3/25/2016 (posted)
***YOKAI SLAYER***
CHAPTER 2: FACING TRUTH
"Nasaan ako?" Heron found himself standing in the middle of nowhere. Napakadilim ng lugar at hindi siya pamilyar dito.
"Anong nangyayari?" tanong niya pa sa sarili na nalilito pa rin hanggang napahawak siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay masakit ang bahaging 'yon. He tried to look from each side until he saw a light not too far away from him and he was surprised when he saw a girl suddenly appeared from it. Nakatalikod ito sa kanya at naisip niyang puntahan ang babae.
He run towards her while shouting a question. "He-Hello. Tingin ko classmate kita. Alam mo ba kung 'asan tayo?" Pansin niya kasing naka-uniporme ito ng katulad sa paaralang pinapasukan niya. She was on a dark blue pleated skirt just above the knee, a sailor-like white clothe and a black long sock. Nanatili itong nakatayo habang papalapit na si Heron.
"Naririnig mo ba ako?" dagdag pa na tanong ni Heron ngunit nang makalapit siya ay agad siyang natakot. Namilog ang mga mata niya at halos matumba siya sa mahinang pag-atras niya.
He saw the girl turned at his direction and all of the sudden she was covered with a blazing red-orange fire. Matalim ang mata nito kay Heron at may hawak-hawak na espada ngunit hindi naman natutupok ng nakapaligid na apoy.
Nakita ni Heron ang pagbuka ng bibig nito pero hindi niya marinig ang sinasabi hanggang napasigaw na lang siya nang tumakbo ito papunta sa kanya at mabilis na itinusok ang sandata sa puso niya.
"AAHH!" Nanginginig na napasigaw at diretsong bangon si Heron sa kanyang higaan. Mulat na mulat ang mga mata niya sa takot. He was in great panic that he grasped his chest immediately. He thought it was real. He couldn't deny that he felt the pain on his dream. Ano nga ba ang panaginip na 'yon?
"Oy! Heron! Gising ka na!" Nangunot noo siya nang marinig niya ang boses. Pagtaas niya nang ulo ay mabilis niyang nakita ang kaibigang si Pilot. Nilapitan siya nito at naupo pa sa tabi ng kama niya.
"Dude! Okay na ba pakiramdam mo? Wala ba masakit? Grabe pinag-alala mo ako do'n ah. Muntik na akong maiyak." Sa ikalawang pagkakataon, nangunot ulit si Heron sa sinasabi ng kaibigan. He couldn't understand what he was saying and instead he hit Pilot's head with the right fist.
"'Ta-Tangina naman He-Heron." Pakamot-kamot si Pilot sa ulo niya. "Bakit mo ba ako sinaktan? I-be-break kita, 'kita mo!"
"Siraulo ka ba? Bakit hindi kita sasaktan? Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko ha? At---" Nanlisik ang mga mata ni Heron nang makita niya ang mga kalat. Isang batok ulit ang binigay niya kay Pilot.
"At sinong nagsabi sa 'yo na puwede ka dito magkalat? Ginamit mo pa ang playstation ko!" pagmamaktol niya sa kaibigan. Alam niya kasing balahura si Pilot at ayaw niyang nakakakita ng pakalat-kalat na gamit.
"Aray naman Heron! Tama na nga. Para ka riyang babae sa lakas ng sigaw mo. Feeling ko mas lumakas ang pagbabatok mo no'ng na ospital ka."
Napatigil si Heron sa sinabi ng kaibigan. "Ospital? Ako? Anong sinasabi mo?"
Tuluyang naupo sa kama si Pilot na naka-indian seat style. "Hindi mo naaalala? Apat na araw ka rin yata sa ospital. Pang-lima ngayon since gusto ng mama mo na i-uwi ka na at bibisitahin ka na lang ng doktor dito sa inyo."
"Ha? Ibig sabihin limang araw din akong walang malay?" Nakatulala siya matapos mapagtanto ang nangyari sa kanya. Pero bakit parang wala siyang maalala?
BINABASA MO ANG
Yokai Slayer
FantasyThere was a rumor spreading in the city that demons were lurking at night. Sa isang krimen na nangyari, nakita ni Heron ang babaeng merong eyepatch sa kaliwang mata nito. Ang babaeng tahimik sa klase nila at matagal na niyang pinagkakainteresan. Nan...