Chapter 4: 2months later

3 2 0
                                    

Sa bahay:
Heto ako ngayon sa kwarto ko. Gumagawa ng assignments at nag re-review na rin. Hehe. Medyo nag se-seryoso na ko sa pag-aaral ko ngayon. Dati kc di ko alam kung ano yang pag re-review. Si Sky nagturo sa kin ngayon na mag review daw dahil may exams kami bukas, 1st grading exam. Kaya ito medyo naging matured na at may natutunan na ng konti. Hehe.
Matalino kasi yung si Sky ehh. Kaya parang nahawaan narin ako. Haha. Feeling ko naman.

Sabi din kc ni Sky, dapat ma top daw ako sa klase. Yan nalng kasi cguro ang paraan para naman mapansin ako sa schoolmate naming c Shane Chui. Ang bagong famous sa aming school.

*knock...knock
"Be, may naghahanap sayo. Classmate mo daw. Uhmp. Best friend mo daw" sabi ni mama sa kin.

"Huh? Sino naman maghahanap sa kin sa gantong oras? Eh, 7pm na ng gabi" tanong ko kay mama.
Kaya lumabas nalng din ako.

"Uyy, kayo hah may pa bestpren-bestpren pa kayong nalalaman" sabi naman ni mama.

Kaya paglabas na paglabas ko. Ang mukha ni mokong na si Jeffrie ang nakikita ko. Nag devil smile pa ang bakla. Kainis!!! Nandito nanaman ang smile nyang nakakainis. Arrgh.

By the way. 2months na pala na naging best friend ko sya... sabihin na nating best friend ko nga sya but still sya parin ang best enemy ko.
Kasi nga best friend ko sya ehhh, kaya best enemy ko rin. Haha. Nakakalito no?

Wait. Pano nya nalaman ang bahay namin? Magkasabay nga kami palaging umuwi pero pagdating sa San Francisco street eh nagkakahiwalay na kami dun. I mean different way na kami, pagdating dun. Medyo malayo pa naman yun.

"Hoooy! Pasok ka nga dito!!!" Medyo parang galit kong pagkasabi.

"Be?! Bisita mo yan. Ang boses mo parang galit!" Sabi ni mama sa kin.

Ayy. Oo nga pala, nasa bahay pala kami.
Kaya, dapat mabait muna ako ngayon.

Si mokong naman, tumatawa parin ng mahina.
"Hahaha.. Be? Baby? Baby ka parin?" Mahina nyang boses at tumatawa parin.

Arrrrggh. Nakakainis!!!! Di ako makakaganti. Dapat mabait ako, kc nandito sa bahay ehh, para di mapagalitan ni mama. Haaaayyy.

Uk. Forget it, Mariel.
"Ouh? Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhh... Kailangan ko ng copy sa english. Yung lalabas sa exam. Di kc ako naka Copy kanina. Ayan tuloy until now di pa ko naka pag study."

Babatukan ko na sana. Buti nalng, biglang tumabi c mama sa kina-uupuan ni Jeffrie, kaya di natuloy.
Si mama talaga, FC agad.

Haaay...

OH My Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon