Tanging Pangarap [one shot]

115 9 4
                                    

Dedicated to: RandomanticWriters


Aking mahal na ina,

Hindi ko po alam ang aking pangunang sasabihin maging ang isulat ang liham na ito para sa inyo ay aking alinlangan din. Kaya sa aking ginagawang ito ay ipagpaumanhin ninyo kung kayo ay luluha o sa aki'y magagalit, nais ko lamang pong ilabas ang aking saloobin.

Kamusta na po ba kayo? Kamusta na po ba ang inyong pamumuhay ngayon? Ano na po ang inyong lagay ngayon? Nasaan na po ba kayo ngayon? Ipagpaumahin po ninyo ang aking walang humpay na mga katanungan ngunit gusto ko lamang pong malaman kung kayo ba ay nasa maayos na kalagayan, magpahanggang ngayon; kung kayo po ba ay masaya pa rin; kung kayo ba ay maayos pa rin ang kalusugan at ang pangangatawan; kung hindi n'yo pinababayaan ang inyong kalusugan; kung kayo ba ay naalagaan ng inyong mga anak at ng inyong bagong kinakasama o mas maganda sigurong sabihin na nating inyong bagong katuwang, ang inyong panghabang buhay na kabiyak; kung kayo po ba ay maligaya na, ngayong kami ay wala na sa inyong piling; kung masaya po ba kayo ngayong iba na ang inyong mga kasama sa ilalim ng iisang bubong at mga kasabay sa inyong pagkain sa hapagkainan araw-araw.

Sa hinaba-haba naman ng aking listahan ng mga tanong, iisa lang naman ang lagi ay sumasagabal sa aking isipan magpahanggang ngayon, ilang taon naman na ang lumipas, ilang kaarawan na ang aking naipinagdiwang na ikaw ay wala upang mahusgahan ang aking kasiyahan, ilang pasko at bagong taon na rin ang mga nagdaan na wala kayo sa aking tabi, upang makipagpalitan ng bati at regalo. Iisa ang aking agam-agam, iyon ay ang...

"Ako ba ay minsan din ng sumagi sa iyong isipan, kahit panandalian lamang?"

Alam ko na pong iniwan ninyo kami, si papa, ako. Bagamat ako'y isang musmos pa lamang noon, hindi naman iyon agad naamin ng aking mahal na ama. Hindi siya nagkulang sa pagpapalaki sa akin. Ginawa niya lahat mapunan lang ang inyong mga pagkukulang, ginawa niyang lahat para hindi ko maramdaman ang inyong pagkawala, ginawa niyang lahat upang hindi ko hanapin ang inyong pagmamahal at ang inyong pagiging ina sa akin.

Ngunit katulad nga ng sabi ng mga matatanda, ang ina ang siyang nagdala sa kanilang mga anak ng siyam na buwan kaya iba ang laging pakikitungo at pagmamahal ng mga ina mula pa noon. Kaya siguro hindi umubra ang lahat ng nagawa ni ama, dahil ako ay nangulila pa rin sa inyong pag-mamahal, sa inyong pag-aaruga at pati na rin sa inyong presensya. Marahil nasaktan ko si papa sa mga inasal ko pero pinilit niyang ako'y mabigyan ng liwanag.

Tanda ko pa ang araw na iyon, ang araw na ako'y nagtanong kay ama at ang kaniyang lamang na wika ay...

"Lahat nga ng bagay ay may hangganan. Lahat ng mga sikreto ay nabubunyag sa tamang panahon, ika nga nila."

Ako naman nga ay nagtaka dahil sa mga katagang kaniyang nabitawan pero ang kaniyang tanging bagay na nagawang ipaliwanag ay ang pangako na sa aking pagtungtong sa wastong kaisipan doon n'ya na lamang sasabihin ang mga totoo at tunay na pangyayari. Siguro nga isa pa lamang akong batang paslit noong mga panahong iyon, marahil ay ako lamang ang hinihintay ng aking ama upang mailahad ng katotohanang sa kaniyang loob ng dibdib ay kinikimkim.

Sa aking araw-araw na pagtungo sa paaralan, marami ang nakapag sabi sa akin na ikaw daw ay lumisan upang makasama sa iyong tunay na iniibig, bagamat hindi pa mulat ang aking isipan ng mga panahong iyon pinabayaan kong lamunin ako ng mga katagan at pangako ni ama.

Alam n'yo po, lagi akong napapatingin sa mga batang kasama ko sa paaralan. Napapatulala ako sa aking laging nasisilayan. Tumutulo ang mga luha sa aking mga mata sa lagi kong nakikita. Naiinggit ako sa kanila. Lagi pag papasok ako sa eskuwelahan, kasabay ko lagi ang mga bata na inihahatid ng nanay nila. Papasok sa tarangkahan ng magkahawak ang kamay. Pag tanghalian, sinusundo at pagtapos noon ay ihahatid din sila ng mga nanay nila upang magkasabay silang kumain o 'di naman kaya ay dadalhan ng baon at sabay uupo sa isang lamesa nang magkatabi at susubuan ang bata habang may hawak-hawak na laruan o madalas nagku-kwento ng nang kung anong nangyari sa kaniya. 'Pag may palabas sa skul at tanghaling tapat, ang mga nanay din ang kasama ng mga kaibigan ko at alam n'yo bang halos magkandarapa na sila sa paghabol sa kanilang mga anak huwag lang silang pinagpapawisan at todo punas pa huwag lang matuyuan at magkasakit ang mga anak nila. Nakakainggit at nakakalungkot kasi wala ka.

Tanging PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon