"Naririnig mo ba ang sarili mo?" may pangungutya nitong tanong sa akin at pinasadahan ako ng tingin. "You are just a good fuck to me. Nothing more, nothing less."
Umiling ako. "H-Hindi totoo iyan." tinatagan ko ang aking pananalita. "Please bawiin mo iyang sinabi mo. Hindi ba't sinabi mo na mahal mo ako?"
"At naniwala ka naman?" malamig niyang tugon sa aking sinabi. "Save yourself from embarrassment at umalis ka na."
Tumalikod ito at maglalakad na sana palayo ng hinabol ko siya at hinawakan sa kamay. "Sandali lang!"
"Ano ba!" sabi nito sabay tulak sa akin. Sa pagsigaw niyang iyon ay lumabas ang mga bisitang nagtataka kung ano ang nangyayari sa aming dalawa.
"Huwag n-namang ganito." pagmamakaawa ko sa kanya. Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao basta ang mahalaga ay bawiin niya ang sinabi niya at sabihin niyang mahal niya ako.
"You are just wasting your time." tumitig siya sa akin na para akong isang estranghero. Na parang wala kaming pinagsamahang dalawa. "Hindi kita minahal at experience ka lang."
Parang binibiyak ang puso ko sa sakit. Bakit? Bakit ganito? Ginawa ko naman lahat. Ang sabi niya noon mahal niya ako. Mahal na mahal.
Nag-angat ako ng tingin. "I thought you l-love me?" hindi ko na naiwasang hindi mapaluha ng ngumisi ito sa akin. "S-Sabi mo mahal mo ako!"Tumawa ito maging ang mga tao sa paligid namin. "Do you honestly think mamahalin ko ang anak sa labas na tulad mo?"
BINABASA MO ANG
Heal Me
Romance"I thought you l-love me?" hindi ko na naiwasang hindi mapaluha ng ngumisi ito sa akin. "S-Sabi mo mahal mo ako!" Tumawa ito maging ang mga tao sa paligid namin. "Do you honestly think mamahalin ko ang anak sa labas na tulad mo?"