A/N:
Guys T-T Sorry na. Sorry na talaga huhuhuhu. Ilang taon ko kayo naiwan? Huhuhu sorry talaga guys ;-; Unang una, nasira laptop ko, nandun lahat ng files ko, kaya di na ako nakapag-update. Pangalawa, naging busy sa pag-aaral, nawala ako sa top 10 kaya kailangan kong bumawi (kahit di na ako nakabawi -_-). Pangatlo, pinairal ko ang katamaran ko. Hindi na ako ginanahang magsulat. Di ko na talaga mahanap yung passion ko in writing. Kaya ngayong bakasyon ng 2016 ay susubukin ko ulit ichallenge ang sarili ko na bumalik sa larangan ng panunulat. Haaaay. Sorry talaga guys. Pero salamat. Salamat sa mga nagbabasa pa rin, sa mga hindi nakalimot. Salamat guys naiiyak ako huhu. Birthday ko nga pala ngayon (april10 actually haha) kaya nagsulat ako ulit. Regalo ko para sa inyo at para na rin sa akin. Sana maenjoy nyo pa rin ang buhay ni Margena. May mapapansin kayong pagbabago sa way ng pagkukwento ko, di ko na mababago yun, pero pipilitin kong ibalik yung dati kong paraan ng pagkukwento hihi. Salamat guys. Mwa :*
--
"Neon? Bakit ka nandito?"
Nagulat siya nung nagsalita ako. Hindi niya ata napansin yung pagdating ko. Dahan-dahan siya humarap sa akin. Nakasuot siya ng black na hood , at nakasuot siya ng uniform sa ilalim ng hood. Napansin ko ding may hawak-hawak siya.
"Oh Neon, paano ka nakapasok?" nagtataka kong tanong, nakakandado ang gate namin at tanging ako at si Aling Nena ang may susi.
"Ah eh, pinatuloy ako ni Aling Nena ba yun?"
Nagtaka ako dahil di nagpapapasok si Aling Nena ng kung sino sino. Pero baka namukhaan nya yung uniform ni Neon sa ilalim ng suot nyang hood at pinatuloy na lang.
"Ano yang hawak mo? Gabi na ah" sabi ko habang papalapit sa kanya.
Medyo nataranta sya nung nakalapit na ako, napansin kong tinago nya yung hawak-hawak nya. "Ah, eh, akala ko kasi nandito ka. Bibisitahin lang sana kita, titignan kung okay ka lang ba o ano" sabi nya nang hindi nakatingin sa mata ko.
"Ano nga kasi yang hawak mo? Patingin ngaaaa" at pinilit kong agawin yung hawak nya.
Nagulat ako nang mainit yung nahawakan ko, "Ouch! Ano ba to?!"
Napakamot sa ulo si Neon at napangiti, "Dinalhan kita ng pagkain" sabi nya sabay pakita ng dala nyang ulam na nakaplastic.
Anong meron sa taong to? Napag-isipisip ko. Binuksan ko ang bahay at pinatuloy sya.
"Naku wag na, mauuna na ako. Baka hanapin na din ako sa amin eh. Sige, bye Genaaa!" sabay tapik sa balikat ko.
"Salamat!!" Napangiti na lang ako dahil ang weirdo talaga ni Neon.
Pagkapasok ko sa bahay ay ginawa mo ang munting ritwal ko. Dumiretso sa kwarto at sinigurong nandun pa yung mga mahahalagang bagay na iniwan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong okay naman ang lahat. Napatingin ako sa tabi ng kama ko, nandun yung picture nila mama at papa. Nakangiti kaming tatlo dun. Haaaay nakakamiss sila. It's been two years simula nung nawala sila. Naaksidente ang sasakyan namin noon, kasama ako duon pero minor injuries lang ang nakuha ko. Ilang buwan din akong hindi lumabas ng bahay pagkatapos ang libing nila. Buti nga nandyan si Aling Nena, third cousin ng papa ko. Nandyan sya para ayusin yung mga naiwan ng magulang ko para sakin. Kahit na masungit yun, matandang dalaga kasi, malaki utang na loob ko sa kanya. You da men, Aling Nena!
Nagpunas ako ng luha at lumabas sa kwarto ko. Binuksan ko yung dala ni Neon na ulam. Sinigang na baboy, mah favorite *-*
Inilagay ko na sa lalagyan yung ulam. Duon ko lang napansin na umuulan pala. Ang lakas ng ulan, may bagyo kaya? Narinig ko yung pito ng malakas na hangin. Jusmiyu, baka mawalan pa ng ilaw, mag-isa lang ako sa bahay! Matatakutin pa naman ako ._. Naghanap ako ng kandila pero wala namang posporo. Hawak-hawak ko yung kandila at payong sa pag-labas ko. Ngunit bago ko pa malapitan ang pinto ay nawalan na ng kuryente.
BINABASA MO ANG
The Man Who Stole Everything
Teen FictionLahat na lang ninakaw niya. Gamit, pera, pati nga yung cellphone at gadgets ko. Syempre naaasar ako. Pero bakit nang manakaw niya puso’t pagmamahal ko, hindi man lang ako naasar o nagalit? Korny at cheesy pero meged, this is a blessing. Pag-ibig na...