Her POV
First time kong makaranas ng ganito. Yung may isang taong papahalagahan ako, aalagaan ako, papasayahin ako kapag malungkot ako, magpupunas ng luha ko kapag umiiyak ako, mag-chi-cheer up sakin kapag feeling ko down na down ako, yung magsisilbing bodyguard ko kapag may mang-aaway sakin, yung parang driver ko kasi lagi akong hinahatid sundo, yung parang nanay ko na ang oa kung magbilin sakin kung ano ba ang dapat at hindi dapat gawin, parang tatay na sobra kung ako'y protektahan at yung isang taong mamahalin ako ng wagas.
Siguro ako na ang pinakamaswerteng tao, wait let me rephrase that. AKO na talaga ang pinakamaswerteng tao dahil nakilala ko ang katulad niya. Napaka-sweet, caring, gwapo, gentleman at higit sa lahat supet mapagmahal. Perfect boyfriend kumbaga. Yung tipong, halos lahat ng babae sa mundo e papangaraping maging boyfriend siya kasi, sino ba naman ang hindi? Diba? Ang perfect niyang maging boyfriend.
Sa totoo lang, ayoko talagang magkaboyfriend kasi sagabal lang yan sa studies ko. Pero hanggang sa isang araw yung kaibigan kong lagi akong kinukulit ay umamin sakin. Sinabi niya na may gusto siya sakin. Nung nalaman ko yun. Todo iwas talaga ako sa kanya. Kasi paano ba naman super close namin tapos bigla na lang siyang magcoconfess? Like what the h. Sa tingin niyo ba magiging komportable ako kasama siya. Of course not. Kaya ayun. Iniwasan
ako siya hanggat maari. Pero patuloy lang siya sa pagsunod sakin. Pero hindi naman ako masyadong naiinis. Pero kasi ang kulit niya talaga. Kahit na lagi ko siyang sinasabihan na lumayo na siya sakin e mas lalo niya lang akong kinukulit.Hanggang sa dumating yung araw na nainis na lang talaga ako sa kakulitan niya at nasigawan ko siya. Sinabi ko sa kanya na "Pwede ba tigilan mo na ako, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong balak magpaligaw sayo dahil wala akong gusto sayo! LAYUAN MO NA LANG AKO PWEDE?! Sagabal ka lang sa pag-aaral ko. Tsaka ayokong magka-boyfriend kasi pare-pareho lang naman kayo e. Sa umpisa lang kayo ganyan. Kunware mabait, sweet, caring. Pero kapag tumagal, WALA NA. Magiging cold ka lang sakin at pagsasawaan moko. Kaya habang maaga pa iwasan mo na ako."
Sa totoo lang. Pati ako nagulat sa mga sinabi ko. Pero totoo lahat ng yun. Pero mas ikinagulat ko yung expresyon ng mukha niya at ng mga sinabi niya.
"D, maniwala ka naman oh. Gusto talaga kita. Hindi ako yung tipo ng lalake na bigla na lang nagsasawa. Dahil kapag sinabi ko talaga sayo na gusto kita, GUSTO TALAGA KITA. Kahit na sabihin mong layuan kita, hindi ko yun gagawin. Hinding hindi. Kasi ayokong dumating yung time na may pagsisisihan ako. Maniwala ka, gusto kita at hindi ko hahayaang makuha ka ng iba. Kaya di kita lalayuan. Gusto kita at liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Kasi hindi talaga ako katulad ng iba"
Habang sinasabi niya yan sakin, hawak hawak niya yung dalawa kong kamay na para bang nagmamakaawa na pumayag ako. At kitang kita to talaga sa nga mata niya na sincere siya. Pero nagmatigas ako. Sinabi ko pa rin na ayaw ko. At umalis nako.
Akala ko titigilan na niya ako dahil sabi ko ayaw ko. Pero nagkamali ako. Dahil kinabukasan nung lumabas ako ng gate namin, andun siya, nakasandal sa scooter niya. Alam kasi niyang mas prefer ko ang 2-wheel vehicle kesa sa car. At matte black pa talaga yung color nung motorcycle niya. Kilalang kilala nga ako nitong taong to. Kahit ayaw kong sumabay sa kanya e pinilit niya ako. So habang nakasakay ako sa likod niya di ako humawak sa balikat niya. Humawak na lang ako sa hawakan dun sa likod ng upuan. (A/N: Alam niyo na yun haha)
Pagkarating namin sa school at pagka-park niya bigla akong bumuba at naglakad ng mabilis. Pero dahil nga lalake siya naabutan niya ako -_- Ayun pinilit niya kunin bag ko. E pareho naman daw kami ng class so sabay na lang daw kami. Edi ayun dahil mapilit e initsa ko yung bag ko sa mukha niya. Hahahaha ang sama ko. Pero parang wala lang naman sa kanya.