A/N: Another one shot letter-ish style. Sana magustuhan niyo.
***************
"Pero kahit ilang sulat ata ang gawin ko, hindi parin 'non mababalik ang dati."
***************Dear baby,
Kamusta ka naman? Naka-ilang sulat na ako para sa'yo. Hindi ko alam kung nasaan ka kaya hindi ko mapadala sa'yo. Bigla bigla ka nalang kasi naglaho. Bumalik ka na, please?Ang dami kong nakilalang bago sa buhay ko simula nung umalis ka. Masaya sila kasama. Pero aaminin ko, walang tumbas yung sayang nadarama ko kung ikaw sana yung andito. Sana nga andito ka pa rin sa tabi ko.
Sa bawat sulat ko, siguro paulit ulit ko na sinulat mga ala-ala na'tin. Di ako nagsasawang isulat 'yun. Pero kahit ilang sulat ata ang gawin ko, hindi parin 'non mababalik ang dati.
Ayos naman tayo 'non, diba? Umabot tayong dalawang taon. Kaso nung nag third year college tayo, naging sobrang busy ka. Civil Engineering ang course mo 'non. No wonder, medyo mawawalan ka nga ng oras sa akin.
Ako yung lalaki sa'ting dalawa kaya dapat ako yung umintindi. Pero sadyang gago ako kaya unti-unti, sumasama loob ko sa'yo dahil pakiramdam ko wala lang ako sa'yo. Pero di mo naman sakin pinaparamdam yun. Sadyang gago ako na hindi makaintindi sa'yo.
Araw araw naman may text ka sa'kin. Gaya ng I love you baby, kumain ka na ba? Masama ba pakiramdam mo? Wag kang magpapalipas ah? Miss na kita baby, Babawi ako sa'yo baby.
Yang mga katagang 'yan. Sabi sa'kin ng tropa ko, swerte pa din daw ako dahil may oras ka sakin oras magtext ng ganyan lalo na daw at kumplikado course mo. Pero makitid talaga utak ng baby mo, sorry. Bumalik ka na sa'kin please?
Lumipas ang mga araw noon, madalang nalang tayo magkita. Pero tandang tanda ko pa ang sinabi mo sa'kin 'non. "Text mo lang ako baby kung kailangan mo ng makakasama ah? Di ako mag-aalangang takbuhin yan kung na'san ka man. Basta ba't kailangan ako ng baby ko eh."
Ang gago ko, tangina.
Nung mga times na wala ka, lagi kong kasama bestfriend ko 'non. Si Leila. Lagi kaming lumalabas, kumakain kung saan saan, nanonood ng sine. Parang date. Unti-unti, nawawala ka sa isipan ko 'non. Pero akala ko pati sa puso ko, nawawala ka na. Hindi pala.
Sobrang understanding mong gf. Kaya okay lang sa'yo na may bestfriend ako. Kahit kailan, hindi mo pinakitang nagseselos ka.
Isang araw 'non, nagtext ka sakin. Sabi mo kailangan mo ako. Kaso parang pinaglalaruan nga ng tadhana. Nagtext din si Leila at sabi nya kailangang kailangan niya ako. Hindi ako nagdalawang isip na..... puntahan si Leila. Tinext kita 'non na hindi ako pwede ngayon dahil kailangan ako ng bestfriend ko. At ang gago ko kasi ang nasa isip ko 'non ay mapaselos ka. Sabi mo, Naiintindihan ko.
Pagpunta ko sa bahay nila Leila, sinalubong niya ako 'non ng yakap. Yung problema niya pala, bumagsak lang siya sa isang subject. At yung araw ding yun, umamin sakin si Leila na may gusto siya sa'kin. Ako naman si gago, pinatulan. Tinago namin relasyon namin sa'yo.
Tapos yung 3rd Anniversary natin dumating. Ikaw pa nagtext sa'kin na mag-meet tayo sa SM. Alam mo nasa isip ko 'non? Um-oo ako pero hindi talaga kita sisiputin. Patawarin mo ko, baby.
Yung araw ng anniversary natin, nasa bahay ako ni Leila buong araw. Buong araw kami magkasama habang malakas ang ulan. At... may nangyari sa'min. Hindi ko alam kung bakit pero ikaw nasa isip ko 'non habang ginagawa namin ang katarantaduhang yun.
Naisip ko, sobra na 'to. Bigla akong... nakonsensya. Putangina mapapatawad mo pa kaya ako?
Kaya kinabukasan, hinintay ko labas mo. Kasi mas maaga labas ko. Balak ko sana bumawi sa'yo. Pero gabi na, wala ka pa din. Hindi ka pumasok.
BINABASA MO ANG
Oras
Short Story"Oras pala talaga ang kalaban natin. Kaso ikaw lang lumaban." [ONE-SHOT]