11:11

9.6K 228 115
                                    

Warning: What you will be reading is already the revised edition of 11:11. But you don't have to worry. This version is much better than the old one.

__________________________

"Malapit na mag 11:11!" Biglang sigaw ni Aira. My eyebrrow furrowed ng dali-dali silang pumwesto sa labas ng balcony.

"Bakit? Ano meron? May bababa bang santo?" tanong ko. I know it's a stupid question. Pero malay naten, di ba?

"Daily routine na ng tropa 'yan," sagot ni Jonax. Mas lalo namang bumusangot ang mukha ko. Ibig sabihan tuwing 11:11 lalabas sila para mag-abang ng santo na bababa? 'Yon ba 'yon?

"Eh?" tinawanan lang niya ako.

Hindi ko mapigilang mapangiti. But I hid it. Tumawa siya dahil sa'kin. Eeek! Tumawa siya. OMG.

"When 11:11 drops, lalabas 'yan sila tas magwi-wish." sagot niya tapos pumikit. Napatingin ako sa iba and saw that their eyes are closed too. Ako lang ata 'tong mulat na mulat.

Ganon ba 'yon?

Pipikit na din sana ako ng biglang sumigaw si Aira. "11:12! Anong winish niyo guys?"

"Hindi ako naka-wish." I pouted. Ginulo ni Jonax 'yung buhok ko matapos ay ngumisi.

"May next time pa."

"Ano ba winish mo?"

"...ikaw."

"Ha? Haha. Wait. Nakalimutan ko maglinis ng tenga. Ano ulit?"

Imbis na sumagot ay ngitian lang niya ako. "Wala."

--

Naglalakad ako sa park habang kumakain ng cotton candy. Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako sa nangyari kagabi. Sure akong may sinabi si Jonax eh! Na-distract lang ako sa ngiti niya. Hehehe.

"Mag isa ka lang?" napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Jonax.

"Jo... eh? A-anong nangyari sa'yo?" tanong ko habang kinukusot-kusot 'yung mata. Si Jonax ba talaga 'to? Haru! Ang gwapo niya. OMG. Naka-sleeves siya na checkered at maong pants. Nakataas din 'yung buhok niya na pandagdag pogi points.

He chuckled. "Ako ata 'yung nagtatanong."

"Ah eh, oo. You know. Unwinding para sa finals." tumango lang siya. Tinignan niya 'yung cotton candy na nalaglag nung napatalon ako at umalis.

Ah ganon? Pagkatapos niyang malaglag cotton candy ko at kamuntikan na rin akong atakihin sa puso eh iiwanan lang niya ako ng ganon ganon lang? Hah! Nakakatawa.

Kumunot 'yung noo ko ng makita siya pabalik sa pwesto ko. "Oh." sabay abot niya ng limang cotton candy na naka-plastic. Napatalon nanaman ako sa gulat nung nakita ko yon.

"A-ano 'yan?" Tanga. Cotton candy malamang. Hindi ka rin nag-iisip minsan Nicole, ano?

Ay baliw. Ako na rin sumagot sa tanong ko.

"Cotton candy," he shrugged.

"May balak ka bang patayin ako sa diabetes?"

"Maybe." nanlaki 'yung mata ko at pinalo siya sa braso.

"Talaga lang, ha! Ge. I-solo mo 'yan!"

"Uy, joke lang." napatigil ako ng hawakan niya ako sa kamay. Hindi ko napigilang mapakagat labi habang nakangisi. Nakatalikod naman ako sa'kanya so okay lang.

"Samahan mo nalang ako sa playground."

"Bakit? Ihuhulog mo ako sa swing?" ismid ko.

"Maybe?" he answered like it wasn't a statement. Tumawa lang siya matapos ay hinila ako papunta sa playground.

Wala namang tao kaya tuwang tuwa ako. "Hah! Masosolo ko na din 'tong playground sa wakas!" Nag-evil laugh ako at narinig na tumawa siya sa gilid. Pangalawa na.

"Ba't naman?" tanong niya.

"Anong ba't naman? Kapag pumupunta kaya ako dito, nakatunganga lang ako. Hindi manlang ako maka-try kahit sa slide dahil inaaway ako nung mga bata. Gurang na daw ako tapos naglalaro pa don."

He laughed. "Well, it's all yours."

Tuwang tuwa akong nag-slide pababa. Minsan pinipicturan niya ako kaya todo pa-cute naman ako. Baka mamaya i-upload niya sa fb, haggard ang itsura ko. Tinry ko sunod 'yung paikot-ikot ka. Tinawag ko si Keene pero umiling lang siya.

When I finally tried all of it, I breathed out and sat at the swing. "Jon, halika! Tulak mo 'ko."

"Malakas?"

"Try mo lang! Malakas na sipa matatanggap mo!" pero hindi siya nakinig. Tinulak niya ako ng pagkalakas-lakas na akala ko mahuhulog na ako sa inuupuan ko.

"Leche ka! Jonax, stop this! Itigil mo 'to!" sigaw ko sa'kanya. He still didn't listened and sat at the other swing. Bumwelo siya at lumipad kasama ko. Not literally though. Hangga't sa katagalan, na-eenjoy ko na din.

Tumigil siya atsaka tumingin sa kanyang relo. I used my feet to stop from swinging and looked at him. He raised his head and closed his eyes.

"11:11. You can wish now." sabi niya, still eyes closed. Nabigla ako and at the same time, nagtaka.

"Ha? Akala ko ba tuwing gabi lang?"

"11:11 comes twice a day because everyone deserves a second chance, Nicole. Now go wish before it's too late." Huminga ako ng malalim at unti-unting pinikit ang mga mata.

Sana akin ka nalang, Jonax. Please...

"Ano winish mo?" napamulat ako at tinignan siya. He wasn't looking yet a smile is evident on his face.

"Ha? Ah eh, basta!" natataranta kong sagot. He stood up from the swing and looked at me.

"I gotta go." I felt my face fell down. Gusto ko sana hindi pumayag pero baka magtataka lang siya. Atsaka ano bang karapatan ko? Gusto niyang umalis eh. Edi umalis siya.

"Sige. Bye." napabagsak ang mga balikat ko ng maglakad na siya paalis. Winish ko namang sana maging akin ka eh. Hindi 'yung sana umalis ka sa tabi ko.

Ang sakit.

Pero nagulat nalang ako ng makita ko siyang tumatakbo papunta sa direksyon ko. He leaned in and gave me a quick kiss on my cheek. "Hiniling ko na sana maging tayo nalang, Nicole. Sorry kung iniwan kita. Nakalimutan ko kasi 'yung line ko."

At matapos non ay tumakbo na siya paalis. Tumayo ako at sumigaw, "Bakit ka tumatakbo?! Iiwanan mo girlfriend mo dito?!"

Napatigil siya sa pagtatakbo at humarap. Hinihingal siyang tumingin sa'kin. Ikaw ba naman tumakbo pabalik-balik?

He smiled. And I swear, I lost my undies.

END.

__________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon