"Tayo na ba?"
Tanong na ikinagulat ko . Kaya naman napatingin ako sa bestfriend ko na si Jigs.
"Ha?" Nasabi ko sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin eh kung tayo na ang kasunod sa pila?" Tugon naman nya. Ah akala ko pa naman. Nakapila kami ngayon ni jigs para sa try out ng volley ball para maging varsity ng school namin.---
"Tayo na?" Ha? Tiningnan ko si jigs na ano bang ibig mong sabihin-look . Umiwas sya ng tingin sabay kamot ng ulo at nagsalita "Sabi ko tayo kana jan kase mag sisimula na ang practice sabi ni coach allan" Ah. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa bleachers at nagsimula na kaming tumakbo para mastretch ang muscles namin bago ang try-out. Ako nga pala si Izzy . 16 . 4th year Highschool na. July 8 na nga pala ngayon at ngayon na ang try-out ng mga gustong maging varsity . Matagal na akong varsity ng Volleyball dito sa school namin pati si jigs na bestfriend ko na mula elementary pa lang, magkapit-bahay kasi kami. Aaminin kong gusto ko si jigs matagal na pero natatakot kasi ako na pag nalaman nya eh masira ang pag kakaibigan namin kaya minabuti kong itago na lang sakanya ang nararamdaman ko ayoko namang maging makasarili.--
"Tayo nalang?" Ha? Ano daw? "Jigs ano bang pinagsasasabi mo-
"Ang ibig kong sabihin tayo nalang ang nandito sa room oh. Kaya tara ng umuwi" Paliwanag nya. Ah- masakit nga namang mag assume . Andali lang lumipas ng panahon August na ngayon at sa September 15 na ang laban namin sa mga rival schools namin . Kinakabahan na nga ako eh.
"Alam mo napapagod na ko. Effort ako ng effort pero hindi ko alam kung napapansin ba nya ang mga effort ko" Jigs habang naglalakad kami pauwi "Ha?Ano namang kadramahan yan jigs? Hahaha"
"Ah wala . Si coach kasi hindi ako ang ginawang captain ball ng Volleyball boys eh ako naman yong nag e-effort talaga" Jigs na para bang iba ang gusto nyang ipahiwatig.
"Ah okay lang yan :) ang importante ikaw ang captain ko este captain ball para sakin :)"Paliwang ko "Talaga?" Sabi nya ng nakangiti. Oo jigs kahit ano pang sport yan ikaw ang MVP, Star player, Team captain o kahit ano pang tawag dun basta ikaw lang bida para sakin. Ikaw ang bida sa puso ko jigs. Kung alam mo lang sana jigs. Kaso-- "Syempre naman! Bestfriend tayo diba?"Bestfriend oo nga naman Bestfriend lang ang merong ako at ikaw. Hanggang dun na lang ba?.--
"Hoy! Tayo na lang? Tayo nalang kase ! Tayo na lang please?" .Oh sige jigs ! Tayo nalang ! Oo sinasagot na kita! Hahaha pero masakit talagang masampal ng katotohanan."Oo na! Haha Wala naman akong choice eh haha joke lang bestfriend" Sa wakas! Oo kami na ni jigs. Kami na ang magkagrupo sa science na activity. Mag e-experiment daw eh kaya by partners at yon kami ni jigs ang partner actually lagi naman kami ang partner pag groupings.Buti pa sa grouping inaaaya nya akong kami na lang ha-ha-ha . Hayup na groupings yan ! Pinapaasa lang ako eh </3
--
"Tayo na ba? Sana tayo na talaga-"
Napatingin ako kay jigs na kasalukuyang inaayos ang rubber shoes nya. Gusto ko sanang sabihin na "Talaga? Oo na sige! Hahaha"pero-- "Sana tayo na talaga ang manalo ngayong season! Excited kana din ba Izzy?" Dugtong ni jigs sa sinabi nya kanina. September 15 na nga pala ngayon at yep ngayon na ang labanan ng bawat schools dito sa bayan namin at ang sponsor na school ngayong taon ay ang school namin. Madaming nangyari sa mga nakaraang araw madami na kaming naging lessons at activity. Nakakapagod nga eh kasi after ng class namin na 3:00 pm natatapos eh deretso practice kami ng Volleyball ni jigs. Masaya naman kami ni jigs kasi nga BESTFRIEND kami . Pero minsan naiinis ako sa kanya eh kasi lagi naman syang "tayo na! Tayo na ba! Tayo na kasi! Tayo na daw!" Tapos sasabihin nya "sa pila,sabi ni sir, o di kaya bilisan mo kasi tayo na lang ang hinihintay" mga ganong bagay. Sa practice man o sa ibang bagay.Oo naiinis ako! Kasi alam kong hindi mangyayari yon eh. Alam ko kasing iba ang tinutukoy nya . Alam mo yon? Pero madami namang pwedeng ipalit na word dun diba? Pero ba't kasi yon pa? Pwede naman tara na? diba?. At Nasasaktan na ako sobra! Pero ano bang magagawa ko? Eh ako lang naman tong umaasa na magkakaron ng KAMI ako lang tong nag aassume na sana may YOU AND I na theme song. Yong gagawa ng music video na PERFECT TWO na kanta. Hays! Jigs please stop hurting me.
BINABASA MO ANG
Tayo Na
Teen FictionIZZY + JIGS = ? May mabubuo kayang JIGZZY? o mananatiling "Jigs at Izzy" nalang habang buhay.