Marrying My Boy Bestfriend

12 0 1
                                    

"Aray! Ano ba?!" Tss kakainis naman to! Alam mo ung nagrereview ka tapos bigla nalang may mambabatok sayo?!Kaninang kanina pako kinukulit nito eh! Hays! Kung di lang talaga kita besty pinalayas na kita.

"Eh kanina pa kita inaayang kumain ayaw mo namang tumigil dyan hmp!" Aba nagpout pa ang luko.

"Hoy FYI kanina pa kita pinapaunang kumain ayaw mo naman tapos ngayon magrereklamo kang matagal akong magreview? Ang kulit mo din eh no? Saka wag ka ngang magpout pout dyan. Kala mo'y ikakacute mo yan!" Oo ako na ang masunget hahaha! Eh pano kase ang kulit kulit nitong si kier daig pa babae eh. May pout pout pang nalalaman lumalabas tuloy ung pagkacute cute nyang dimples hihihi!

Btw ako nga pala si Kiershia Gonzales also known as Kisha. At ung makulit na boy besfriend ko ay si James Kierson Lopez a.k.a. Kier. At tanong ng lahat ay 'magkapatid ba kayo?' 'bakit pareho kayong may kier sa pangalan?'  'Boyfriend/Girlfriend mo?'  Haysssss wait ngaaaa. Hindi po kami magkapatid no! Masyado akong maganda para maging kapatid nya bleeee! Jokeee hahahaha! Aaminin ko gwapo naman talaga yang besty ko makulit nga lang hahaha! At wag kayo mahilig siya sa kahit anong bagay basta may kinalaman sa pusa. Halos buong kwarto niya nga eh puro stuff toys na pusa pati ung laman ng closet niya halos kalahati ng mga damit nya eh may pusa hahaha! Favorite na namin yung pusa simula grade school eh.

Bakit parehong may 'Kier' sa names namin? Well ask our parents. Basta ang alam namin bago pa kami pinanganak eh magbestfriend na ang parents namin. Pagtinatanong namin sila kung bakit Kier puro 'wala lang' ung sasabihin nila. Siguro napagtripan lang nila yon. Hahaha! Bayaan mo na andyan na eh. Minsan nga pagtinawag ni ma'am ung Kier sa room pareho pa kaming titingin. Nakakalito kaya!

At eto na, boyfriend/girlfriend mo? Aysh! Ganon ba talaga kaming kaclose at mukha na kaming mag bf/gf eh? Sabagay sobrang close kami sa isa't isa PERO! Wala po talaga kaming relationship ni Kier hanggang bestfriends lang po talaga kami. Actually may sari-sarili po kaming crush no! Ayaw nya nga lang sabihin sakin ung crush niya. Daya!

"Tara na nga! Pasalamat ka nakita ko yang dimples mo ah. Hahaha!" May sinabi siya kaya lang pabulong. Aba baka kung ano na sinabi sakin nito ah?! "Anong sabi mo?" Baliw talaga. "Wala! Sabi ko tara na! Kanina pako nagugutom dito oh!" Oo na nga ang kulit!

Pagkatapos naming makalabas ng room nagpunta na agad kami sa canteen. Aaminin ko medyo nagugutom narin ako hehe. Hays. Kaylangan kasing magreview ng bongga ngayon. Malapit na kase ung exam namin and 3rd quarter na! isang quarter nalang at gagraduate na kami ng highschool woooooh!

Naupo kami sa table na lagi naming pinagtatambayan. Nakabili na rin siya ng pagkain alam naman na niya ung gusto ko eh.
Habang kumakain kami biglang may papalapit na teacher sa pwesto namin. Ay mali, sa pader pala sa likod namin. May dinikit siyang poster...

"Show your talent!"
What?: Audition for 'Student's Got Talent!'
Where?: School Auditorium, building 2.
When?: November 22, 2015 / 1-3pm in the afternoon.
*Please bring your IDs
*If your in a group, 2-5 members are required.
*Thank you!

Nagkatinginan kami ni Kier. Sa ngiti palang namin sa isa't isa, di na namin kaylangang magsalita. Alam na!

••••••••••

Helloooo guyssss! Namiss kong gumawa ng story huhuhu. Lol. Pano kase ung 'Mr. & Mrs. Turon' ko dati eh di na natuloy. Hays. Hahaha! Btw sa mga nakabasa po non kahit maikli lang ung ud thank youuuuuuuu! Eto nalang po ung ipapalit ko kung nabitin kayo dun. Enjoyyyy! Labyuuuuu<3

Marrying My Boy BestfriendWhere stories live. Discover now