Binuklat ko ang libro nating dalawa. Nakita ko roon ang halo-halong memorya na idinikit natin.
Mayroong kinukuhanan mo ako ng litrato habang nakasakay ako sa carousel. Napakasaya ng memoryang iyon. Doon mo ako dinala dahil gusto mo ng kakaibang date. Yun bang hindi puro restaurant at kain o panonood sa sinehan. Mas gusto mo yung magiging masaya at nakakapagod.
Kadugtong niyon ang litrato nating dalawa na nakasakay sa isang roller coaster. Nakanganga ako nung mga panahon na iyon at ikaw naman ay halos mahilo-hilo at mukhang mahihimatay. Sumisigaw ako nung mga panahong iyon at tumatawa habang ikaw ay halos mahihimatay na. Naalala ko na pinagmamalaki mo sa akin na hindi ka takot sa heights. Pero heto ka't masuka-suka na.
Inilipat ko ang pahina at nakita ko ang litratong pinapakain kita ng sorbetes habang nakapiring ang aking mga mata. Sinabi mo kasing mayroon kang surprise kaya't piniringan mo ang aking mga mata. Nagkataon namang may hawak akong sorbetes at naiduldol ko ito sa iyong mukha. Hahahaha. Nakakatawa iyon.
Nang matanggal na ang blindfold, Natawa ako nung nakita ko ang mukha mo. Mukha ka kasing napaliguan ng sorbetes at instant clown. Sukat nanlalagkit ka na nung mga oras na iyon pero nakangiti ka pa rin habang nakatingin sa akin.
Inilipat ko ulit ang pahina at nakita ko na umiiyak ako habang buhat-buhat mo ako sa iyong likod. Nahagip ng aking mga mata ang nagdudugong tuhod ko. Ah! Eto nga pala yung mga panahong hinahabol kita dahil naglalaro tayo ng mataya-taya. Natawa ka nga nung nakita mo akong napaluhod sa semento pero agad mo naman akong nilapitan para pagaanin ang aking kalooban. Mabuti at maliit lang ang sugat kung hindi ay malaking peklat iyon kung sakali.
Nakita ko naman sa susunod na pahina yung naiiyak na ako kakatawa dahil sa itsura mo habang nakaupo sa stretcher at tutusukan ka na ng injection ng manggagamot. Kinagat ka kasi ng aspin kong alaga na si Blue eyes. Ikaw kasi. Nagmamayabang ka kasi sa akin na marunong kang makipaglaro sa aso. Buti nalang at napaturukan ko ng anti-rabies si Blue eyes noon.
Pigil ang aking tawa habang nililipat ko ang pahina at mayroon nanamang panibagong eksena ang nandoon. Nakita ko tayo habang nakahiga sa may damuhan ng resthouse ninyo. Nakataas ang mga kamay natin at nakaturo sa langit. Ang ganda talaga dito sa resthouse ninyo sa Bicol. Nakatingin tayo sa mga bituin sa langit.
Kasalukuyan kitang tinuturuan tungkol sa constellations dahilan upang sadyain mong hawakan ang mga kamay ko. At sinabi mo ang listahan ng mga pangarap mong sabay nating gagawin.
Nilipat ko ang pahina at tumambad sakin ang dalawang taong nakasuot pangkasal, may pari at may mga bisita sa likod. Puti at dilaw ang ginamit na kulay sa kasalang iyon. Napakaganda ng lugar, maraming bulaklak na sunflower at tulips at nagkalat ang paru-paro sa lugar na iyon. Humarap ng dalawang tao na iyon at tayo pala yung ikinasal. Eto yung pinuntahan nating wedding booth noong foundation day. Mukhang totoo diba?
Pinahid ang luha ko.
Tears of Joy.
Napakasaya talaga nung mga panahon na iyon.
Marami-rami rin pala ang mga nagawa nating memorya. Kung tutuusin, makapal na itong libro nating dalawa. Napangiti ako.
Sa hindi inaasahang saglit ay nahulog ko ang libro nating dalawa, nang dinampot ko iyon, nailipat na pala sa malayong pahina. Nakita ko iyong lalaking umiiyak habang hinahabol ang sasakyang tumatakbo. Ikaw pala yun. Hinahabol mo iyong taksing sinasakyan ko dahil umalis ako. Umalis ako dahil sa natuklasan ko. Nakita kitang may kasamang iba.
