze Delazar,wala akong intensyon na tulungan ka! Ayoko mabugbog ng kuya niya at ayokong mabugbog karin kaya sorry tol,wala kang aasahang tulong sakin"
Bigla nalang ngumising demonyo tong katabi ko.. anyare?
"Oh?bat ka nakangisi? Anong nakakangisi?"
"Ikaw ha tol,concerned ka talaga sakin" at sinundot sundot pa ako sa tagiliran ko.. tupang ama malakas kiliti ko dun eh!
"Tigilan mo yan Jaze! Baka may makakita sayo,mapagkamalan pa tayong..."
"Magsyota? Bakit may gusto kanaba sakin ha? Ayeee"
Namula naman ako dun! Tupa talaga!
"A-ako?? Magkakagusto sayo? HA! Napakaimposible naman nun tol!" Anong trip ng lokong to? Bakit ganito ung pinagsasasabi? Di ba niya alam na naaapektuhan ako?
"Totoo? Wala kang nararamdamang pag ibig sakin?" At inilapit pa niya mukha niya sa mukha ko
0-0 Putangina!
"Tigilan mo nga yan Jaze! Di na ako natutuwa!" At tinulak ko ang kumag! Peste tumatawa lang siya.
"Wahahaha!! You should have seen your red face tol! Hahahah!"
"Ansama mong lintek ka! Kung makapangtrip ka ha"
"Joke lang yun tol,kaw talaga di na mabiro!,alam mong di naman ako magkakagusto sayo kase nga lalaki ka at lalaki ako. Ano to? Boyxboy? No way hahaha! Wag mong seryosohin!" At inakbayan pa niya ako,
"Tara na nga Walter Marionne Dela Fuerte! Libre nalang kita"
At hinatak nalang niya ako papuntang canteen.
Hay naku Jaze,kung alam mo lang ung nararamdaman ko sayo noon pa. Kung para sayo joke lang yun.. saakin naman, gusto ko sana maging totoo. Pero alam kong masasaktan lang ako kung umasa ako sa isang bagay na kailanman ay malabong mangyari.
Masakit umasa lalo na kung wala naman talagang dapat asahan.
Pero masama bang maghangad? Lalo na kung totoo naman ang nararamdaman?---to be continued---
BINABASA MO ANG
Never Again
De TodoMatagal nang may gusto si Walter kay Jaze,kaso hindi niya masabi sa kaibigan kase parehas silang lalaki at alam niyang hindi mutual ang nararamdaman nito sakanya. Kung sa paningin ni Jaze ay bestfriend lang para sakanya si Walter.. More than bestfri...