Masakit pala. May pahina pala dito na masasaktan mo ako. Inakala kong puro lang tayo kasiyahan.
Inilipat ko ang pahina dahil napakasakit ng ala-ala na iyon.
Nakita ko ang lalaki na patuloy na hinahabol ang sasakyan. Ngunit hindi na niya nahabol ang sasakyan dahil biglang nitong binilisan ang takbo. Sa hindi inaasahang pangyayari, may dumating na isang trak na minamaneho ng lasing na drayber. Naroroon ka pa rin sa gitna ng kalsada. Hindi mo nalang namalayan na nasagasaan ka na ng trak.
Inilipat ko ulit ang pahina. Nakita kitang nakahiga sa kama ng hospital. Nakita ko rin ang sarili ko na nakayuko sa gilid mo habang hawak ang mga kamay mo. Ang gwapo mo pa rin kahit maraming gasgas ang mukha mo. Sinabi ng duktor na hindi malala ang sitwasyon mo pwera lang sa isang bagay. Kinakailangan lang na maoperahan ka sa puso dahil mayroong bumaon na bakal mula sa trak sa sa isang parte ng iyong puso. Wala pa ding mahanap na pampalit sa heart bank.
Paulit-ulit akong inaalo ng iyong mga magulang. Ngunit parang wala akong naririnig. Paulit-ulit kong sinisisi ang aking sarili.
Sana pala hindi nalang ako umalis. Sana pala pinakinggan muna kita. At sana hindi ako naging makasarili.
Isinara ko na ulit ang libro at pinahid ko ang luha na tila ba'y walang tigil sa pagbuhos mula saking mga mata. Patawarin mo sana ako dahil naging makasarili ako.
Napaayos ako ng upo nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.
Nakita kita.
Nadagdagan ang kakisigan mo. Medyo humaba ang buhok mo at nagpapatubo ka na pala ng balbas. Medyo nangitim ng mestiso mong kutis. Siguro nagbasketball ka na naman ano?
Sinubukan kong hawakan ka kaso bigla mong iniwas ang mga braso mo upang kumuha ng libro sa iyong bag.
Umusog nalang ako ng kaunti upang maiwasan ko ang kagustuhan kong yakapin ka.
Inilihis ko ang aking paningin dahil nasasaktan pa rin ako. Pero mukhang okay ka naman. Mukha ding nakalimutan mo na ako. Sa halos ilang panahon na inialay ko para bantayan ka ay mukhang maayos naman ang kalagayan mo. Balita ko graduating ka na. Maligayang bati nga pala.
Pasensya na hindi natin natupad ang pangarap nating umakyat ng sabay sa stage. Pasensya na dahil hindi na natin magagawa ang sabay na pag-aapply ng trabaho. At yung lahat na sabay nating pinangarap noon ay hindi ko na matutupad, patawad.
Mukha namang iniingatan mo ang puso ko. Nagagamit mo naman ng maayos diba? Masaya akong nagagamit ito ng maayos.
Binigay ko sa iyo ang puso ko, dahil mas gusto kong mabuhay ka kahit ang kapalit nito ay ang sarili kong buhay.
Ganyan kita kamahal.
Pinikit ko ang aking mga mata. Sana.
Sana makasama kita muli.
Sana makita mo ako at maalala mo lahat ng pinagsamahan natin.
Kahit saglit lang, o kahit ilang segundo lang.
Sawang-sawa na kasi akong titigan ka mula sa malayo.
Nakatanaw lang ako sayo palagi at nakabantay sa lahat ng kilos mo.
Sana mahawakan man lang kita, o mayakap at mahalikan.
Isang pagkakataon lang naman hinihingi ko.
Sana'y magkita tayong muli.
Kahit sa panaginip ay okay na para sa akin, basta't magkita lang tayo muli. Napakalaking milagro na iyon para sa akin.
Hihintayin ko ang pagkakataon na iyon.
Matagal na akong naghihintay sa iyo rito sa lugar na ito.
Wala na akong pakialam kung gaano katagal akong maghintay sa iyo.
Magkikita tayo.
Pangako.
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng mga binatong ideya.
Short StoryRaw stories. Freshly typed and someday will be used as a plot of a story.